Chapter 21

1.5K 46 8
                                    


Fierrha Lourice

" D*mn this headache!" My head hurts like hell. Napakapit ako sa pader ng opisina ko. Sh*t! Lalagnatin pa yata ako.

Sinubukan kong humakbang papunta sa sofa dito sa loob ng opisina. Unti-unti akong humakbang palapit doon. Panghuling hakbang ko na dapat pero pakiramdam ko ay biglang umikot ang paligid ko. Para akong sumakay ng ilang ulit sa space shuttle, isang rides sa EK.

And the next thing I know, darkness consumed my whole system.

NAGISING ako at isang puting ceiling ang bumungad sa akin. White ceiling, white walls and the smell of alcohol. I know that I'm in the hospital. I heard the door opened. Pagtingin ko ay nakita ko ang isang staff ko mula sa restaurant.

"Salamat sa Diyos at gising na po kayo. Dalawang oras na po kayong tulog ma'am. Gustuhin ko man pong samahan kayo dito hanggang gabi ay hindi po pwede. May pamilya pong naghihintay sa aking pag-uwi. Tinawagan ko na po si Sir kaso hindi po sumasagot. Tinawagan ko na rin po yung secretary nya at sinabi ko pong sabihin kay Sir na nasa ospital kayo" I nod at her. Hinayaan ko syang umuwi sa pamilya nya. I also thanked her.

I saw my bag beside me. I get my cellphone from it. 6:30 pm, that's the time. Wala pang dumadating na doktor o nurse. Minutes later, I heard the door opened again. Napadako ang tingin ko doon. My chest hammered. Just thinking that Ryker came, nagwawala na ang puso ko.

May ngiting nakapaskil sa mga labi ko nang tumingin ako sa pintuan. Pero ang ngiti ko ay biglang napawi. "S-Strike? What are you doing here?" I asked him with a creased on my forehead. He also seems shock.

"Oops. Wrong room. I'm sorry Fierrah Lourice. I thought this is my friend's room" I just smiled at him. Aalis na sana sya pero biglang tumunog ang cellphone nya. I heard him alking to the other line. Pagkatapos ng tawag ay bumaling sya sa akin. "Looks like I'm late, nakalabas na pala ang kaibigan ko. By the way, kumain ka na ba? I bought foods for my friend but he just called and said that he's already in their home"

Napatingin ako sa mga supot na dala nya. Biglang kumalam ang sikmura ko. Malapit na palang mag ala siete pero hindi pa ako kumakain. Napansin yata ni Strike ang tingin ko sa mga supot na bitbit nya. Mukang naintindihan naman nya ang kilos ko. Pumasok sya sa hospital room ko at tsaka isinara ang pinto. Isa-isa nyang inihain ang mga dala nyang pagkain.

"Why are you here in the hospital? Are you sick?" He asked me with full of curiosity.

Napaisip naman ako kung bakit nga ba ako nandito sa ospital. My employee didn't tell me the reason why I passed out. "Actually hindi ko rin alam eh. Maybe I'm just exhausted and stress from work. Something came up kasi eh" Isang linggo na kasi mahigit mula noong bumalik ang kapatid ko. Simula non ay bihira na kaming magkita ni Ryker. Little by little, he's being cold again. And little by little, it feels like he's drifting away...from me.

Strike just nod. A sign that he understands. Suddenly, someone came in. A girl in her mid forties wearing a white coat. She has this bright smile plastered on her face.

"Good evening Mr. and Mrs. Sebastian" Agad akong napangiwi sa sinabi ng doktor.

"Doc, he's not my husband. He's just a friend" I informed the doctor. Medyo parang nahihiya itong ngumiti.

"Oh, is that so? I'm sorry, my bad. Back to the topic, I'm here to inform you about your condition. Mrs. Sebastian, please don't do extraneous activities. You're suffering from over fatigue. Also, you mustn't stress yourself, it can harm you. Aside from that, I want to congratulate you. You're 6 weeks pregnant, Mrs. Sebastian. The first trimester is the very sensitive part of pregnancy. Mahina rin ang kapit ng bata. Please take care of yourself and the baby" Pareho kaming napatigil ni Strike. Napahaplos ako sa tiyan kong wala pang umbok.

Oh gosh! I'm going to be a mother!

Is this real? Napuno ng kasiyahan ang puso ko pero agad ding napalitan ng pangamba.

Si Ryker kaya? Magiging masaya kaya sya 'pag nalaman ang kondisyon ko?




A/N: Comment down your thoughts about the story. Your words encourage me a lot to continue writing ❣️



The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon