Chapter 9

10 3 0
                                    

Nagtungo ang dalawa sa bahay ni Clary. Wala pa ding imik si Clary hanggang sa makarating sila sa loob. Kaya naman naglakas loob ng magsalita si Isabelle


"Clary.. im sorry.. sorry kung hindi ko sinabi sayo." Ani ni Isabelle


Tumingin si Clary at hindi pinansin ang sinabi ni Isabelle.


"Isabelle, nagseselos nga ako.. but why!" Ani ni Clary


"Mahal mo na ba si Jace?" Tugon ni Isabelle


"Hindi ko alam! Ang alam ko lang pagkasama ko siya ang saya-saya ko, kapag nakahawak ako sa kanya feel ko super safe ako." Ani ni Clary


"My Gosh! Clary nafall ka na kay Jace.. at habang nafafall ka minamahal mo na rin siya." Tugon ni Isabelle


"Hindi ko alam ang gagawin ko.. nagseselos ako ng wala sa lugar, nasasaktan ako ng walang dahilan. Shit! I hate this!" Ani ni Clary


"Clary.. control your emotions.. ayaw kong matulad ang lahat sa ex mo na si Raphael. Na umabot sa punto na ikaw lang ang nagmamahal matapos niyang makuha ang gusto niya sayo." Tugon ni Isabelle


Napaupo si Clary at napaisip sa sinabi ni Isabelle patungkol sa nakaraan nilang dalawa ni Raphael. Hindi naman maiwasan ni Clary na maalala lahat ng kanyang pinagdaanan dito.



🖤🖤🖤 FLASHBACK 🖤🖤🖤
++ Clary & Raphael ++


Si Raphael ang first boyfriend ni Clary, nagkakilala sila sa party ni Isabelle. Hindi naman maiiwasan na hindi siya mapansin sapagkat napakaganda niya ng gabing iyon. Samantala isa si Raphael sa pantasya ng nakararami. Matipuno at may makisig na pangangatawan, mataas at higit sa lahat may biloy ang magkabilang pisngi.


Habang nasa Party, maingay at nagsasayawan ang mga tao lumapit si Raphael kay Clary.


"Hi... are you alone?" Ani ni Raphael


Hindi marinig ni Clary


"What?? Hindi kita marinig!" Tugon ni Clary


Inilapit ni Raphael ang kanyang bibig sa tenga ni Clary at nagsalitang muli.


"Ang sabi ko sino ang kasama mo." Ani ni Raphael


"Ah. Si Isabelle, bestfriend ko siya.. ikaw sinong kasama mo.?" Tugon ni Clary


"Ah kasama ako ng kaibigan ko dito. Bestfriend mo pala siya." Ani ni Raphael


"Oo.." tugon ni Clary


"Im Raphael.." ani ni Raphael


"Clary.." tugon ni Clary


Napansin ni Raphael na tila hindi interesado sa kanya si Clary, kaya naman gumawa ito ng paraan para makuha ang loob nito.


The Day you Love me... i dieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon