Bisperas na ng Pasko at sinadya ko talaga na mas maaga akong magising ngayong araw para makapag-handa na sa pag-punta ng mga magulang namin ni Gian ngayon. Hindi ko na ginising si Gian, since mukhang mahimbing pa ang tulog niya at ayoko namang istorbohin pa siya.
Nakapamili na kami noong mga nakaraang araw pa ng mga sangkap ng mga ihahanda naming pagkain mamaya, kaya ang una kong ginawa pagkatap ang morning routine ko ay ang paglinis ng buong unit namin. Hindi naman gan'on kagulo ang tinitirhan namin, pero gusto ko lang na masigurado na walang masasabi ang magulang ni Gian kapag nakita nila kung saan kami nakatira. Lalo na't ito ang unang beses naming pagkikita simula noong naaksidente ako. I want to be extra confident.
Inuna ko munang linisin ang sala. Pagkatapos kong magwalis at magpunas ng mga alikabok sa mga furnitures namin ay naisipan ko namang mag-vacuum. Habang nag-vavacuum ay nagulat naman ako nang maramdaman kong may yumakap sa akin galing likod.
"Ay kalabaw!" bulalas ko.
"Saan?" rinig kong bulong sa akin ni Gian.
Nilingon ko siya at mahinang hinampas ang kanyang braso, "Bakit ka ba nang gugulat?"
"Good morning din, Love..." sabi niya at sabay yakap nang mas mahigpit pa sa akin.
Nagulat ako pero nang makabawi ay kumalas ako sa pagkakayakap niya sa akin.
"Amoy pawis pa ako..." medyo nahihiya kong sabi.
Tumuwa lang siya at hinila niya ulit ako palapit sa kanya para mayakap ulit.
"I don't mind," bulong niya sa akin habang nakabaon ang mukha niya sa aking balikat at hinigpitan pa lalo ang yakap sa akin.
Makatapos nang ilang sandali ay niluwagan niya na ang yakap sa akin para harapin ako nang mas maayos, "Bakit ang aga-aga mong gumising?"
Tapos tiningnan niya ang hawak ko pa rin na vacuum.
"Naglilinis lang ako ng bahay natin. Diba kasi dadating yung mga magulang mo?" sabi ko.
Tumatango siya, "Kinakabahan ka ba?"
Napakagat ako sa labi at napabuntong-hininga.
"Don't be, okay? They love you, trust me," he sweetly smiled at me.
I smiled at him, too. I trust him, pero hindi ko pa rin maiwasan ang kabahan since ito nga yung unang beses ko silang makikita and I don't know what to expect.
After kong mag-linis ay kumain na kami ni Gian ng breakfast at lunch na rin. Sabi ng mga magulang namin ay baka mga alas-9 pa ng gabi sila makakarating dito kaya nag-pahinga muna kami bago mag-asikaso ng mga ihahanda namin para sa Noche Buena mamaya.
Mga typical na handa tuwing Noche Buena lang ang naisipan naming ihanda, para na rin safe kasi hindi naman kami ganoon kagaling magluto ni Gian. Well, actually Gian's cooking skills are way better than mine, kaya siya na rin 'yung nanguna sa pagluluto ng mga main dish. Ang toka ko naman ay ang desserts, and I decided to bake a red velvet cake; 'yun din kasi ang sa tingin ko pinaka-confident akong i-bake.
![](https://img.wattpad.com/cover/229593450-288-k647003.jpg)
BINABASA MO ANG
Falling Stars in Hourglass (Arranged Series #1)
RomantikAfter two years, Mira will be coming home to the Philippines. It's been two years also since she made her one of the most difficult and hurtful decisions in her life, and that is to leave the guy he loves the most. She's afraid, but she needs to fac...