"Ha?" lito kong sabi, "Bakit parang ayaw mo akong makaalala?" pagbibiro ko pa.
Natataranta niyang sinabi na, "Hindi naman sa ganun, masyado lang ako nag-oover think... 'wag mo na lang pansinin."
Iyon nga ang ginawa ko, binalewala ko na lang ang sinabi niya. Actually, I tried pero I feel like hindi lang siya nag-ooverthink. I feel like he's hiding something.
Hindi ko na namalayan na habang iniisip ko 'yan ay napapatitig na pala ako kay Gian. Kaya naman ay iiwas ko na sana ang tingin ko sa kanya nang bigla niya namang hinila ng marahan ang kamay ko para mayakap niya ako.
Sa sobrang pagkabigla ay hindi agad ako nakapag-salita at ang naririnig ko na lang ay ang sabay na pagkabog ng mga dibdib namin ng lalaking kayakap ko ngayon. Hindi ko namalayan na tinatapik ko na nang marahan ang likuran niya, at hindi ko maintindihan kung bakit ko ginawa iyon.
Mas napayakap siya sa akin nang maghipit at napabuntong hininga kaya nag-tanong na ako.
"Okay ka lang ba? Bakit mo ako niyakap?" sinabi ko 'yun nang hindi pa rin pumipiglas sa pagkayakap niya.
Sa mababang boses ay sinabi niyang, "Kung pwede ko lang ikwento lahat nang nangyari sa atin matagal ko ng ginawa. Pero ayokong tuluyang mawala ang alaalang pinagsaluhan natin dati, masaya man o malungkot..." he paused.
He caress my hair as he continue, "I don't want to suffer you emotionally and physically. I'm sorry... I can't do anything,"
Tila naman hinaplos ang puso ko kaya niyakap ko siya nang mas mahigpit, na ikinabigla niya. Matapos ang ilang saglit ay kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Hinarap niya ako at hinawakan ang mga kamay ko, "Just please stay with me, so you will remember me."
Napangiti siya at marahan akong hinalikan sa noo, at ngayon ako naman ang nakangiti.
Maaga pa ay tumulak na kami papuntang PNU, maaga rin kasi kami nakatulog kagabi kahit na hindi ako gaanong nakapag-handa para ngayong araw. Well, at least kumpara sa inaasahan kong pag-hahanda kong gagawin sana. Buti na lang talaga ang napiling syllabus na gagamitin ay yung gawa ko kaya naman ay mas maalam na ako sa gusto kong mangyari sa klase ko.
Alas-nuebe pa ang unang klase ko at nakarating kami sa PNU nang wala pang alas-otso kaya naman ay marami pa akong oras para makapag-handa. Sumalubong naman sa amin ay ang mga nagkalat na estudyante at mahabang pila sa main gate. Ang iba ay naka-uniporme na at ang iba naman ay naka-civillian pa; at ang hula ko ay 'yun ang mga freshies.
"Hays, ang sasaya ng mga freshies halatang walang alam sa buhay kolehiyo..." pagbibiro naman ni Gian.
"Yeah," 'yun na lang ang nasabi ko dahil tumawa na lang ako.
Katulad nang dati ay nag-hiwalay na kami ni Gian pagkarating namin sa Talipapa; siya ay pumunta na sa site nila at ako naman ay dumiretso na ng faculty center.
![](https://img.wattpad.com/cover/229593450-288-k647003.jpg)
BINABASA MO ANG
Falling Stars in Hourglass (Arranged Series #1)
RomanceAfter two years, Mira will be coming home to the Philippines. It's been two years also since she made her one of the most difficult and hurtful decisions in her life, and that is to leave the guy he loves the most. She's afraid, but she needs to fac...