Lumipas ang ilang araw, nagpasya na si Jace na puntahan ang anak niya. May dala itong gamit ng bata at higit sa lahat isang bouquet ng bulaklak.
Subalit wala doon si Clary, tanging si Isabelle lamang ang tao doon kasama ng baby.Pagbukas ni Isabelle ng pintuan...
"Sure ka na ok lang na nagpunta ako?" Ani ni Jace
"Oo nga.. May karapatan ka naman sa bata diba" tugon ni Isabelle
Napapangiti si Isabelle ng makita ang bulaklak na hawak ni Jace.
"Para Sa bata ka ba talaga nagpunta? Ooh baka naman..."pang-aasar ni Isabelle kay Jace
"Siempre para kay baby Clarace at isa pa kailangan ko ding dalawin si Clary.. gusto ko makapag-usap kami..." ani ni Jace
"Kung sa bagay.. halika ka na pasok ka sa loob gising na siguro si baby." Tugon ni Isabelle
Pagkapasok ni Jace, kaagad niyang tinungo ang nursery room. Hindi siya makapaniwala na masisilayan niya ang kanyang anak.
"Totoo ba ito? Hindi ba ako nanaginip?" Ani ni Jace
"Totoo ang lahat ng ito Jace... sige kunin mo ang anak mo.. hawakan mo huwag kang matakot."tugon ni Isabelle
Dahan-dahang kinuha ni Jace ang baby. Kinarga niya ito sa kanyang mga bisig at pinagmasdan. Mangingilid-ngilid ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Kay sarap mong pagmasdan... ang mata mo na tila mata ng Mommy mo.. at ang mga ngiti mo na napakatamis..."ani ni Jace
Kampanteng-kampante naman si baby Clarace habang hawak-hawak siya ng kanyang Daddy.
"Gustong gusto sayo ng baby ah..." ani ni Isabelle
"Nakakatuwa Isabelle... hindi pa din ako makapaniwala na ang batang hawak ko ay sarili ko ng anak." Tugon ni Jace
"Sige lang mag enjoy muna kayong mag daddy jan.. kukuha lang ako ng makakain natin."ani ni Isabelle
Naiwan ang mag-ama sa kwarto. Walang pinalampas na oras si Jace habang kapiling niya ang kanyang anak. Habang nakahiga ang bata, kinakapulong niya ito.
"Gagawin ko ang lahat para sayo anak..." ani ni Jace
Samantala, hapit naman sa pagtatrabaho si Clary, lalo ng malaman niyang may sakit siya. Ang lahat ng kanyang ginagawa sa ngayon ay para sa kinabukasan ng kanyang anak. May mga oras din na nakakalimutan na niya ang sarili niya dahil sa dami niyang trabaho.
"Fuck! Nakalimutan ko ang gamot ko.." sambit ni Clary sa kanyang sarili.
Maya-maya ay nakatanggap naman siya ng tawag mula sa kanyang doctor. Pinapapunta siya nito sa kanyang opisina para ibigay ang schedule ng kanyang Chemo therapy.
🖤+ FLASHBACK +🖤
🖤+ Clary & Doctor +🖤Nang araw na siya ay nagtungo sa opisina ng doctor, doon niya nalaman ang lahat.
BINABASA MO ANG
The Day you Love me... i die
RomanceContent warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" Lahat tayo ay nagmamahal... Minsan may mga tao tayong hndi nabibigyan ng pansin.. mga tao na laging...