Bigo si Alec na matawagan si Jace. Marahil ay wala itong signal. Kaya nag-iwan na lamang siya ng mensahe upang magkita silang dalawa.
Gabi na ng makarating sina Jace sa Zambales. Inabot sila ng matinding trapiko dahil sa isang ginagawang daan. Pagdating nila sa bahay ni Clary, wala ring bakas na may pumunta dito.
"Wala din si Clary dito..." ani ni Isabelle
"Hindi bale may tatlong lugar pa tayong paghahanapan." Tugon ni Jace
"Nasaan na kaya si Clary. Hindi pa din siya sumasagot kahit sa mga email ko." Ani ni Isabelle
"Isabelle im sorry.." tugon ni Jace
Hindi siya sinagot ni Isabelle.
"Mas mabuti kung magpahinga na muna tayo dito at bukas na lang ng umaga tayo umalis." Ani ni Isabelle
"'Mas mabuti pa nga. Pagod na din ako. Sandali kukuha lang ako ng makakain natin sa sasakyan." Tugon ni Simon
Umupo si Jace sa sofa. Binuhay niya ang kanyang telepono at kaagad pumasok ang mensahe ni Alec.
"Nasan ka? We need to talk! Buntis pala si Clary! Sinasabi ko naman sayo eh! Nako nako! Humanda ka sa akin kapag nagkita tayo. Siya sige ingat.. magkita tayo sa dati."
-alecSumunod ay ang mga tawag ni Cassandra naman ang kanyang napansin.
Rrrrriinnggggg....
"Hey sorry busy ako hindi ko nasagot ang tawag mo. Hindi pa ako papasok, nasan ka na?"
-jace"Ano ba ang nangyayari sayo? Pakiramdam ko tuloy bale wala na lang ang kung anong meron tayo. Umaalis ka na lang ng hindi ko alam."
-Cassandra"Sorry na.. babawi na lang ako sayo pagbalik ko."
"Sige na... papasok na ako mag iingat ka kung nasaan ka man"
🖤+ END CALL +🖤
Narinig ni Isabelle ang pag-uusap nina Jace at Cassandra na nagdulot muli ng sama ng loob sa kanya.
"Bakit mo pa hinahanap si Clary? May Cassandra ka na diba?" Ani ni Isabelle
Tumayo si Jace sa kanyang pagkakahiga.
"Mahalaga sa akin si Clary. Kaya ko siya hahanapin."tugon ni Jace
"May mahalaga bang sinasaktan? May mahalaga bang hindi makita ang halaga? Sige nga Jace sabihin mo sa akin!" Ani ni Isabelle
Napupuno na si Jace sa kakasumbat ni Isabelle kaya naman nagpaliwanag siya.
"Isabelle, ayaw kong magkagalit tayo.. pero hindi mo ako Naiintindahan." Tugon ni Jace
BINABASA MO ANG
The Day you Love me... i die
RomanceContent warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" Lahat tayo ay nagmamahal... Minsan may mga tao tayong hndi nabibigyan ng pansin.. mga tao na laging...