fifteen

43 1 0
                                    

"Dali na kasi Simon, parang iaabot lang eh! Ang damot mo," pag-mamaktol ko kay Simon.



Kasalukuyan kaming nandito sa may Grasslandia; naka-upo sa mat na binili namin sa Luneta kagabi nang naisipan namin tumambay doon. Habang kumakain kami ng lunch ay pinipilit ko siyang ibigay niya sa pinsan niyang si Larson yung chocolate at maliit na note na galing sa akin.



Ever since my last "unnamed" relationship to someone, si Larson na lang ulit ang bumuhay ng Oxytocin ko (love hormones). Since mag-pinsan sila ni Simon kaya madalas din kaming nagkakasama at dahil din doon mas lalong lumalalim yung nararamdaman ko para sa kanya. 



Well, I'm sure naman na hindi pa ito yung four letter word na masyadong overrated na sa panahon ngayon.



I heard from Simon that he is now officially part of Adamson's men's volleyball varsity team, so I got an idea to send him a small gift to congratulate him.



"Ikaw na lang ang magbigay niyan para mas ma-apreciate niya!" pagmamatigas naman ni Simon.



"May bahid pa rin naman ako ng pagiging dalagang pilipina kaya, it's a no!" sagot ko naman.



"Alam mo? Bahala ka, kung ako sa'yo aamin na lang ako malay mo parehas pala kayo ng nararamdaman," pangugumbinsi ni Simon.



Hinampas ko si Simon sa braso pero hindi naman gaano kalakas pero eksaherada naman siyang umapela sa akin habang hawak-hawak niya ang braso niya, "Ito ang sadista mo talaga, nag-susuggest lang naman ako!"



Tumawa ako kasi mukha talaga siyang inapi sa harapan ko, "Alam mo kasi, huwag mong pataasin yung pag-asa ko kung wala naman talaga, sawa na akong ma-hopia."



Gulat ako nang biglang niyakap ako ni Simon at eksaheradang hinahagod ang likod ko na tila ba pinapatahan ako—kahit hindi naman ako umiiyak.



"It's okay Mira, it's not the end of the world marami pang mag-papaasa sa'yo," patuloy pa rin siya sa paghimas sa likuran ko.



Pumiglas ako sa pagkakayakap niya sa akin at binatukan siya, "Alam mo papansin ka, iniiba mo lang yung topic eh. Dali na kasi, I promise I will pray and find a nice guy for you kapag pinagbigyan mo ako."



Hinawakan ko ang kamay niya para mapakita ko sa kanya ang sensiridad ko.



Bumuntong hininga muna siya bago mag-salita, "Oh siya, sige sige. Ako na ang bahala."



Sa sobrang saya ay napayakap ako sa kanya at sinamahan ko pa ng tili. Pumiglas naman siya ng yakap sa akin at parang diring diri na umusod palayo sa akin.

Falling Stars in Hourglass (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon