"CONGRATULATIONS! TO ALL OF US!!!!" Sigaw naming lahat! Sa wakas nakapagtapos na rin kaming lahat.
Umattend si tosh sa graduation namin kaya ayun sobrang saya ko at mas lalo lang akong umibig kay tosh.
Bakasyon na kaya pagkatapos ng graduation nag outing kaming magbabarkada sa isang resort sa loob ng tatlong araw.
"Kayo na??" Sigaw ni loki kay sandy at kay liam na ngayon ay magkahawak-kamay
"Yes guys, kami na ni liam hehe" sabi ni sandy kaya binati namin silang dalawa. Kumuha na kami ng room, iba yung sa boyz iba rin ang sa girls.
Pagsapit ng gabi nag-ihaw ihaw kami sa tabing dagat at nag night swimming. Ang sarap sa feelings. Hindi sumama si tosh samin kasi raw bibigyan nya 'ko ng time para mag move-on at limutin yung nararamdaman ko. Pero kahit anong gawin nya kahit wala sya dito sa tabi ko nasa puso't isipan ko naman sya.
Mag-isa akong nakatambay ngayon sa tabing dagat tapos may lalaking tumabi sakin at binati ako.
"Hi" sabi nya kaya naghello ako sa kanya.
"Uhm, I'm brian ikaw ba?" Tanong nya at inilahad ang kamay nya, familiar sya ah mukhang nakita ko na sya sa school.
"Shy" sagot ko at nakipagshakehands na sa kanya.
Marami kaming pinag-uusapan ni brian hindi ko na nga napansin yung oras. Tumigil lang yung pag-uusapan namin nung tinawag ako ni fria kasi 11 na ng gabi nasa labas parin ako nag-alala na yung ibang boys.
Nakalimutan kong sabihin kasama pala namin sina rashid, luis, at neon tropa rin namin sila nung highschool kaya marami kaming nandito sa resort.
Pagkarating namin sa kwarto nakita kong nakahiga na si loki at sandy sa kama nila. Mukhang pagod na pagod kakaligo.
"Saan ka galing shy?" Tanong ni sandy
"Naghahanap ng lalaki" sagot ko at umupo sa kama ko.
"Wow, nakamove-on kana agad kay tosh?" Sigaw ni loki habang nakangiti
"Syempre... Hindi pa" sabi ko kaya binato ako ni sandy ng unan, binato ko naman yun sa kanya pabalik.
Kinaumagahan maaga akong nagising kaya naisipan kong lumabas na at maglakad-lakad nagulat naman ako kasi si brian nasa tapat na ng kwarto namin. Hinihintay ata akong magising.
Sinamahan nya akong maglakad lakae at naisipang mag tungo sa food court ng resort para kumain ng breakfast. Nagtext na ako sa mga girls para hindi na sila mag alala sakin.
- - -
Makalipas ang tatlong araw umuwi na rin kami tapos ayun back to reality naman. Mag-isa naman ako sa bahay kasi wala naman akong jowa HAHA tahimik lang akong nanonood ng movie kasi yung mama ko nasa bacolod kasama ang mga kapatid ko.
Tinawagan ko sila tapos mahaba yung usapan namin kasi nga namiss ko rin sila. Malaki na ang mga kapatid ko kaya pinagsasabihan ko sila na maging mabuti at bawal pasaway dahil malilintikan talaga sila sakin kapag nagkita kami ulit.
Sa Facebook maraming boys ang nagchachat sakin kaso hindi naman nagtatagal so boring ang bakasyon ko nakakatangina.
Dahil bored ako napagdisesyonan ko nalang ang matulog. Nakakatamad rin kasi umay.