Prologue: Tragic Fate

2.1K 51 4
                                    

"Eternity, so understood, is not an extension of time, not even an indefinite time. It is, rather, a vertical dimension cutting through time at each of its moments."
Erazim V. Kohák, The Embers and the Stars

Sarah's POV

"I need you to come home ASAP!" sigaw sa kanya mula sa kabilang linya. Ano na naman ba to kaaga aga eh yun agad ang bungad sa akin ni daddy? Tahimik lang ako at masayang ineenjoy ang napakaganda kong view ngayong umaga.

"I'm sorry, anak." rinig kong sabi ng daddy, napukaw naman ako na may kausap pala ako sa telepono.

"It's okay dad, naiintindihan ko po kayo. I know we need this for our expansion. I will get this done when I get home. Just let me enjoy this vacation. I love you dad, send my love to momma." sagot ko naman sa kanya.
"Etong daddy ko talaga halatang tumatanda na, puro init na ng ulo ang pinapairal. hahaha" dagdag ko na medyo pabulong.

Tumawa siya ng malakas na tila joke yung sinabi ko, "Naku! Ikaw talagang bata ka, kung hindi lang kita baby ay malilintikan ka talaga sakin. Anyway, take care anak, mag-uwi ka ng boyfriend ha! hahaha. " Nangaasar niyang bilin, "Daddy!!!Grrr!" sigaw ko sabay pagputol ng tawag.

Ewan ko ba kasi bakit pilit pilit akong pinagboboyfriend eh alam naman nilang sobrang hirap ng situation ko. "Hay Buhay!!!" sigaw ng isipan sabay bagsak sa higaan.

Bigla akong nadrain sa sinabi ni daddy, masakit parin pala kahit matagal mo ng tinanggap na tapos na ang lahat. "Hoy Madam! Madamdamin! Tigil tigilan mo ko jan! Ang ganda ng lugar para sayangin mo kakalinger mo sa past. Di na uso ang move on gurl?" sermon ng utak ko.

Ou nga naman! Hindi ako nandito para magreminiscing, andito ako para magcelebrate at magrelax. Napanalonan lang naman kasi ng company namin ang government bidding para magrant kami to be the third major telecommunications provider in the Philippines.

And the perfect treat for myself, is a holiday on the private island of Song Saa Resort. Eto lang yung gusto kong buhay, tahimik, malayo sa magulo at maingay na totoo kung buhay. I can't help but to wish na sana ganito nalang lahat, yung isang pikit mo lang, eh andun na ung feeling of tranquility. Just being there, under the sun and listening to morning bird's lovely songs.
.
.
.
"Wake up beautiful, we will be late to the party tonight..." He said in his deep sexy voice, his eyes glinting under the moonlight as he trailed small kisses on my cheeks. "... I love you mi Corazon, my one and only, my Sarah."

I forced my eyes to open as I sat up on the bed. I looked around the place to make sure na nasa Cambodia parin ako at hindi sa lugar na yun. "Anong panaginip yun?" tanong ko sa sarili ko. Di ko maiwasang ihilamos ang kamay ko sa aking mukha. Bad dreams lang yun! It's just a bad dream! I thought to myself.

Hindi ko namalayan unti-unti na palang pumapatak ang mga luha ko. Ayaw ko ng maalala ang mga pait ng kahapon na pilit kong inilibing sa nakaraan.

Ayaw ko ng matulog ulit, takot ko lang na baka mapanaginipan ko na naman siya at ang aming nakaraan, kaya mas pinili kong lumabas ng aking villa at pumunta sa resto upang maglibang ng konti. Masaya pag gabi sa isla, buhay na buhay ito, may konting tugtugan at sayawan. May stage, banda at orchestra sila doon, nasa choice mo nalang kong ano ang gusto mong mag accompany sayo pag gusto mong kumanta.

Ako naman andito lang sa tabi, pa wine wine lang, may dinadamdam kasi si ate mo gurl, masakit parin pala. At yung mga kantahan pa nila dito ambigat, may I can't find my words to say goodbye, Until I fall in Love again, at If ever you're in my arms again.

Akala ko wala ng mas lala pa sa mga kantahan nila eh. Tapos na ata ang mga oldies but goodies na mga kanta kasi mga medyo bata bata na ang mga kumakanta. Akma na akong tatayo, ng pigilan ako ng sobrang lungkot na boses.
[Plays When You're Gone]

Her Eyes Bedevil...(ON HOLD)Where stories live. Discover now