Gusto ko 'man mag-reklamo at sigaw-sigawan si Gian ay pinigilan ko na lang ang sarili ko kasi alam kong hindi nanaman kami magkakaintindihan kasi bakas na bakas rin sa mukha niya ang inis, at hindi ko maintindihan kung bakAko pa nga ang dapat magalit kasi ito siyang hindi nagpapakita sa akin ta's bigla-bigla na lang ako hihilain papunta dito sa roofdeck!
Pagkarating namin dito ay tinitigan niya lang ako at ganun rin ang ginawa ko, nang hinilamos niya ang kanyang mukha gamit ang kamay niya ay hindi ko na pigilang punahin ito.
"Ano bang problema mo, ha?!" sabi ko nang medyo mataas na ang tono ng boses ko.
Tinitigan niya lang ako na para bang nahihirapan siyang sagutin ang simpleng tanong ko, kaya uulitin ko sana ang tanong ko nang bigla naman niya akong pinutol.
"Bakit ang dali-dali lang sa'yo na sagutin ang mga tanong nila tungkol sa atin na parang wala ako doon?!" medyo pasigaw niyang sabi kaya naman ay mas lalo lang kumulo ang dugo ko.
"Pasensya na ha, tinanong kasi nila ako at sa pagkakaala ko choice ko 'yun!"
I know na baka nga na-offend ko siya sa pag-sagot ko doon pero hindi naman yun ang intention ko, gusto ko lang malaman niya indirectly kung ano nga ba ang opinyon ko sa bagay na 'yun.
"Alam mo sana hindi na lang kita nakita ulit, sana hindi na lang ako sumama sa club noon para hindi ako nagkakaganito sa'yo," mas kalmado niyang sabi.
Hindi ko alam kung bakit niya sinabing 'ulit' dahil sa pagkaka-alam ko ay noong nagkita kami sa club ay 'yun ang unang beses na pagkikita namin. Napansin niya na bakas sa mukha ko ang pagtataka kaya naman ay nag-paliwanag na siya nang hindi na hinintay pa ang tanong ko.
"Nakita na kita dati sa isang formal party na dinaluhan ng family mo at ng akin. Grade ten ako noon at sa tingin ko ay Grade 9 ka pa lang noon..." panimula niya, "Simula nang makita kita noon ay hindi ko na nakalimutan 'yung mukha mo, pinigilan ko ang sarili kong magtanong tungkol sa'yo kahit pa alamin man lang pangalan mo kasi feeling ko hindi mo rin naman ako bibigyan ng atensyon kasi you're giving me off that vibe..." at mahina siyang natawa sa sinabi niya.
"Tapos nang makita kita noong gabing 'yun sa night out namin ay namangha ako kasi hindi ko inaasahan na makikita nanaman kita. Kaya inisip ko na baka ito na ang sign na kailangan kitang ipursue dahil hindi kita nalimutan at ang epekto mo sa akin ay ganoon pa rin kahit anim na taon na ang lumipas..." pagpapaliwanag niya.
Gusto kong mag-duda at isiping nag-iimbento lang siya pero natatandaan ko nga na minsan na akong naka-attend sa isang business gathering dahil sa mga magulang ko. Tapos, noong gabing nasa club kami ay pasulyap-sulyap siya sa'kin at parang amused na nakita niya ako.
"I don't know what to say..." pag-amin ko, kasi parang nag-hihintay siya ng reaksyon man lang sa'kin.
Hindi ko maibigay sa kanya 'yun kasi hindi ko pa masyadong na-aabsorb ang kinwento niya.
Natawa siya sa sinabi ko at tsaka nag-patuloy, "Hindi lang 'yun ang nagtulak sa akin para pormahan ka..." pag-amin niya na nakakuha ng atensyon ko.
BINABASA MO ANG
Falling Stars in Hourglass (Arranged Series #1)
RomansaAfter two years, Mira will be coming home to the Philippines. It's been two years also since she made her one of the most difficult and hurtful decisions in her life, and that is to leave the guy he loves the most. She's afraid, but she needs to fac...