Makalipas ang isang linggo, hindi pa din pinapansin ni Clary ang mensaheng mula kay Raphael. Kaya naman tinawagan niya si Isabelle upang alamin kung tama ba ang ibinigay nitong numero sa kanya.
🖤 CONVERSATION 🖤
++ Raphael.Isabelle ++Rrrrriiinnngggg....
"Oh? Anong problema?"
-Isabelle"Wala man lang bang kumusta?"
-Raphael""Uso pa ba sayo yun?"
"Kung sabagay.. may tama ka.."
"Ooh! Ano ang sanhi at ikaw ay napatawag?"
"Ah.. eeeh... ano..."
"Ano nga?... para namang seryoso sa pag kukunwaring hindi alam ang sasabihin. Hay nako Raphael kilala na kita!"
"Ok. Its about Clary... hindi pa din siya sumasagot sa text ko."
Tumawa ng malakas si Isabelle
"Hahaahaa. Yan? Yan lang ba ang itinawag mo sa akin?"
"Ay.. tinawanan pa ako.. seryoso na nga ako."
"Sino ba ang may sabi na hindi ka seryoso. Isa pa nakakatuwa lang kasi ang mga asta mo... hindi bagay sayo Raphael."
"Gusto ko si Clary kaya ako ganito. "
"Alam ko.. kaya nga paghirapan mo para makuha mo ang matamis na oo ni Clary."
"Oo na.. so ano na tama ba ang number niya? Nag message na ako sa kanya hindi naman sumasagot.
"Aba! Apurado ka naman ata. Isa pa wala kang pakialam kung kailan ka sasagutin ni Clary.. dalaga kasi ang kaibigan ko alam kung paano maging mahinhin."
"Mukhang mahihirapan ata ako sa kaibigan mo."
"Basta ang payo ko lang, kilalanin niyo muna ang bawat isa. Baka mamaya sa pagmamadali niyo magkasakitan kayo"
"Oo na! Sige na nga babye na nagsesermon ka na."
"Sige na.. matuto ka kasi mag intay.."
🖤++ END CALL ++🖤
Pagkatapos ng kanilang pag-uusap kaagad namang muling nagparamdam si Raphael kay Clary. Pinadalhan niya ito ng mga bulaklak sa kanyang opisina. Dito na nagsimulang manligaw si Raphael kay Clary.
"Ms. Clary may nagpadiliver po ng mga bulaklak." Ani ni Lea
"Kanino daw galing Lea?" Tugon ni Clary
Iniabot ni Lea ang card kay Clary. Binasa niya ito agad kung kanino nanggaling.
"Hey Clary...
BINABASA MO ANG
The Day you Love me... i die
RomanceContent warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" Lahat tayo ay nagmamahal... Minsan may mga tao tayong hndi nabibigyan ng pansin.. mga tao na laging...