Hindi ko na napigilan ang pagluha ko, at agad naman akong inalo ni Gian.
"Love, b-bakit may masakit ba sa'yo? Bakit ka umiiyak?" natataranta niyang tanong sa akin.
Nahirapan akong magsalita dahil sa patuloy na pag-hikbi ko kaya yumakap na lang ako sa kanya. Agad niya namang hinagod nang marahan ang likod ko para patahanin ako.
Pinilit ko namang mag-salita kahit medyo nauutal, "N-naalala ko n-na a-ang nangyari noong u-una tayong pumunta d-dito."
Kumalas sa pagkakayap si Gian nang niluwagan ko na rin ang pagkakayakap sa kanya. Nang maharap niya na ako ay pinunsan niya ang mga takas na luha sa aking mga pisngi.
"Bakit ka umiiyak? It's a happy memory, right?" marahan naman niyang sabi sa akin.
Pinilit ko nang pakalmahin ang sarili ko sa pag-iyak para masagot siya nang maayos.
"I'm so frustrated..." I paused to wipe my tears, "Nakakainis lang kasi na lahat na lang ng una ko sayo ay 'di ko man lang matandaan. Napaka-unfair!"
Napaluha nanaman ako sa sobrang inis. Bakit ba kasi ako nagkaganito? Bakit ba lahat ng mga magagandang alaala ko ay nawala at hinihintay ang walang kasigaruduhan na pagbabalik ng mga ito!
Gian held my hand and he slightly brushed his fingers at the back of my hand while holding it. I don't know how but it makes me calm and safe.
"It's fine... we can make new memories together," he calmly said.
Tumango na lang ako at niyakap na lang siya para maipadama ko sa kanya kung gaano ako kasaya na siya ang taong mahal ko at minamahal ako.
Hindi na rin kami nagtagal pa sa lugar na iyon dahil gabing-gabi na rin at may pasok pa kami bukas.
Habang nasa byahe pauwi ay nakikinig naman kami sa radyo sa loob ng kotse.
"... nasa signal no. 2 ang probinsya ng Palawan at inaabisuhan na hindi maganda ang panahon para pumalaot ang mga mangingisda. Iyan ay ayon sa resident astronologist ng PAG-ASA na si Mr. Del Rosario. Sinuspende naman ang klase sa mga..."
"May bagyo pala sa Palawan, sayang naman..." sinabi ko iyon na para bang kausap ko lang ang sarili ko.
Sumulyap naman sa akin si Gian at hinawakan ang kaliwang kamay ko at ang isang kamay naman niya ang ginagamit niya sa pamamaneho.
"Hmm? Bakit may balak ka bang pumunta d'on?" tanong niya at binalik na ulit ang tuon sa kalsada.
Tumango ako, "Yes, yayain sana kita na bumalik ulit tayo sa Palawan this coming Saturday... pero siguro sa susunod na lang kapag wala na yung bagyo."
"Bakit parang biglaan naman?" tanong ulit ni Gian pero ang mga mata ay nasa kalsada pa rin.
BINABASA MO ANG
Falling Stars in Hourglass (Arranged Series #1)
عاطفيةAfter two years, Mira will be coming home to the Philippines. It's been two years also since she made her one of the most difficult and hurtful decisions in her life, and that is to leave the guy he loves the most. She's afraid, but she needs to fac...