BAKASYON NA kaya minsan nalang kami nakakapagkita ng aking mga kaibigan dahil nga busy na rin kami sa paparating na pasukan. Hindi na rin ako nag-isip na pumasok sa isang relasyon dahil nagfofocus muna ako sa sarili ko. Halos isang buwan ko ring iniyakan si ryunan no at hindi yun alam ng mga kaibigan ko.
Today isa Saturday nagyaya naman si sandy na mag-inoman sa bagong bukas na bar na nasa baybay, roxas city. Tumangi na muna ako dahil marami akong inaasikaso. Aba! College na ako next pasukan no kailangan kong mag advance study dahil medyo mahina ang utak ko pagdating sa mathematics kaso itong si sandy mapilit kaya ayun pumayag na rin ako.
Minsan nalang rin kami nag-uusap ni tosh busy sya e kaya hindi ko na sya inabala.
Susunduin ako ni sandy maya- maya mga bandang 5:00pm kaya nagbasa basa nalang muna ako about sa mga lessons na pwedeng itopic ngayong pasukan.It's already 4:15pm kaya napagpasyahan ko na ring maligo ayaw pa naman ni sandy maghintay kaya ayun binilisan ko na ang pagligo at pag-aayus sa sarili ko.
Sa totoo lang namiss ko si tosh. Ang dating tosh na minahal at kinilala namin. Pero nagbago at nawala yun nung binasted sya ni hied. Well ganun naman talaga ang buhay minsan yung mga taong dumarating sa buhay mo lesson na yun para matuto ka. Gets?
Sinuot ko ang t-shirt na bigay ni tosh sakin nung 17th birthday ko it's just a simple black n white shirt at pinaresan ko na ng maong short at white sneakers. Inilugay ko lang ang buhok ko medyo mahaba na ito, matagal ko na ring hindi nagupitan.
Sandy
-i'm here na.Pagkabasa ko sa message ni Sandy ay mabilis akong bumuba kinuha ko ang sling bag ko at cellphone bago inilock ang bahay.
"Sexy natin ngayon ah" sabi ni sandy ng makapasok ako sa kotse nya.
"Sexy pa ba 'to sayo sandy? Oversize t-shirt at shorts lang naman to." Sabi ko at naglagay ng liptint sa labi ko.
"Sexy ka nga gaga. Bagay sayo yang suot mo ngayon ha, maglalaway si ryunan nyan" Natatawang sabi ni sandy bago instart ang sasakyan.
"Ewan ko ba sayo sandy, lagi mong sinisingit si ryunan sa usapan natin nakakainis ka." Sabi ko at inon ang data ng phone ko. Fb muna us pag may time.
"Huy shy, kita mo latest post ni tosh? Grabe ha ang pogi nya nag glowa up amp" natigilan naman ako sa sinabi ni sandy. Out of curiosity senearch ko ang FB ni tosh at sumalubong sa'kin ang napaka amo nyang mukha.
Naka- Hawaiian shirt sya at nakashort habang nakaupo sa isang silya.
"Oh, natulala kana dyan? Ang pogi no?" Sabi nya kaya natauhan ako.
"Pogi naman si tosh noon ah." Sagot ko
"Nagbago ngayon be, mas nag matured at mas lalong pomogi! Ang hot ng bbf mo!" Sabi nya kaya napailing nalang ako. Sabagay totoo naman ang sinasabi ni sandy. Hineart ko ang profile nya at makalipas ang nga minuto nagulat nalang ako na nagchat sya.
Tosh
-imissyou shy.'jusko ba't ganito? Ba't ang bilis ng tibok ng aking fucking heart sa simpleng mensahe ni tosh?
![](https://img.wattpad.com/cover/236571129-288-k958492.jpg)