Habang wala pa si Clary, nagkaroon ng pagkakataon si Jace upang magtanong kung saan nagtungo si Cassandra kagabi.
"So... can you tell me kung saan ka nanggaling kagabi?" Ani ni Jace
Hindi kaagad nakasagot si Cassandra, nag-isip pa siya ng bagong kasinungalingan na sasabihin kay Jace.
"Ano kase.. medyo nahilo ako.. then nakituloy muna ako sa kaibigan ko hanggang sa hindi ko namalayan nakatulog pala ako." Ani ni Cassandra
Tatango-tango na lamang si Jace.
"Pero alam mong kasama mo ako. Pwede mo namang sabihin sa akin kung ano man ang nararamdaman mo." Tugon ni Jace
Patuloy pa din sa kasinungalingan niya si Cassandra.
"Ayaw ko kasing masira ang gabi mo. Alam mo naman diba simula pa lamang sa restaurant mainit na ang ulo mo." Ani ni Cassandra
"Ok.." tugon ni Jace
Nang gabing iyon nagsimula ng manlamig sa pakikitungo si Jace kay Cassandra.
Pagbalik ni Clary sa table nila, lumipat si Jace sa tabi ni Clary.
"Let's eat... lalamig pa ang pagkain." Ani ni Jace
"Happy eating guys.." tugon ni Clary
Wala namang imik si Cassandra, naging matahimik ang pagdidinner ng tatlo, hanggang sa matapos sila tahimik pa din at walang kibuan.
"So i think I should go. May kailangan pa akong gawin sa office ko." Ani ni Clary
Kaagad na tumayo si Jace at nagpresenta.
"Ihahahatid na kita pabalik sa company mo." Ani ni Jace
"Diba may pasok ka pa? Bakit hindi pa kayo magsabay ni Cassandra." Tugon ni Clary
"Pwede namang hindi ako pumasok. Isa pa kaya na ni Cassandra na pumunta sa opisina. Right Cassandra?" Ani ni Jace
Nabigla si Cassandra.
"Ah! Oo! Nag oorder na din ako ng uber.." ani ni Cassandra
"Ok Good!" Tugon ni Jace
Hindi maipaliwanag ni Clary kung ano ang nangyayari sa dalawa.
"Tara na Clary!" Ani ni Jace
"Ok..."tugon ni Clary
Lumingon si Clary kay Cassandra.
"Clary sakay na.." ani ni Jace
Nagmadaling sumakay si Clary. Pagkaraan ng ilang sandali umalis na sila ni Jace. Dumating na din naman ang uber na kinuha ni Cassandra.
BINABASA MO ANG
The Day you Love me... i die
RomanceContent warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" Lahat tayo ay nagmamahal... Minsan may mga tao tayong hndi nabibigyan ng pansin.. mga tao na laging...