Naiwan ang buong team sa gubat, tanging si Jace lamang ang umalis upang dalhin sa pinakamalapit na pagamutan. Lumapit naman si Cassandra kay Clary at muli itong kinompronta.
"Clary! Sandali!"ani ni Cassandra
"Bakit? Anong kailangan mo?" Tugon ni Clary
"Ikaw. Bakit ka kasama ni Jace?" Ani ni Cassandra
Nag-init ang ulo ni Clary ng sumabay pang muli ang pagtatanong na ito ni Cassandra.
"Ilang beses ko ba dapat sagutin iyan? At ilang beses mo din bang itatanong yan?" Tugon ni Clary
"Yung tanong ko ang sagutin mo! Bakit kayo magkasama ni Jace!" Ani ni Cassandra
Tumingin si Clary sa ulap at huminga ng malalim.
"Alam mo maganda ka. Kaso ang tanga mong mag-isip. Makinig ka dahil minsan lamang ako magpaliwanag, kung hindi mo kayang intindihin irecord mo at paulit-ulit mong iplay para mas maunawaan mo" tugon ni Clary
Nanginig ang kalamnan ni Cassandra sa sinabing ito ni Clary.
"Gusto mo ba ikwento ko ng buo?" Ani muli ni Clary
Nang akmang magkukwento na si Clary, kaagad na nagsalita si Cassandra.
"Akin lang si Jace!" Tugon ni Cassandra
Napatawa ng malakas si Clary.
"Hahaha! Ok eh di sayo. So makakapagpahinga na ba ako? Mukha atang hindi ko na kailangan pang magpaliwanag sayo." Tugon ni Clary
Tumalikod si Clary kay Cassandra upang magtungo ito sa kanyang tent. Subalit bigla naman siyang pinigilan ni Cassandra. Hinawakan siya ni Cassandra sa kanyang braso.
"Huwag mo akong tatalikuran kapag kinakausap pa kita!" Ani ni Cassandra kasabay ng paghila kay Clary paharap.
PAK! Isang malakas na sampal ang binigay ni Clary.
"Pagod ako! Kaya pwede ba kung gusto mo si Jace. isaksak mo sa kaluluwa mong ligaw!" Galit na sambit ni Clary
Natigilan si Cassandra sa kanyang kinatatayuan. Tumingin sa mga mata ni Cassandra si Clary sabay lingon patalikod at naglakad ito patungo sa kanyang tent.
"Walang hiya ka!" Ani ni Cassandra
Tumalikod sa kanya si Clary at hinabol siya ni Cassandra
"Kinakausap pa kita! Huwag mo akong tatalikuran." Ani ni Cassandra
Humarap si Clary na punong-puno ng pagtitimpi at isang malakas na sampal muli ang ibinigay ni Clary.
"Slaaaap!"
"Ayan! Tinatalikuran pa ba kita? Ano pa ba ang gusto mo! Sinabi ko sayo pagod ako! Pagod ako! Makainitindi ka naman!" Tugon ni Clary
BINABASA MO ANG
The Day you Love me... i die
RomanceContent warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" Lahat tayo ay nagmamahal... Minsan may mga tao tayong hndi nabibigyan ng pansin.. mga tao na laging...