TODAY IS MONDAY kaya maaga akong nagising kasi nga may klase na at maaga rin akong susunduin ni tosh. Ang swerte ko talaga dahil may kaibigan akong kagaya nya naku! Kapag ito nagkajowa ang swerte swerte ng babae ang galing pa naman kumanta ni tosh tapos pogi o diba san kapa? Kay tosh kana!
COLEGIO DE LA PURISIMA CONCEPTION+
Pinark na ni tosh ang kanyang motor na si Shane odiba may name pa ang motor nya ang cute talaga HAHAH. Hinatid na rin ako ni tosh sa classroom ko pero bago yun nakasalubong namin si ryunan ngumiti sya samin kaya ngumiti rin ako maliban kay tosh. 'nasira ata ang araw'
"Natalo ka ba ni ryunan sa LOL ha toshie?" Tanong ko kay tosh pero hindi nya ako sinagot.
"Pinopormahan kaba nun shy?" Nagulat naman ako sa tanong ni tosh. Naku delikado na.
"Huh? Ni ryunan? Hindi ah" sabi ko kasi totoo naman. Ngumiti si ryunan alangan naman na pagtarayan ko sya?
"Siguraduhin mo lang. Babaero yun" sabi nya at sakto nasa tapat na kami ng classroom ko.
"Bye tosh" sabi ko at tuluyan na ngang pumasok sa classroom ko. Hindi sya umalis nung hindi pa ako tuluyang nakaupo HAHA hays, bakit kaya sya ganito? Nakakafall.
"Ang sweet nyo naman." Sabi ni loki at sandy ng makaupo na ako sa pwesto ko.
"Di kaya gusto ka ni tosh shy?" Sabi ni loki
"Hindi nya ako gusto. ganyan lang talaga yan" sabi ko kaya tumahimik na sila.
DUMAAN ang mga linggo nagulat nalang kami sa balita ni Liam kaibigan rin namin sya na crush ni sandy o teka secret lang natin yan HAHAHA
"ANO? LEGIT YAN LIAM? MAY NILILIGAWAN NA SI TOSH!!??" Gulat na tanong ni sandy kay liam grabe makareact amp.
"Sino liam?" Tanong ni loki
"Si hied yung sa angelics" sagot naman ni liam. Nasa stage kami ngayon nakatambay kasi nga tanghaling tapat mainit sa classroom.
"Kaya pala minsan nalang sya nakikipaglaro samin ni ryunan ng LOL" sabi ni triton.
"Ilang years ko pa namang shinip ang TOSHY tapos malulubog lang." Sabi ni sandy daig pa yung natalo sa sabong
"Kaya pala kung makareact ka wagas" sabi ni fria kaya napatawa nalang kami.
GABI na ng makauwi ako sa bahay hinatid ako ni ryunan kasi naman wala si tosh. Ayokong istorbohin si tosh baka masira pa plano nya para sa future ni hied. Minsan lang yan naiinlove e
"Shy uhm may sasabihin ako" sabi ni ryunan sakin bago ako pumasok sa bahay
"Ano yun?" Tanong ko
"Uhm pwede bang manligaw sayo?" Nagulat ako syempre pero hindi ako makapaniwala.
"Saken?" Tanong ko habang tinuturo sarili ko
"Kanino pa ba?" Nakangiti nyang sabi.
"Pag-iisipan ko pa." Sabi ko at pumasok na sa bahay
"Good night" sabi nya at umalis na. Inon ko ang cellphone ko nakita ko naman ang message ni tosh.
Toshulol
-nakauwi kana?Reply
-yes boss! Musta panliligaw?Hindi na nakapagreply si tosh nakakapanibago parang dati lang ang bilis nyang magreply tapos ngayon wala na. Ang bilis napagod ata kakasuyo kay hied.