Kakatapos lang naming kumain at nanunuod na kami ngayon sa sala.
Ilang saglit lang ay nagsalita si Gian, "Bukas na pala yung unang araw mo sa trabaho," lumingon ako sa kanya at nakitang ang mga mata niyang tutok na tutok sa TV.
Binalik ko na lang din ang aking tingin sa harapan at hindi agad ako nakasagot dahil bigla akong nakaramdam ng kaba at excitement. Excited ako kasi finally I'll start living my dreams, pero hindi ko maiwasan na mag-alala. Totoong nakapag-OJT naman na ako ng ilang beses, pero alam kong hindi iyon sapat para sabihing I'm very confident sa magiging performance ko. Lalo na't sa isang malaking unibersidad agad ako sasabak.
Natigil ang pag-iisip ko sa kung gaano ba ako kinakahaban nang hawakan ni Gian yung kamay ko, kaya naman ay gulat akong napatingin sa kanya.
"Bakit gulat na gulat ka dyan? Kapag ikaw bigla-biglang manghahawak ng kamay okay lang, tapos kapag ako hindi?" sabi niya at binigyan ako ng nakakalokong tingin.
"Buti nga hawak kamay lang ginawa ko, hindi katulad mong nanghahalik pa bigla eh," dinugtungan niya pa ang sinabi niya nang pabulong pero narinig ko pa rin naman.
Hinila ko ang kamay ko at umiwas ng tingin dahil alam kong pulang pula na yung pisngi ko sa kahihiyan, "Ewan ko sa'yo!"
Natatawang hinawakan ulit ni Gian ang kamay ko at pilit niyang hinuhuli ang mga mata ko, "Kidding aside, alam ko namang gagalingan mo, ikaw pa!"
Natigilan ako kasi feeling ko ilang beses ko nang narinig sa kanya 'yan. Napansin naman ni Gian ang pagbago sa naging ekspresyon ng mukha ko kaya medyo kabado niyang hinawakan ang isa ko pang kamay bago siya mag-salita.
"Why? M-may nasabi ba akong hindi maganda?" medyo natataranta niyang sabi.
Hindi na ako nag-salita at umiling na lang sa kanya, napabuntong hininga naman si Gian, "That's good... By the way, I'm thinking that we should come to work together tomorrow. Is that fine to you?"
"Diba sa Taguig yung on-going project niyo?" sabi ko.
"Yes, pero diba nga I still have another project in PNU?" he replied.
Oo nga pala, kaya rin pala niya ako sinamahan noong interview at orientation ko last time.
I smiled at him and said, "Okay, I'm fine with it."
He then smiled at me, and squeezed my hands with his. I think, I should start to accept the fact that I'm already married and try my best to live normal a normal as much as possible. Besides, it will be helpful for my condition kung madalas akong sasama kay Gian.
Inabot naman na ako ng antok kaya nag-paalam na ako kay Gian para gawin ang night routine ko before I go to sleep. My work tomorrow is nine in the morning, I should start resting now so I will be in good condition when I wake up.
BINABASA MO ANG
Falling Stars in Hourglass (Arranged Series #1)
RomantikAfter two years, Mira will be coming home to the Philippines. It's been two years also since she made her one of the most difficult and hurtful decisions in her life, and that is to leave the guy he loves the most. She's afraid, but she needs to fac...