BAR
"hi shy!!! Imissyouuuu omg" salubong ni loki at ni fria sakin nung makapasok ako sa bar nandito rin si liam at Triton mukhang nakamove-on narin sa sandy kay liam kaya inimbita nya rin.
"Huy miss ko rin kayo." Sabi ko at niyakap silang dalawa. Pagkaupo ko mismo sa sofa binigyan na agad ako ni liam ng beer na ininom ko naman agad.
"So? Anong Plano nyo ngayong pasukan guys? May napili na kayong course?" Tanong ni triton samin kaya isa isa naman kaming sumagot.
"Uhm yeah, architecture sakin" sagot ni sandy bago lumagok ng beer.
"Ikaw fria? Loki? Ano plano?" Tanong ni liam.
"Uhm nursing ako ewan ko lang dito kay loki." Sagot ni fria
"Plano kong mag flight attendant so tourism mga sis, kayo ba? Ikaw shy nakamove-on kana kay ryunan?" Tumawa naman agad sina liam sa sinabi ni loki.
"Yeah, nakamove-on na'ko at business administration ang kukunin kong course ngayong pasukan. Dati ko ng pangarap yan e" sagot ko at kumuha ng pulutan.
"Ako, seaman kung hindi papalarin asawa nalang ni sandy" sabi ni liam na syang dahilan ng pagtawa namin.
"Huy! May something sa inyong dalawa huh? Kayo ba ni Sandy liam?" Tanong ni loki.
"Hindi kami. Magiging kami pa lang." Sagot ni liam.
"Omg? Is that totoo? Nililigawan mo si sandy???" Gulat na tanong ni fria.
"Oo masama ba?" Sagot ni liam
"Wala naman akong sinabi na masama yun, like duh! Crush ka kaya nyan noon tapos di man lang nya sinabi samin na liligawan mo pala sya." Sabi ni fria
"Hey tosh! Andito kami!" Sigaw ni Triton kaya natigilan ako sa pagnguya ng pulutan. Dahan dahan akong lumingon at tangina! Nakita ko si tosh ang pogi nya as in! Ang pogi super ang laki ng pinagbago nya.
"Huy yung bibig ni shy baka mapasukan ng langaw!" Sigaw ni sandy kaya natauhan ako. Punyeta ba't kasi ang pogi ni tosh?
"Wow toshie! Nagbakasyon ka lang sa macao ang hot hot mo na! Maiinlove si shy nyan e" sabi ni loki kaya hinampas ko sya.
"Oh tabi ka kay liam tosh para magkaharap kayo ni shy yiee" sabi ni sandy at lumipat ng pwesto. Katabi ko na ngayon si sandy
"Kinikilig ako be" bulong nya sakin kaya tinarayan ko sya.
Tahimik nalang akong uminom ng beer nakakaloka kasi itong si tosh kanina pa nakatitig sakin tapos ngingiti nalang bigla kaya ito ako, kung san-san nako tumitingin para di nya mapansin na dehins ako mapakali. Umay! Nakakainis din talaga minsan tong si sandy over kung makasupport.
FYI kahit kailan hinding hindi ako mafafall kay tosh dahil kapag nafall ako alam kong hindi nya ko sasaluhin. Kasi kaibigan lang ang turing nya sa'kin at ganun rin ako sa kanya. Periodt
"Huy pre baka matunaw si shy ha" sabi ni triton kaya napatingin ako kay triton. Napailing nalang si fria at tumatawa si loki at sandy.
Aish. Bakit kasi nandito si tosh? Haynaku nahihilo na ako putcha. Gusto ko pang makasama sa tosh kaya sige kakayanin ko ang pagkahilo ko. . .
