Kinabukasan, kaarawan na ni Jace. Abala ang lahat sa paghahanda para sa kanyang birthday party. Gaganapin naman ito sa isang pool area.
"Hi hon... malapit ng matapos makakapagsimula na tayo" ani ni Cassandra
"Thanks hon... sobra ka ng nag abala. Sabi ko naman sayo simplehan lang natin." Tugon ni Jace
"Siempre naman first birthday ng boyfriend ko na kasama ako. Kaya dapat masaya at napaghandaan." Ani ni Cassandra
Ngumiti si Jace at binigyan ng isang halik si Cassandra.
"Huy.. ang tamis ninyo..." ani ni Alec
"Happy Birthday bro.." dagdag pa ni Alec
"Salamat bro. Teka nasaan si Magnus?" Tugon ni Jace
"Ayun nasa hospital may emergency sila." Ani ni Alec
"So hindi siya makakarating?" Tugon ni Jace
"Hindi.. duty na siya all night.." ani ni Alec
Tinawag naman si Cassandra ng event organizer para sa ilang katanungan. kaya naman iniwan na muna niya sina Alec at Jace.
"So kayo na? Ganun na lang??" Ani ni Alec
"Bro! Maging masaya ka na lang para sa akin please.." tugon ni Jace
"Masaya naman ako... pero ang sa akin lang sana kinausap mo muna si Clary para naman hindi siya mabigla kung sakaling dumating man siya dito at makita kayo ni Cassandra." Ani ni Alec
Hindi nakasagot si Jace.
"Teka anong oras ba darating si Clary?" Ani pa ni Alec
"Hindi ko pa alam. Baka pagkatapos pa ng trabaho niya." Tugon ni Jace
"Uhmm ok..." ani ni Alec
Abala naman si Clary sa kanyang opisina upang matapos na kaagad niya ang lahat ng paper works at para mas makarating siya ng mas maaga sa birthday party ni Jace.
Inihanda niya ang isang regalo para kay Jace, inilagay niya ang kanyang Pregnancy test sa isang kahon kasama ng isang sapatos ng bata.
BINABASA MO ANG
The Day you Love me... i die
RomanceContent warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" Lahat tayo ay nagmamahal... Minsan may mga tao tayong hndi nabibigyan ng pansin.. mga tao na laging...