Kinaumagahan, nagising ako nang wala na akong katabi. Tiningnan ko ang bahagi kung saan natutulog si Gian; mukhang dito naman siya natulog kagabi kasi lukot pa ang bahagi ng hinigaan niya.
Napahawak naman ako sa ulo ko nang maramdaman ang pag-kirot ng sintido ko, at naalala ko bigla ang mga katangahang ginawa ko kagabi.
What the heck?! Bakit ko hinalikan si Gian kagabi? Tapos sinabi ko pa yung mga nakakahiyang kadramahan ko sa kanya kagabi. Tapos yung umiyak siya, alam kong hindi ko yun guni-guni kasi linaw na linaw sa alaala ko yung mga mabilis na pag-agos ng mga luha niya.
Pinikit ko ang mata ko at ginulo-gulo ang buhok ko dahil sa mga kahihiyang naalala ko kagabi. Saktong pagmulat ng mga mata ko ay ang pagtama naman nito sa mga mata ni Gian, na kakalabas lang ng CR at naka-bathrobe pa.
Parehas kaming hindi makatingin sa isa't isa, at naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko dahil naalala ko nanaman ang nangyari kagabi. I want to say sorry, pero walang lumalabas na salita sa bibig ko.
"Uhmm, hindi na pala kita masasabayan kumain ng breakfast at lunch. Meron kasing emergency sa isang site pa namin sa may Taguig and kailangan ako doon," sinabi niya iyon nang nakatingin sa akin noong una, pero nang hindi makayanan ang awkwardness ay inabala niya na lang ang sarili niya sa pag-lagay ng relo niya; kahit naman ginagawa niya iyan kapag naka-bihis na siya.
"Sige, ingat..." 'yun na lang ang nasabi ko.
Nang pumasok na siya sa walk-in closet para mag-bihis ay tsaka lang ako nakahinga nang maluwag at napag-pasyahang pumasok na sa loob ng CR.
Nang makita ko ang itsura ko sa salamin, napansin kong wala na akong make-up pero iyon pa rin ang suot kong damit. Napabuntong-hininga ako; mas lalo lang ako na-guilty sa mga kagagahan ko kagabi.
Nahawakan ko na ang zipper sa likod ng dress ko at ibaba ko na sana ito para mahubad na, pero bigla na lang ako napahawak sa sink dahil bigla na lang sumakit ang ulo ko. I'm sure na hindi ito dahil sa hangover, ito yung sakit ng ulo ko sa t'wing inaatake ako.
"Aray!" hindi ko na napigilan ang pagsigaw sa sobrang sakit, tuloy-tuloy na rin ang pag-tulo ng mga luha ko.
Agad ko namang narinig ang pagkalabog ng pinto at pagbukas nito, at nakita ko na si Gian sa gilid ko na hawak-hawak ang susi ng banyo at natataranta.
"A-anong nangyayari Mira?! Shit!" hindi agad ako nakasagot pero hinawakan ko ang mga braso niya para maalalayan ang sarili ko.
"Dadalhin na kita sa hospital."
Umiling at ako kahit medyo hirap ay sumubok magsalita pa rin, "K-kunin mo l-lang yung gamot k-ko sa may side t-table na'tin, 'yun l-lang iinumin ko."
Binuhat niya naman ako at nilapag sa kama at dali-daling ginawa ang bilin ko.
Ininom ko na ang gamot at nag-tanong nanaman si Gian, "Sure ka bang okay lang na 'wag ka nang dalhin sa hospital?" may kaba pa rin sa boses niya.
BINABASA MO ANG
Falling Stars in Hourglass (Arranged Series #1)
RomantizmAfter two years, Mira will be coming home to the Philippines. It's been two years also since she made her one of the most difficult and hurtful decisions in her life, and that is to leave the guy he loves the most. She's afraid, but she needs to fac...