Nagtungo si Isabelle sa opisina ni Clary. Nagtataka ito kung bakit hindi na naman ito sumasagot sa tawag niya. Balak niyang yayain si Clary na kumain sa labas upang mapagkwentuhan ang mga kaganapan sa kanila ni Jace.
"Hey.. Isabelle.." ani ni Clary
"Hey! Ano ang nangyari? Tinatawagan kita hindi ka rin sumasagot." Tugon ni Isabelle
"Pasensiya na, may mga iniisip lang ako." Ani ni Clary
"Hay nako mag early lunch na tayo. At doon na natin ituloy ang kwentuhan." Tugon ni Isabelle
"Mas mabuti pa nga. Gutom na din ako. Sa dati ba tayo?" Ani ni Clary
"Yup! Sa dati paborito mo doon at alam ko naman na hindi ka tatanggi." Tugon ni Isabelle
Lumabas na ang dalawa sa opisina. Samantala napansin ni Isabelle kung bakit tila seryoso ang kanyang mga empleyado.
"Anong nangyari? Bakit parang may kakaiba sa mga mukha ng empleyado mo?" Ani ni Isabelle
"Wag mo na lang silang pansinin." Tugon ni Clary
"Bakit nga??" Ani ni Isabelle
"Nakita nila kasi ako kanina sakay sa motor ni Jace so ayun, napagkamalang boyfriend ko." Tugon ni Clary
"Eh boyfriend mo na nga ba?" Ani ni Isabelle
"Hindi pa nga nanliligaw. Isa pa magkababata kami." Tugon ni Clary
Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa restaurant. Umupo na sila at nag order, pagkatapos ay ipinagpatuloy na ang kanilang pag-uusap.
"Teka lang paano ba kayo naging magkababata ni Jace?" Ani ni Isabelle
"Ganito kasi yan.." tugon ni Clary
Nagsimulang magsalaysay ng kwento si Clary tungkol sa kanila ni Jace.
🖤🖤 FLASH BACK 🖤🖤
🖤 Jace & Clary 🖤Lumaki si Clary sa isang may kayang pamilya, hindi sila ang tunay na mga magulang ni Clary. samantala anak naman si Jace ni Mang Efren isang katiwala sa lupa kung saan siya ang nag iintindi sa kanilang mga lupain.
Minsan na silang nagkatagpong muli ng landas ng isama ni Mang Efren sa bahay nina Clary si Jace. Mahiyain pa noon ang dalawang bata. Si Clary na napakaitim at kulot ang buhok. Si Jace naman ay sobrang dungis sapagkat ayaw nitong maligo mas mahilig pa itong maglaro.
"Bata anong pangalan mo?" Ani ni Jace
"Clary.. ikaw anong pangalan mo?" Tugon ni Clary
"Jace. Halika! Gusto mo maglaro tayo?" Ani ni Jace
"Ayaw ko. Baka mapagalitan ako nina mama at papa. Isa pa ang dumi dumi mo na." Tugon ni Clary
BINABASA MO ANG
The Day you Love me... i die
RomanceContent warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" Lahat tayo ay nagmamahal... Minsan may mga tao tayong hndi nabibigyan ng pansin.. mga tao na laging...