Fierrha Lourice
A beautiful dress for a gorgeous lady like you.
~Your husband
Agad na gumuhit ang isang munting ngiti sa mga labi dahil sa letter na nakita ko sa ibabaw ng kama. Nakapatong 'yon sa isang itim na kahon na may naka-print na pangalan ng isang kilalang brand.
Isang buong araw ko syang hindi pinasin at pagdating ko nga dito sa kwarto namin ay ito ang bumungad sa akin. Para tuloy nawalang bigla ang pagkainis ko sa kanya.
Agad akong pumasok sa banyo at nag-shower. I blow dry my hair at tsaka ko iyon tinuwid at kibulot ang dulong parte. Nagpulbo lang ako at tsaka naglagay ng lipstick. Isinuot ko ang damit at natuwa naman ako dahil it fits perfectly.
Nag-spray pa ako ng paborito kong pabango bago umalis sa kwarto. Pagbaba ko ay may naghihintay sa akin.
“Tara na po señorita, naghihintay na po si señorito” Sabi nung driver
Habang nasa byahe ay kung ano-ano na ang pumapasok sa isip ko. Tulad nalang ng, kung anong gagawin nya pagkakita nya sa akin. Aabutan nya ba ako ng bulaklak o ano?
High expectations filled my whole system. Para akong lumulutang sa ere.
Once the car stopped, I already know na nasa venue na kami.
“Sige po señorita, maiwan ko na po kayo. Naghihintay na po dyaan ang señorito”
Mabilis na umalis ang driver pagkababa ko ng sasakyan.
Bumungad sa'kin ang isang napakagandang hardin na punong-puno ng mga naggagandahang mga halaman at bulaklak. Para lang akong naglalakad sa paraiso. May pathway pa at sa gilid non ay may mga lampara na nagbibigay liwanag sa daan. Maging sa paligid ay may nagkalat na lantern. Nakasabit ang mga ito na nagsisilbing ilaw ng munting paraiso na kinaroroonan ko.
Halo-halong kaba at tuwa ang nararamdaman ko. Napunta ako sa isang gazebo. May mga lampara ring nakapaligid doon. Sa gitna ng gazebo ay may nakapwestong isang lamesa at dalawang magkaharapang upuan. May waiter pa na nakatayo sa gilid.
Pero may hindi nahagilap ang mga mata ko. Nasaan si Ryker?
“Ma'am kayo po ba si Mrs. Sebastian?” Napalingon ako sa waiter.
“Oo, ako nga” Inalalayan ako nito na umupo habang takang-taka pa rin ako kung nasaan si Ryker.
“Nag-excuse lang po si Mr. Sebastian kanina. Baka po nag-cr lang yon”
Agad naman akong napalagay dahil sa sinabi ng waiter. Hay na'ko, kinabahan talaga ako don.
Napatingin naman ako sa langit. Andilim ngayon. Walang mga stars. Mukang uulan pa yata.
Maya-maya pa ay nakita ko ang isa pang unipermadong waiter na bumulong sa kasamahan nyang waiter. Mukang may pinagtatalunan ang dalawa.
Naglalakad ang dalawa habang papalapit sa pwesto ko. Halatang halata ang kaba sa kanilang mukha.
“Mrs. S—Sebastian" Nautal pa ang isa sa pagtawag sa pangalan ko.
“Yes? Is there any problem?”
Agad namang lumapit ang isa sa akin at may inabot na cellphone sa akin... Cellphone ni Ryker.
“Dali-dali po kasing umalis si Mr. Sebastian at naiwan nya iyan” Parang natatakot na sabi ng waiter.
BINABASA MO ANG
The Substitute Bride
General FictionBride Series #1 Ryker Drake Sebastian has been in love with Farrah Louisse Tan since then kaya naman agad syang pumayag nang malaman nyang ipinagkasundo silang dalawa ng kanilang mga magulang. A fixed marriage in the 21st century. Everything is per...