It's been a year simula nung nagkita kami ni tosh 4 years na ang nakalipas. Still him. Last kita namin ay yung sa debut ko, sya ang last dance ko tapos si papa ko ang first dance. Sobrang saya ko that time lalo na't nakasayaw ko yung taong gusto ko at mga tropa kong lalaki na kasama ko noon pa man hanggang ngayon.
Kakabukas ko lang ng bagong restaurant na ipinatayo ko dito sa Bacolod City. Syempre may trabaho na ang mga tropa ko kaya afford nila ang magpunta rito sa bagong tayo ko na restaurant.
Marami na akong restaurant na naipatayo. Proud na proud na talaga ako sa sarili ko dahil kahit mahirap ang buhay noon nakamit ko naman ang mga ninanais ko
"Huy ate! Congratulations naks pang-ilan mo na tong restaurant na to?" Tanong ng kapatid kong si prince.
"Hindi ko na mabilang" natatawa kong sabi. Umalis na si prince sa harap ko dahil napansin nya atang may mga bisita akong paparating.
"Shyy!! Namiss ka namin omg" sabi ni loki at niyakap ako. Naks ang sexy na ng gaga sabagay natupad na nya ang pangarap nya.
"Miss ko rin naman kayo ah" sabi ko at niyakap sila isa-isa.
"So ano tagay tayo mamaya?" Tanong ni Triton samin kaya go naman kaming lahat. Namiss namin ang isa't- isa kaya habang buo at magkasama kami ngayon susulitin namin ang mga panahon na yun kasi nga busy kaming lahat.
Bar
"So shy, si tosh pa rin ba?" Tanong ni loki sakin nung tumama sakin ang bote. Walang pag alinlangan sinagot ko sya.
"Yes." Sagot ko kaya napasigaw silang lahat.
"Wow naman shy! Until now? Sya parin??" Sigaw ni fria
"Kaya pala wala kang boyfriend eh, di ka parin nakamove-on kay tosh" sabi ni liam
"Pero in fairness, diba shy want mo engineer? HAHA engineer na si tosh ah" sabi ni sandy kaya nagtawanan kaming lahat.
"Huy wait si tosh yun diba? May kasamang babae omg" sabi ni loki kaya napalingon naman kaming lahat.
Oo may kasamang babae si tosh at they look sweet and Happy together. Nakakainggit
"Grabe naman shy, iiyak ka na naman ba ngayon?" Tanong ni sandy
"Why would i? " Sagot ko kaya napa.'oww' nalang ang lahat.
"If pwede naman akong maging masaya para sa kanilang dalawa." Mahina kong sabi at mapait akong ngumiti bago ininom ang alak na nasa baso ko.
"Tama nga naman si shy." Sabi ni liam at sinalinan ng alak yung shot glass ko.
"Cheers!" Sabi ni triton kaya nagcheers kami.
Nagkwentohan nalang kaming magtotropa. Tumigil na ako kakainom kasi nga magmamaneho pa ako, habang nagkukwentuhan nakita ko namang lumabas si tosh kaya nagkunwari lang rin akong may kukunin sa kotse tapos naabutan ko si tosh kausap nya yung babae na kasama nya kanina.
Makalipas ang mga minuto nagtatago pa rin ako at hinintay na umalis yung babae medyo nangangalay na rin ako mga be hindi ko na keri kaya tumayo at natapilok. Shit! Nakita ko namang nakatingin sa banda ko si tosh pero I'm sure dehins nya ko nakita.
Pero nagulat nalang ako sa sinabi nya.
"Lumabas ka dyan. We need to talk."
