"sure ka tosh? Ikaw na maghahatid kay shy?" Rinig kong tanong ni sandy. Medyi blurry na yung paningin ko kasi nga marami akong nainom at mabilis lang akong tamaan.
"Oo ako na bahala kay shy, mag-ingat kayo" sabi ni tosh at inalalayan akong maglakad papalabas ng bar.
Mahaba at medyo malayo ang nilakad namin kaya pagkarating namin sa kotse ni tosh na super bango-bango nakatulog agad ako.
- - -
"Ayus ka lang ba?" Sabi ni tosh habang hinahagod likod ko. Dehins ko na kinaya kaya sumuka ako ng sumuka pagkarating namin sa bahay.
"Ba't ka kasi uminom ng sobra e di mo naman pala kaya?" Sabi ni tosh at inalalayan akong umakyat papunta sa kwarto ko.
"Ang pogi mo tosh" sabi ko kay tosh ewan ko ba bigla nalang yung lumabas sa bibig ko basta lasing ako hindi ko na macontrol sarili ko pero totoo yung mga sinasabi ko. Nabubunyag ang lahat kapag lasing ako.
"Matulog kana shy" sabi nya at lumuhod para hubarin ang sapatos na suot ko.
"Tosh?" Sabi ko habang pinipigilan ang sarili na makatulog.
"Tosh gusto kita" sabi ko at nakatulog na nga.
Kinabukasan
Maaga akong nagising dahil sa tunog ng cellphone ko, sinagot ko naman agad ang tawag.
"Hello?" Sabi ko at hinanap ang tsinelas ko.
"Shy! Umamin ka kay tosh no? Naku HAHAHAH" sabi ni sandy na syang ipanagtataka ko.
"Pinagsasabi mo dyan?" Sabi ko at lumabas na ng kwarto
"Lasing ka kagabi, so mean nasasabi mo lahat ng tinatago mo. Kasama mo si tosh kagabi so?" Nagulat ako sa sinabi nya at napatakip nalang ng bibig.
naalala ko na punyeta!
"Sandy, tangina nasabi ko ata na gusto ko sya" sabi ko at nagtungo sa kusina sumalubong agad sakin ang poging itsura ni tosh.
"Sige bye na." Sabi ko at pinatay ang tawag naku! Narinig ata nya usapan namin ni sandy.
"Ang tanga mo shy! Potaka'
"G-good morning tosh, a-akala ko umuwi kana" sabi ko at uminom ng tubig.
"Lasing ka kagabi kaya binantayan kita" sabi nya at ngumiti.
"Pinaglutuan na kita ng breakfast shy, kain kana" sabi ni tosh at inilipag ang niluto nyang itlog.
"Salamat, nag-abala ka pa" sabi ko at kumuha na ng kanin
"Kumain kana rin tosh" sabi ko at tumango naman sya.
"Tosh? Kung ano man ang sinabi ko kagabi charot lang yun" sabi ko kaya napangiti sya.
"I know. Mabuti yun" sabi nya at nag-umpisa ng kumain.
"So kumusta kana tosh? Ang tagal na nating hindi nagkita" sabi ko
"Oo nga e, namiss nga kita sobra" sabi nya kaya ito naman ang aking heart. Hindi naman normal ang tibok.
"N-namiss rin kita tosh" sabi ko at kumain na rin.
-
Pagkatapos naming kumain umalis na agad si tosh may gagawin pa raw sya kaya ayun pumayag naman ako.
Pagkaalis ni tosh nakaramdam agad ako ng lungkot na may halong sakit.
' i know,Mabuti yun'
Mabuti nga kung hindi ako nahulog pero wala na e. Ewan ko lang ba ba't ko to nararamdaman.
Nahulog na ba talaga ako?
Gusto ko ba talaga sya?
![](https://img.wattpad.com/cover/236571129-288-k958492.jpg)