I know it's kind of rude, pero hindi ko na napigilang tumawa dahil I'm assuming that what he just said is a joke. Nang mapansin kong hindi nga siya nagbibiro ay awkward kong tinigil ang pagtawa ko.
"So, you're really asking me, huh?" I said and then he nodded.
"No thanks, I already have a boyfriend," pagkikibit-balikat ko na para bang sanay na sanay na ako sa sabihin ang kasinungalinang 'yan.
Well totoo namang sanay na ako, kasi everytime na may magtatanong sa akin in a flirty way ay ganoon lagi ang dinadahilan ko para tigilan na ako, and Gian is giving me that vibe.
Siya naman ngayon ang natawa at ako naman ang nalilito sa reaksyon niya, "Anong tinatawa-tawa mo dyan?"
"Sus 'wag nga ako. Alam kong wala kang boyfriend at hindi ka gusto ng gusto mo," pambabara naman niya sa akin.
Hindi ako makapaniwala na ni-real talk niya ako! Like, close ba kami nito? Sa pagkakatanda ko kasi hindi eh.
"Yeah, wala akong boyfriend, at perahas lang naman tayo," panimula ko.
"Parehas na ano?" tanong naman nito, "Parehas tayong hindi gustong ng gusto natin."
Sinabi ko iyon nang may halong pagmamayabang sa tono ko. Don't get me wrong, hindi naman sa overly confident ako; it's just that na-offend ako sa sinabi niya!
Napaawang ang bibig niya at eksaheradang humawak sa dibdib niya at sinabing, "Aray ha!"
Natawa ako sa naging reaksyon niya kaya nawala rin agad ang inis ko.
"Teka nga, paano mo nalaman na wala akong boyfriend?" pag-iiba ko naman ng topic.
"Pinag-background check kita," walang gana niyang sabi, "What?!" medyo mataas na ang boses ko at nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.
Natatawa naman siyang tumugon, "Easy, nagtanong lang ako kay Sheena..." sinabi niya iyon habang nakataas ang dalawang kamay niya na para bang sumusuko.
Hindi na lang ako sumagot at napatingin naman ako sa banda kung nasaan ang mga kaibigan namin kanina. Napansin ko naman na wala nang natira doon at linis na rin ang pinagpwestuhan namin; at mukhang napansin din iyon ni Gian.
Aalis na rin sana ako nang pinigilan niya naman ako sa pamamagitan ng paghawak sa siko ko. Tatanungin ko sana siya kung bakit, kaso tuluyan niya naman na akong hinila nang marahan para umupo sa pinagpwestuhan namin kanina kasama sina Sheena.
"Oh bakit?" tsaka lang ako nakapagtanong nang maka-upo na kami.
"Let's stay here for a while," sabi naman niya at sabay pinakita ang mala-anghel niyang ngiti.
Ganyan ba ang pinapakita niya sa mga babaeng gusto niyang ligawan? Well, medyo effective.
Hindi ko rin talaga alam kung bakit napapayag niya ako, pero siguro masyadong maganda ang gabi ngayon at ang daming mga bituin sa langit tapos katamtaman lang ang lamig ng simoy ng hangin.

BINABASA MO ANG
Falling Stars in Hourglass (Arranged Series #1)
RomanceAfter two years, Mira will be coming home to the Philippines. It's been two years also since she made her one of the most difficult and hurtful decisions in her life, and that is to leave the guy he loves the most. She's afraid, but she needs to fac...