Natapos na kami sa trabaho at ngayon ay naglalakad na kami papuntang unit namin, at bigla namang pumasok sa isip ko ang mga naalala ko sa kanya nitong huli lang.
"Hindi ka pala nagseseryoso dati?" pang-aasar ko sa kanya.
Nagulat siya sa sinabi ko at pinamulahan ng mukha, kaya mas lalo lang akong natuwa sa pang-aasar ko sa kanya.
"Anong kinagugulat mo dyan? diba nga sinabi ko sa'yo na natatandaan ko na ang dating Gian," panunukso ko pa.
Ngumiti ako nang makahulugan at napansin niya nang pinagtitripan ko na siya kaya bumalik na sa normal na ekspresyon ang mukha niya.
"Oo dati, pero ang mahalaga hindi na," sabi naman niya.
"Alam mo feeling ko matindi ang pagmamahal ni dating Mira sa'yo dahil pinagkatiwalaan ka niya kahit ganyan ang background mo," wala sa sarili kong sinabi.
"Well, you were head over heels to me," pagmamayabang niya at kinwestyon ko sa aking utak kung totoo ba pinagsasabi nito.
"Anong kinagugulat mo dyan?" sinabi niya yun at ginaya ang tono ng pagsasalita ko, "Kulang na nga lang ay mag-makaawa ka na magka-anak na tayo eh," dugtong niya pa.
Dahil sa huling sinabi niya ay napagtanto ko na exaggerated lang lahat ng mga sinabi niya, "Nakalimot ako oo, pero hindi ako tanga Gian para maniwala sa ka-OA-an mo," sabi ko at ngumiti ako ng matamis sa kanya.
"At least I tried," sabi niya at napakamot sa kanyang batok.
Nakakain na rin kami ng dinner at naisipan naman namin na manuod sa TV sa may salas namin. Habang busy ako sa panunood sa isang lifestyle channel ay siyang maya't maya namang pagtatanong sa akin ni Gian.
"Anong plano mo bukas?" pagkasabi niya noon ay sumubo naman siya ng isang fries.
Wednesday pala bukas. Sa PNU kasi ang Wednesday ay nilaan para sa orgs, seminars, at flexible learning which means walang klase, pwera na lang kung may make-up class. Since halos wala pang isang linggo simula ng magkaroon ng klase, ay wala pa naman kaming make-up class.
"Maybe, I will work on my lesson plan," sagot ko naman sa kanya.
Napagtanto kong since nalimot ko nga ang aalala namin ni Gian wala akong gaanong alam sa kanya, bukod sa mga basic information at trabaho niya kaya naman naisipan kong tanungin na rin siya.
"Diba Architect and Engineer ka at the same time?" tumango naman siya, "Sa firm ka ba nagtatrabaho?"
"I work under my dad's real estate company. I'm currently the COO and the head of one of the departments in the company," pagpapaliwanag niya.
Dahil naging intiresado na ako sa kinikwento niya ay tinanggal ko na ang mga mata ko sa panunuod at tumuon na lang sa kanya, "Anong klaseng department?"
BINABASA MO ANG
Falling Stars in Hourglass (Arranged Series #1)
RomanceAfter two years, Mira will be coming home to the Philippines. It's been two years also since she made her one of the most difficult and hurtful decisions in her life, and that is to leave the guy he loves the most. She's afraid, but she needs to fac...