Tulala at titig na titig lang ako sa kisame nang magising ako at inaalala ang napaginipan. Sa totoo lang, hindi ko alam kung panaginip ba iyon, kasi napaka-makatotohanan ng mga detalye. Natandaan ko rin yung picture na nakita ko dati sa Facebook account ko, pati na rin yung mga kinwento ni Sheena sa akin noon.
Mamaya ko na lang siguro kukumpirmahin iyon kay Gian.
Nang naisipan ko nang tumayo ay nakita ko sa side table namin ang isang tray na may lamang pagkain. Meron ding note doon at ang sabi roon ay:
"Love, tumawag ulit sa akin yung tao ko sa site kaya naman sasaglitan ko lang iyon. Pagkagising mo ay kumain ka na at babalik din agad ako. Call me if anything wrong happened to you. Okay? Take care."
Napangiti ako sa care na binibigay niya sa akin, and I know it's just natural for him to do that because he is my husband, pero, I feel like I don't deserve it. Maybe because I still can't remember and feel the love I should have for him as her wife.
I really wish that one day I will wake up and remember everything, but it's still quite impossible now.
Kinain ko na yung pagkaing hinanda niya at naisipan nang maligo. Halos kalahating araw ko nang suot itong damit kong ito and I already starting to feel so irritated and disgusted.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay agad naman na akong lumabas ng banyo. Pagkalabas ko ay nakita ko naman si Gian na kakapasok lang sa kwarto.
"Feeling better now?" he asked.
"Yes, thank you pala sa pagkain," I smiled at him.
"Anything for my wife..." then, he winked at me at nagtawanan kami.
Papalabas na siya ng kwarto nang maalala ko yung napaginipan ko, kaya naman ay pinigilan ko siya.
"Why?" sabi niya nang makalingon sa akin.
"I'm just wondering if we first met at a club. Then, that night did you also take me home?" he carefully listened to me.
"Oo... So, natandaan mo rin kung paano mo ako sinungitan noon?" sabi niya nang natatawa.
Bigla naman akong nahiya sa kanya, kasi totoo namang sinungitan ko siya noon kahit gusto niya lang naman mag-magandang loob sa akin.
"By that reaction of yours mukhang naalala mo nga rin," he said and still mocking me.
"Sorry okay? Pero first time pa lang naman kasi kitang nakilala noon, alangan naman mag-tiwala agad ako sa iyo noon!" I said defensively.
"It took you five long years to say sorry, huh?" sabi niya at pumunta sa isang maliit na study table sa kwarto namin kahit patuloy pa rin siya sa pang-aasar sa akin.
Nang humupa na ang pang-aasar niya sa akin at tuluyan nang lumabas sa kwarto ay tsaka lang ako nakapag-focus sa pagsusulat ng mga naalala ko ngayong araw doon sa notebook ko. Inayos ko na rin yung pagkakasunod ng mga pangyayari base sa mga naalala ko. This really helps me a lot para hindi ako malito sa mga nangyayari sa akin at sa mga naalala ko na.
BINABASA MO ANG
Falling Stars in Hourglass (Arranged Series #1)
RomanceAfter two years, Mira will be coming home to the Philippines. It's been two years also since she made her one of the most difficult and hurtful decisions in her life, and that is to leave the guy he loves the most. She's afraid, but she needs to fac...