kabanata 14

1 0 0
                                    

Kinabahan akong lumabas sa pinagtataguan ko. Nakangiti akong lumabas tapos si tosh napakaseryoso ng mukha. Naka cross arms pa ang pota! Naka long sleeve white polo sya na nakatupi hanggang siko tapos naka black pants grabe parang nasa kdrama ako mga beh! Feeling ko rin kaharap ko ang isa sa mga jonaxx boys. Hehe

"Hi musta" sabi ko tapos bigla nalang syang ngumiti.

Shems!!! Ang puso kooooo!!

"Anong meron? Uhm bakit nga ngumiti?" Tanong ko sa kanya pero lumapit lang sya sakin tapos niyakap nya ko.

"Imissyou shy." He whispered.

Nanghihina mga tuhod ko parang anytime parang mahihimatay na ako! Ang bango nya namiss ko to tapos yung boses nya. Mamaaa naiiyak ako!

"Hindi kita miss" sabi ko at tinulak sya.

"Ouch" sabi nya tas kunwari nasasaktan yung puso nya eh alam ko namang manhid sya! Kainis ang cute nya hege

" Namiss kita tapos hindi mo ako namiss?" Sabi nya habang nakataas ang mga kilay

"Nakakatampo naman" dagdag nya pa kaya ayun hinampas ko sya!

"Huwag ka ngang ganyan tosh! Nakakainis ka" sabi ko sa kanya

"Kumain kana ba bago ka uminom?" Nagulat naman ako sa tanong nya pero tumango naman ako.

"Shy alam kong sobrang tagal na nung huli nating pagkikita." Seryoso nyang sabi habang tinitigan ako

"But dun ko na narealize ang lahat" sabi nya at ngumiti.

"After nung sayaw natin. Halos hindi na ako matulog sa gabi kakaisip sayo. Damn! Yung mga ngiti mo shy. Laging nasa isipan ko." He chuckled.

"Ang gagu ko nga lang kasi hindi kita pinatulan non. Naku kung pinatulan kita siguro kasal na tayo ngayon." Sabi nya

"Pinagsasabi mo tosh? May jowa ka tapos gaganyan ganyan ka?" Pagtataray ko sa kanya

"Shy, yung babae kanina pinsan ko yun. Sinamahan ko sya dito dahil asawa nya yung manager dito" nakangiti nyang sabi

"Tapos?" Tanong ko sa kanya.

"Shy, seryoso ako."

"Manliligaw ako." Sabi nya na ikinagulat ko.

Omg lord nanaginip ba ko????

"Saken?" Tanong ko habang tinuturo sarili ko.

"Kanino pa ba edi sayo, ikaw lang naman kausap ko" sabi nya tapos niyakap nya ko ulit.

"So shy ano na?" Tanong nya.

"Sinaktan mo ko noon tapos aasa ka na papayagan kitang manligaw sakin??" Sabi ko kaya ayun nagbago aura nya.

"Bakit? May iba kana ba?" Tanong nya.

"Syempre! Hindi kita pagbabawalan!  Yes tosh! Tayo na't magpakasal" natatawa kong sabi. Niyakap nya ako ulit tapos hinalikan nya ako sa noo. Shit i miss this.

"Pero charot lang tosh, ligawan mo muna ako uy!" Sabi ko

"Oo naman, kahit hindi mo sabihin at kahit na ayaw mo liligawan parin kita. I will do everything mapasakin ka lang." Sabi nya kaya ayun tumulo na ang nga luha ko na kanina ko pa pinigilan.

Thanks lord omg! Dehins me makapaniwala sa nangyari shemayyy!!!

UNEXPECTED FALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon