I will come back here, but for now, goodbye South Korea.
Noong una akong dumating dito ay kasama ko si Larson at mabigat ang aking pakiramdam. Pero ngayon, ganon pa rin naman ngunit ngayon ay hindi ko na kasabay si Larson. Nauna na akong umuwi dahil may inaasikaso pa si Larson, at dahil doon ay hindi siya makakasabay sa akin. Gustong-gusto ko na rin kasi talagang bumalik sa Pilipinas at hindi ko na kaya pang hintayin si Larson.
Nag-sasalita na ang flight attendant tungkol sa mga kung anong paalala dahil pa-landing na kami sa Manila. Hindi ako mapakali at kinakabahan habang tinitignan ang picture namin ni Gian noong sinagot ko siya sa Coron. It's been almost five years since this picture was taken, and we are about to celebrate our fifth anniversary this coming April if only I did not left him. Nevertheless, I don't regret it kahit ang heartless man pakinggan.
Kamusta na kaya siya? Last time na nakita ko siya ay parang hindi naman siya mukhang nag-iisa. Parang tama naman ang naging desisyon ko.
"Our dear passengers, we our having technical difficulties upon landing. We advise you not to panic and keep calm at all cost. Please fasten your seatbelts, while waiting for us to solve these difficulties. Sorry for the inconvenience," sabi naman ng pilot ng eroplano sa speakers.
Kahit na sabihin ito na huwag mag-panic ay nag-panic na ang ibang tao, at ako rin. Pero pinilit kong pakalmahin ang sarili ko kahit na sobra ang kabang nararamdaman ko. Alam ko namang walang magandang maidududlot sa akin ang pagpapanic ko.
Naramdaman ko ang paggalaw ng eroplanong sinasakyan namin. Naghiyawan ang mga pasahero at pati na rin ang mga flight attendants ay natataranta na rin. Lalo lang kaming naghiyawan at umiyak nang biglang bumilis pabalusok ang sinasakyan naming eroplano. Niyakap ko ang cellphone kong nakabukas pa rin sa picture naming dalawa ni Gian at tahimik na nagdasal para sa aking kaligtasan.
Please let me see Gian once again and say sorry before I die, dasal ko bago dumilim ang paligid at maramdaman ang matinding pagtama ng aking ulo.
"They said that my daughter will be fine, she severely hurt her head, pero she will be fine and she's safe now. No need to worry for your friend..." narinig ko ang boses ni Mommy habang hindi ko pa rin dinidilat ang mga mata ko at dinadama pa ang sakit ng aking ulo.
"She's hard-headed girl so yeah, we should not worry," si Sheena naman ngayon ang narinig ko at may narinig din akong mga mahihinang tawa.
Nang buksan ko na ang aking mga mata ay nakita kong nasa isang hospital room ako. Nakita ko si Mommy at Daddy na nasa aking kaliwa at sina Sheena, Dein, Art, Jim, at Faye naman na nakaupo sa isang malaking brown na couch sa loob ng hospital room na iyon. Tinignan ko ang swerong nakakabit sa aking kanang palapulsuhan at napansin ko rin na suot ko pa rin yung dilaw na coat ko, pero may mga halong dugo na ito. Kinapa ko yung bandage sa ulo ko, at sinubukang umupo mula sa aking pagkakahiga kaya lang nagsisi agad ako dahil nakaramdam ako ang kirot sa aking bandang tagiliran. Nang dahil doon ay napadaing naman ako at napansin iyon ng lahat ng mga tao sa loob ng hospital room kaya naman ay agad nila akong dinaluhan.
"I'll call the doctor," agad na sabi ni Dein at lumabas.
"Are you okay now, sweetie? We were so scared when we heard the news," tanong ni Mommy at si Daddy naman ay nag-aalala rin pero pinili na lang na 'wag nang magsalita.
"Yes mom, I'm fine. Masakit lang ang katawan at ulo ko."
Tiningnan ko naman ang mukha ni Sheena at mukha mga kaibigan ko at bakas sa kanilang mga mukha ang matinding pag-aalala.
Tumawa ako at sinabing, "So, hindi pala talaga panaginip 'yun? Woah, such a great experience huh."
Syempre I didn't mean it, I just want to lighten up the mood kasi mukhang kaunti na lang ay iiyak na ang lahat sa aking harapan.
"Hay naku, kung wala ka lang talagang bali sa katawan at wala ka lang bandage sa ulo mo kanina ka pa namin kinaltukan!" iritadong sambit ni Sheena, at tinawanan ko lang ito kasi nakakatawa talaga itsura niya.
"Nakuha mo pa talagang tumawa at mag-biro ah, gumaling ka lang talaga at sasabunutan kitang gaga ka," habol pa niya.
"Aw, that's a very sweet of you Sheena. I really appreciate it," tumawa ako kaya napatawa na rin sila.
Ilang minuto lang ay dumating na si Dein kasama ang doctor at agad namang chineck ako. Tiningnan yung mga sugat ko at kinulsunta rin lahat ng nararamdaman ko. Nang matapos ay may ilan lang na pinaalala ang doctor bago umalis na nang tuluyan. Halos kakasara pa lamang ng pinto nang tsaka namang bumukas agad ito. Niluwa nito ang isang lalaking naka-button down shirt na asul, naka-itim na slocks, black na topsider shoes at may itim na relo sa kaliwang palapulsuhan nito. Matangkad na medyo moreno at magulo rin ng kaunti ang itim na buhok nito, at may hawak na susi ata ng kotse at sa kabilang kamay naman ay cellphone.
Hindi ko mamukhaan ang lalaki, pero nang magtama ang aming paningin ay bakas sa mukha nito ang matinding kaba na may halong lungkot at saya.
Nagulat ako nang bigla na lang ito umakap sa akin, hindi mahigpit, tama lang para hindi matamaan ang mga sugat ko. Tiningnan ko ang mga kaibigan ko at humihingi ng tulong dahil may isang lalaking yumayakap sa akin ngayon, at hindi ako makapaniwalang wala silang ginagawa para tulungan ako.
"Gian, baka matamaan mo ang mga sugat ni Mira," sabi ni Faye, at agad naman tumayo ang tinawag nilang Gian.
Gian? Never heard of that name before.
"So okay, can someone tell me who's this guy. You just let a stranger hug me, in case you guys didn't notice," sarkastiko kong sabi.
Lahat sila ay nagulat sa sinabi ko at para bang nakarinig ng isang bagay na bago sa kanilang pandinig.
"Mira," mahinang tawag sa akin nung Gian, at sinubukang hawakan ang kaliwang kamay ko.
Gulat at may kirot sa kanyang mga mata nang bigla ko na lang iniwas ang aking kamay.
Bumaling ako sa mga kaibigan ko at sa mga magulang ko at nagtanong muli,
"Who is he?"
---

BINABASA MO ANG
Falling Stars in Hourglass (Arranged Series #1)
RomanceAfter two years, Mira will be coming home to the Philippines. It's been two years also since she made her one of the most difficult and hurtful decisions in her life, and that is to leave the guy he loves the most. She's afraid, but she needs to fac...