Chapter 25

8 3 0
                                    

Hindi nakita ni Clary si Raphael, marahil ay namalikmata lamang siya. Bumalik naman siya kaagad sa table nila ni Isabelle.


"Oh saan ka ba galing?" Ani ni Isabelle


"May tiningnan lang ako" tugon ni Clary


"Para ka namang nakakita ng multo. Sino ba yan?" Ani ni Isabelle


"Wala sige na magenjoy na lang tayo." Tugon ni Clary


Pansin ni Isabelle na may hindi sinasabi sa kanya si Clary. Kaya mas minabuti na lamang din niya na huwag na muna niyang ungkatin kung ano man ito.


Matapos ang kantahan, nagbigay naman ng pagkakataon ang bar upang makapagsayaw ang may mga gusto. Tumayo si Cassandra at hinila si Jace patungo sa gitna.


Tumugtog ng party music at sila ay nagumpisa ng sumayaw. Nakatingin naman si Clary sa dalawa habang umiinom ng alak. Hard ang alak nina Clary kaya kahit kakaunti pa lamang ang naiinum nila ay may ibang tama na kaagad ng alak sa kanilang katawan ni Isabelle.


"Halika... sayaw tayo.." ani ni Isabelle


"Ayoko mamaya ako..." tugon ni Clary


Hindi naman pinaglagpas ni Isabelle ang pagkakataon kaya pinilit pa din niyang hinila si Clary hanggang  sa tumayo ito at sumama sa kanya sa gitna ng dance floor.


Magulo na sa gitna sapagkat halos lahat ng tao sa loob ng bar ay nagsasayaw at naaaliw sa saliw ng musika.



Habang nagsasayaw sina Jace at Cassandra, umikot silang dalawa at pagharap ni Jace wala na si Cassandra.


"Cassy?" Ani ni Jace


Hinanap ni Jace si Cassandra subalit nahirapan ito sapagkat napakaraming tao. Hindi naman niya namalayan na nasa likuran na niya si Clary habang sumasayaw. Humarap si Jace patalikod at sa hindi sinasadyang pagkakataon naapakatan ni Jace ang paa ni Clary at ito ang sanhi ng akmang pagkatumba ni Clary.


Kaagad namang nasalo ni Jace si Clary. Hawak niya ang likuran ni Clary, at naging agaw pansin sila sa gitna.


"Ok ka lang?" Ani ni Jace


"Nasalo mo ako..." tugon ni Clary


Dahan-dahang itinayo ni Jace si Clary. Inakay niya ito hanggang sa kanilang table. Pagkarating doon, kaagad siyang nagtanong.


"Nakita niyo ba si Cassandra?" Ani ni Jace


"Hindi. Bakit?" Tugon ni Isabelle


"Diba magkasayaw lang kayo kanina?" Tugon naman ni Clary


"Oo pero bigla siyang nawala." Ani ni Jace


Napaisip ang tatlo kung saan nagpunta si Cassandra. Tinawagan ito ni Jace subalit hindi ito sumasagot. Umupo na sila at nagpatuloy na uminom habang naghihintay kay Cassandra.


The Day you Love me... i dieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon