thirty-three

28 0 0
                                    

Kakarating lang namin dito sa Batanes. Sobrang tagal na nung huling punta namin dito, kung hindi ako nagkakamali ay noong nasa second year high school pa ako. Most of my relatives in my mom's side reside here, and naisipan nilang magkaroon ulit ng family reunion ngayong darating na Pasko at New Year.


Nang maayos ko na ang mga gamit ko ay naisipan ko namang i-open ang phone ko para tumambay sa mga social media accounts ko. Later on, I decided to finally tweet about my so called "plans" for this Christmas break.


@mirablaire_: Bye for now, social media world. Bye for now digital communications. Gonna spend this vacation with the fam. See you again in 2015, advance Merry Christmas and Happy New Year to everyone!


Hindi ko na naman talaga icucut ang paggamit ng social media, pero magiging inactive lang ako. I will only post photos but I will not use it to communicate to my friends. I turned-off my chats and especially ignored the messages from Gian, since siya naman talaga ang gusto kong iwasan pero ayoko namang makahalata siya kaya dinamay ko na ang lahat. I'm pretty sure that it's not a good idea pero that's the best I can think of.


Bago ko pa tanggalin ang sim sa phone ko ay nabasa ko naman ang ilang reply sa akin ng mga kaibigan ko, lalo na sila Sheena at si Gian.


They are just asking me kung necessary pa ba 'yon. Hindi ko man lang sineen ang messages ni Sheena sa akin kasi I know naman kung gaano siya kaboto kay Gian para sa akin, at baka malaman niya pang may kinalaman si Gian kung bakit ko ito naisipang gawin.


Tinadtad rin ako ni Gian ng chat, text messages, at nakailang tawag rin siya sa akin. Dahil lumalabas sa notif ko ang mga sinisend niya ay nababasa ko naman.


Gian:

Bakit hindi ka sumasagot sa tawag ko?

Mira

Mira mag-reply ka naman.

Uy! Prank ba 'to? Aaminin mo na hindi ako mapipikon.


Kailangan kong panindigan ang ginawa ko, I'm pretty sure he will hate me and siya na mismo ang lalayo sa akin kapag nagkataon. 


Siya na mismong lalayo sa makakasakit lang sa kanya.


Dahil sa pagod sa byahe ay agad akong nakatulog at hindi na nga nakakain pa ng dinner. Naalimpungatan lang ako nang marinig ko ang boses ng Mommy ko na hula ko ay kanina pa ako ginigising.


"Anak, kanina pa tawag ng tawag sa akin si Sheena... eto oh kausapin mo na," sabay abot sa akin ng kanyang phone.


Gusto ko mang tanggihan at mag-dahilan kay Mommy ay hindi ko na lang ginawa. Baka rin kasi mag-duda na 'tong kaibigan ko kung bakit ko ba ito ginagawa. Alam kong madali niya lang ako mababasa.


"He---"


"Anong kaartehan 'yan Mira!" hindi na ako nakabati sa kanya dahil sinalubong niya na agad ako ng mataas niyang boses.


I tried to laugh and make it natural as much as possible, "Good morning din sa'yo!"


Falling Stars in Hourglass (Arranged Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon