I know your eyes in the morning sun
I feel you touch me in the pouring rain
And the moment that you wander far from me
I want to feel you in my arms again~Patuloy parin sa pagtulo ang mga luha ko habang minamasdan syang kumakanta na nasa entablado. Kahit malayo ako sa kanya alam kong sakin sya nakatingin
And you come to me
On a summer breeze,
Keep me warm in your love,
Then u softly leave
And it's me you need to show,Kung sana lang ay hindi na ako nahulog hindi ako masasaktan dahil una't sapul alam ko namang si hied pa rin ang gusto nya. Ang tanga jo
(How deep is your love)
How deep is your love
I really mean to learn
'cause we're leaving in a world of fools
Breaking us down.Hindi kona kinaya humagulgol na talaga ako ng iyak. Pinapatahan naman ako nina sandy, patuloy pa rin sa pagkanta si tosh mas lalo lang akong umiyak.
Nilaklak ko ang beer na nasa table namin pinigilan ako nina sandy pero hindi ako nakinig. Inimbita nila ako kaya dapat pabayaan nila ako.
"Shy tama na yan lasing kana" sabi ni triton sakin pero umiling ako.
"Nope, dehinsvzcc me lashing behnansb, chill ka lang hehehejsvac" sabi ko habang umiinom
"Pabayaan nyo na, broken yan e" sabi ni liam
"Di naman natin alam na nandito si tosh e" sabi ni loki
Tumayo ako sa table namin pinaupo ako ni fria pero tumayo pa rin ako at naglakad bitbit ang beer at paika-ikang maglakad. Ang dami ko na palang naimom pero kulang parin.
"Huy!!!! Makinig kayong lahat mga babae na andito *hik*" sabi ko habang itinaas ang beer na nasa kamay ko
"Nafeel nyo ba yung ginusto nyo yung isang tao pero hindi ka kayang gustuhin pabalik??? Coz hanggang friends lang talaga kayooo???" Sigaw ko kaya pinagtitinginan na ako ng mga tao. Hindi ko na mapigilan ang bibig ko lasing na ako e tangina.
"Shy, iuuwi na kita" sabi ng isang pamilyar na boses.
"Tosh??? HAHAHAHAH potangina! Guys ito sya oh!! Si tosh ni reject ako kasi mas gusto nya yung babaeng *hik* ayaw naman sa kanya *hik* bakit toshie?? Mas maganda ba yun?? Mas sexy?? Haa!!? Answer me man!" Sigaw ko
"Shy, lasing kana umuwi na tayo" sabi nya ulit at akmang hihilahin na ko pero itinaboy ko ang kamay nya.
"Bakit ang rupok ko pagdating sayo tosh? Nakakatangina lang" mahina kong sabi, hinawakan ni tosh ang kamay ko at hinila ako palabas ng bar nakita ko naman sina sandy na nag-alala pero pinabayaan na nila ako. Well they trust Tosh naman e.
Tahimik lang ako sa loob ng kotse ni tosh, nakatingin lang ako sa labas ng bintana tapos napapansin ko pang lagi nya kong tinitingnan.
"N-nakauwi kana pala tosh, nakagraduate kana?" Sabi ko medyo nawala na yung kalasingan ko kaya tumino na ako kahit konti.
"Oo, maaga yung closing ng school" sagot nya kaya tumahimik nalang ako.
"Shy huwag ka na ulit maglasing" sabi nya kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit? Kasi nasasabi ko lahat ng hinaing ko? Bakit? Naaawa ka ba sakin? Kinakahiya mo ba ko tosh? Sorry ha sorry kasi ganito ako, sorry dahil minahal kita. Hindi ko lang naman mapigilan." Sabi ko at pinigilan ang mga luha na gusto na namang bumagsak.
Hindi na ko sinagot ni tosh at inalalayan akong pumasok sa bahay.
Kinabukasan maaga akong nagising, parang babasagin na ang ulo ko dahil sa sobrang sakit. Nakita ko naman na may gamot sa study table ko at tubig kaya ininom ko na ito at lumabas ng kwarto.
Akala ko nandito sya,.pero wala.
Wala na si tosh sa bahay ko pero pinaglutuan nya ako ng breakfast. Tapos may note pa na nasa misa
Eat well shy, huwag ka ng maglasing next time, hindi kita ikinakahiya. Nasasaktan lang ako sa ginagawa mo shy, feeling ko ako yung may kasalanan e. Magkaibigan naman tayo ah. At isa pa nakamove-on na ko kay hied,
Nasasaktan ako kapag nakita kong nasasaktan ka shy. So please huwag mo na akonh gustuhin. Eat well!
-tosh
I'm sorry tosh, kahit anong gawin ko ikaw parin gusto ko at ninanais ng puso ko.