Maagang nagising si shy dahil sa ingay ng mga tao sa sala kaya hindi na sya nagpaligoy ligoy pa naghilamos sya bago lumabas sa kanyang kwarto at nagtungo na sa sala sumalubong agad sa kanya ang kanyang tropa.
- - -
"Wow be nakapajama ka pa talaga ha"
"Huy naghilamos kana ba? HAHAH"
"Anong ginagawa nyo dito? Ang aga nyo nangbulabog" reklamo ko sa mga kaibigan kong babae na naririto ang aga aga kasi ang ingay ingay na.
"Huy gaga hindi mo knows? Birthday kaya ni Tosh today." Ay! Nakalimutan ko na birthday pala ng aking pinakapoging bbf sa balat ng lupa, buti pa tong mga kaibigan kong aligaga naalala nila tapos ako na since birth ng kilala si tosh di ko pa maalala.
"Naku magtatampo talaga si tosh nyan kapag sabihin naming nakalimutan mo ja birthday nya" sabi ni Fria sa'kin kaya bigla akong napasimangot.
"Huy! Huwag mo kong isumbong fria masisira araw nun e" sabi ko at kumuha ng pandesal na nasa mesa.
"Oo nga naman fria tsaka dapat maging masaya si tosh no" sabi ni loki kaya napangiti ako
"Ay oo na nga! Hindi ko na isusumbong tong si shy baka umiyak pa to e"
"HIIIIII!!!!!!" sigaw ni sandara na kakapasok lang at may dalang isang gift
"Hala may gift kana para kay tosh? Naks naman" sigaw ni loki
"Aba syempre! The best kaya si tosh HAHAHA" sabi ni sandara at inilapag ang box na may lamang gift para kay tosh.
"Naku sandy iba na yan ha! Baka crush mo lang si tosh kaya mo binibigyan-"
"Aba! Ma-issue karin fria no? Tanginamo ha" wika ni sandara at hinampas si fria buti nalang medyo Chubby tong si fria, hindi madaling makaramdam ng sakit.
"Sa totoo lang mga sis huwag kayong maissue alam naman nating lahat na bagay ang TOSHYYYYY!!!!! yohooo"
nagulat naman ako sa sinabi ni sandy hanggang kailan talaga simula nung pinakilala ko si tosh sa kanila shiniship narin kami ni sandy. Sabi nga nya bagay kami as in bagay na bagay at tiyak raw magiging strong ang relationship namin in the future kasi same vibes kami at ang turingan daig pa ang magjowa. BUT gusto ko lang ipaalala sa inyo na si TOSH ay kaibigan ko lang BOYBESTFRIEND hanggang dun lang."Sabagay HAHAH totoo naman sinasabi nitong si sandy e HAHAH bagay kayo ni tosh" sabi ni loki.
"Tigilan nyo si shy, kapag yan na fall ewan ko nalang sa inyo. Marupok pa naman yan" sabi ni fria na syang dahilan kung ba't tumahimik nalang kami tapos ang usapan kapag si fria na ang nagsasalita.
"Maliligo na muna ako" sabi ko at nagtungo na sa kwarto.
