Makalipas ang siyam na buwan, hindi nila natagpuan si Clary kung saan ito nagpunta. Walang araw naman ang lumipas na nagpabalik balik si Jace sa kumpanya ni Clary.
Nakaharap si Clary sa salamin habang hinahaplos ang kanyang sinapupunan. Sa siyam na buwan siyang nagtago, hindi pa din niya nakalimutan si Jace.
"Baby.. malapit na tayong magkita... malapit na kitang mahawakan...sayang sana kasama natin ang Daddy mo." Ani ni Clary sa kanyang sarili
Nakita ni Brian si Clary habang nakasilip sa may pintuan.
"Mahal na mahal talaga ng Mommy mo ang Daddy mo.. sayang nga lang wala siya dito sa tabi niya paglabas mo." Ani ni Brian
"Bry! Ano ba yang sinasabi mo.." tugon ni Clary
"Kahit hindi ko man marinig alam ko mula jan sa mapanglaw mong mga mata na nais mo sanang nasa tabi mo si Jace sa oras na lumabas ang baby ninyo." Ani ni Brian
Ngumiti si Clary kay Brian. Subalit biglang....
"Aaah..!!!" Sigaw ni Clary
Pagtingin ni Brian sa sahig umaagos na ang tubig mula kay Clary.
"Clary... it's time." Ani ni Brian
"Masakit Brian.. aaah..!!!!" Tugon ni Clary
"Relax Clary... malapit lang ang ospital... kaya natin just take a deap Breath and relax.." ani ni Brian
"Hooooh.... hooooohhhhh..." halinghing ni Clary
Binuhat na ni Brian si Clary patungo sa kotse. Pagkasakay ay kaagad niyang dinala sa emergency si Clary. Pagkarating nila roon, sinalubong kaagad sila ng mga nurse at pinaiwan sa labas si Brian.
Nang araw ding iyon, hindi mapalagay si Jace.. pakiramdam niya ay may kakaibang saya ang kanyang nararamdaman sa loob ng kanyang puso.
"Bakit parang ang saya-saya mo." Ani ni Cassandra
"Hindi ko din alam eh.. basta ang hirap ipaliwanag." Tugon ni Jace
Kumain sina Jace at Cassandra sa labas habang naghihintay ng oras para pumasok sa kanilang trabaho. Parehas na silang Team Leader ng kanilang pinagtatrabahuhang call Center.
Habang naghihintay, may isang bata ang lumapit kay Jace at nag-abot ng isang kahon. Nagtaka si Jace kung kanino at kung saan galing ang kahon na ito.
"Kanino ito galing.." ani ni Jace
Binuksan niya ang kahon at pagbukas niya isang cellphone ang kanyang nakita na may nakalagay na maliit na papel.
"Play this video..to get the answer kung saan nagtungo si Cassandra noong gabing nasa bar kayo"
Kinutuban si Jace sa kanyang nabasa. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nito kaya naman pinindot niya ang play button.
BINABASA MO ANG
The Day you Love me... i die
RomanceContent warning ⚠️ SPG "Ang kwentong ito ay may halong kalibugan na hindi angkop sa mga mambabasang PAVIRGIN patnubay ng mga experto ang kailangan" Lahat tayo ay nagmamahal... Minsan may mga tao tayong hndi nabibigyan ng pansin.. mga tao na laging...