Dahil sa nangyari, napilitan na si Jace na tapusin na ng mas maaga ang kanilang team building.
"Ok guys. Let's end this team building." Ani ni Jace
Walang sumagot na members sa sinabing ito ni Jace. Bumalik sila sa kanikanilang tent at nagligpit na. Samantala, nauna ng umalis sina Clary at Brian.
"Jace.. Sorry...." ani ni Cassandra
"Padalos dalos ka kasi lagi. Hindi ka muna nag-iisip bago ka sumugod." Tugon ni Jace
"Sorry na please..." ani ni Cassandra
"Ok na... basta wag na lang sana maulit." Tugon ni Jace
Tumango lamang si Cassandra kay Jace. Habang nasa sasakyan naman sina Clary at Brian, kapansin-pansin naman ang pagiging tahimik ni Clary.
"Clary.. are you alright?" Ani ni Brian
Tumingin si Clary kay Brian at ngumiti.
"Im ok Bry.. don't worry pagod lang ako siguro." Tugon ni Clary
Hindi makontento si Brian sa sagot na ito ni Clary.
"Kung hindi ka ok.. sabihin mo lang sa akin at makikinig ako." Ani ni Brian
"Bry... pagod lang talaga ako.." tugon ni Clary
"Kilala kita kapag pagod ka... alam ko din kapag may pinagdadaanan ka." Ani ni Brian
Napabuntong hininga si Clary.
"Bry??? Diba lalaki ka?" Tanong ni Clary
"Oo bakit?" Tugon ni Brian
"Paano mo malalaman na mahal ka ng isang babae?" Ani ni Clary
Napaisip bigla si Brian sa katanungang ito ni Clary.
Inihinto ni Brian ang sasakyan."Iba-iba kasi ang mga lalaki, may mga lalaki na madali lang makahula na gusto sila ng mga babae, at may mga lalaki din naman na kahit anong gawin ng babae hindi pa din nila makita na mahal sila nito." Tugon ni Brian
"Bry.. can i ask more question?" Ani ni Clary
"Sure sasagot ako hanggat kaya ko."tugon ni Brian
"Obsessed na ba ako kay Jace?" Ani ni Clary
Natigilan si Brian ng biglang isingit ni Clary si Jace.
"Ha? Ah... eh.... hindi ko alam siguro si Isabelle na ang tanungin mo about that thing." Tugon ni Brian
Halata kay Brian ang pagkaselos para kay Jace.
"Sorry Bry..." ani ni Clary
Nagstart na ng sasakyan si Brian at umalis, batid ni Clary na sumama ang loob ni Brian. Nang malapit na sila sa bahay ni Clary, nagpababa siya sa Gym upang silipin si Isabelle.
BINABASA MO ANG
The Day you Love me... i die
RomanceContent warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" Lahat tayo ay nagmamahal... Minsan may mga tao tayong hndi nabibigyan ng pansin.. mga tao na laging...