Chapter 14

14 3 2
                                    

Pagkagat ng dilim, inilagay na ng lahat sa gitna ang dala nilang kahoy. Sinindihan ito ni Jace at ito ang naging hudyat ng kanilang simula para unang gabi ng camping.


Umupo sila at pinanood ang apoy habang kumakain ng kanilang dalang pagkain. Walang activity na ginawa si Alec para sa gabing ito upang makapagpahinga sila ng husto.


Nang matapos na ang kainan, pumasok na ang lahat sa kani-kanilang tent. Dahil sa pagod nakatulog na halos ang lahat.


Samantala, hindi naman makatulog si Clary. Sinubukan niyang puntahan si Brian subalit tulog na din ito. Kaya naisipan niyang kuhanin ang baon niyang wishky at naglakadlakad hanggang sa makakita ng isang puno na pwede niyang tambayan.


Nagising naman si Jace para umihi, subalit natanaw niyang bukas ang tent ni Clary at sinilip niya ito at nakita niyang walang tao sa loob. Kumuha siya ng kumot at ibinalabal sa hubad niyang katawan.


Naglakad-lakad si Jace at nakakita siya ng isang lugar na may ilaw. Dahan -dahan siyang lumapit at pagkarating niya nakita niya si Clary.


"Clary!" Ani ni Jace


"Jace! Bakit gising ka pa?" Tugon ni Clary


"Naalimpungatan ako. Teka nga dapat ako ang magtatanong sayo niyan ano ang ginagawa mo dito? At bakit mag-isa ka?" Ani ni Jace


"Hindi ako makatulog. Anyways baka gusto mo ng alak may dala ako." Tugon ni Clary


"Sure! Mukhang masarap yan ngayong malamig na gabi" ani ni Jace


Umupo si Jace sa tabi ni Clary, ibinukad ang dala niyang kumot at ibinalabal sa kanilang likuran upang magbigay ng kaunting init. Humihip ang hangin at namatay ang ilaw na dala ni Clary.


"Fuck! Wala akong dalang lighter." Ani ni Clary


"Meron ako. Pero maliwanag naman ang buwan mamaya na lang siguro natin sindihan ang ilaw." Tugon ni Jace


"Sige. Uhm.. Jace ang ganda ng buwan no?" Ani ni Clary


Tumungga ng alak si Jace bago sumagot.


"Oo ang ganda, lalo na ng sinag." Tugon ni Jace


Sunod na tumungga ng alak si Clary.


"Alam mo pangarap ko to. Ang umupo sa ilalim ng puno habang nakatingin sa sinag ng dilaw na buwan." Ani ni Clary


Muling uminom si Jace ng alak


"Hindi pa din pala nagbabago yung pangarap mo, kahit ilang taon na ang lumipas." Tugon ni Jace


Uminom muli si Clary ng alak


"Hindi.. sa totoo niyan ngayon lang natupad iyon. At higit sa lahat kasama pa din kita ng natupad ko ito" ani ni Clary


Uminom si Jace at pagkatapos ay napatingin kay Clary ng malalim


"Parang kailan lang... wala pa ding nagbabago sayo.. ang mga mata mo sa tuwing tumititig ka sa akin." Tugon ni Jace


The Day you Love me... i dieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon