kabanata 8

1 0 0
                                    

Matapos na ang misa kaya nauna ng umalis si sandy may sundate raw kasi sila ni liam kaya ayun iniwan nya ko kay tosh. Nakakainis talaga ang gagang yun talagang sinasadya nya to e, kapag ako talaga tuluyang mahulog sa mukong na kasama ko today kay Sandy ko talaga isisisi lahat lahat arg!

"Kakatapos lang ng misa tapos nakabusangot ka. Ngumiti ka ui" sabi ni tosh at pinisil ang magkabilang pisngi ko.

"Tigilan mo nga yang pisngi ko tss" sabi ko at nag cross arms. Masyadong matangkad si tosh hanggang balikat nya lang ako kaya ayun bagay kami charot!

"Sungit mo naman sakin shy" sabi nya at nagpout pa sa harap ko kunwari nagtatampo.

Omg lord gabayan nyo na lamang ako. Nahuhulog na ako sa mukong na to!?!

"Bati na tayo shy, ano gusto mo? Libre kita" sabi ni tosh sakin kaya tumango ako at hinila sya papunta sa may food court na nasa likod ng cathedral.

"Wow namiss ko to ah" sabi nya at isinubo ang dynamite na binili nya. Habang ako kumakain rin ng pancit canton.

"Pasukan na next week shy, anong course mo?" Tanong nya sakin bago humigop ng mountain dew

"Business administration, ikaw ba?" Tanong ko sa kanya

"Magiging asawa mo." Sabi nya sabay wink

"Corny mo gagu" nakangiti kong sabi but deep inside kinikilig ako.

"Galing lang tayo sa simbahan tapos ang lutong mo magmura" sabi nya sabay tawa

"Kumain kana lang nga tosh" sabi ko at kumain na ulit ng canton.

After naming kumain sa food court ay nagtungo na muna kami sa Robinson nakita pa namin si hied kaya biglang nagbago mood ni Tosh kaya ayun umuwi nalang kami. Sayang:((

Kinagabihan tinawagan ako ni tosh sabi nya nasa labas sya ng bahay namin tapos inaya nya kong maglakad-lakad muna, pumayag naman ako aba syempre kung kau ba inaya ng crush nyo tatangi pa kayo? Odiba same as me HINDING-HINDI! 

"akala ko nakalimutan ko na sya." Mahinang sabi ni tosh pero narinig ko parin yun.

"Tosh, kung love mo si hied, dapat maging masaya ka for her kahit hindi ikaw ang dahilan kung ba't sya masaya ngayon." Sabi ko

"Yun na nga shy e, hindi ko matanggap nakakabanas." Sabi nya at bumuntong hininga.

Umuwi narin kami pagkatapos naming maglakad lakad tapos bago matulog nag call kami. Tsaka lang rin nya sinabi na

"Sa manila ako mag-aaral ng college shy, maybe this weekend aalis na 'ko"

Syempre. Malulungkot ako kasi matagal naman kaming maghihiwalay at hindi ko na sya makakasama kaya sabi ko kanina bago ko binaba ang tawag.

"Mag-usap tayo bago ka umalis tosh, may sasabihin ako"

Seryoso na 'ko! Kahit alam ko na ikakasakit ko ang gagawin ko, kailangan ko parin itong sabihin ayoko ng itago to, ako lang yung nasasaktan. Nakakaumay rin kaya umiyak ng palihim duh. Hindi kayo makarelate kasi ano? Manhid kayo? Ediwao basta ako aminado akong marupok at martyr ako. Walang pakialaman ha! Support nyo nalang ako this weekend babush goodnight.

UNEXPECTED FALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon