Chapter 6

2.1K 105 4
                                    

Fierrha Lourice

Iniwan ko doon ang asawa ko at ang babae nya sa restaurant ko. Tsk! Nakakairita! Umuwi na lang ako sa bahay dahil nawalan na ako ng gana. Nakaka-bad vibes.

Pagpasok ko ng bahay ay napatulala nalang ako sa pader habang nakaupo sa couch. So ganon na pala ang taste nya ngayon? Yung mga mukang bastusin at walang modo. Bakit parang bumaba?

War freak pala ang gusto ng pinakamamahal kong asawa. Hay nako, wala akong ibang nagawa kundi ang mapairap sa hangin. Gold digger naman pala ang hanap ni Sebastian!

For sure, what happened awhile ago would be the tabloid's heading tommorow. Tsk. Not a good start for a business.

Oh gosh, stress is not good for me.

Nagpahinga muna ako ng sandali bago tuluyang umakyat sa kwarto ko. As I reached my room, I put down my bag on the coffee table and I walk towards the bathtub. Tinimpla ko muna sa tamang temperature ang tubig sa bathtub. I immediately undress myself then I soak into the water.

Ahh..Relaxing. Agad kong kinuha ang yoghurt plus milk kong shower scrub at ang sakura plus cherry na liquid soap ko. Hinayaan kong mababad ng spa salt scrub ang balat ko hanggang sa kusa itong natunaw. Agad kong isinunod na ilagay sa aking katawan ang liquid soap. I let it stay on my body for about three minutes bago ako nagbanlaw.

Feels so refreshing!

I glanced on my wall clock and found out that it's already 7:30 P.M. Kailangan ko pa palang magluto!

Mabilis akong nagbihis ng isang pares ng silk nighties. Spaghetti camisole top at super short cotton shorts na kulay pula ang nahagilap ko sa aking closet na syang lalong nagpatingkad sa aking kaputian.

I get down and started cooking. 8:00 P.M and Ryker isn't home yet. Tss. Baka doon magpapalipas ng gabi sa piling ng kabit nya.

Mabilis akong kumain at tsaka nagtungo sa entertainment room.











Naalimpungatan ako nang maramdaman ko na parang nakalutang ako. Agad kong minulat ang mga mata ko at nakita kong nasa mga bisig ako ng isang tao.

“R—Ryker?” Di makapaniwalang sabi ko. Is this true? Ryker is carrying me bridal style while going up the stairs. Wait, nananaginip pa yata ako?!

Sinubukan kong sampalin ng dalawang beses ang sarili sa pag-asang ako'y magigising.

Ouch” Daing ko sa sarili kong sampal. O to the M to the G! This is not a dream?!

“Why are you hurting yourself?” Nanlalaki ang aking mga mata nang balingan ko sya. Seryoso ang ekspresyon nya at magkasalubong ang dalawang kilay nya na tama lamang ang kapal.

“Are you crazy woman?” Dinig ko pang tanong nya. Hindi pa rin ako makapaniwala. Baka mamaya ginogoyo lang ako ng panaginip ko, mag-assume pa ko!

Muli ko syang tiningnan. Kahit man lang sa panaginip ay malaya ko syang mapagmasdan. “Tang *na nananaginip pa yata ako” Nasabi ko nalang nang makita ko syang ngumiti. Yung ngiting hindi pilit. Yung ngiti na may halo talagang saya at sinseridad.

“You're really crazy” He commented then followed by his manly chuckle.

I placed the back of my hand to his forehead then to his neck.
“Di ka naman nailalagnat. Yung totoo, naengkanto ka ba? Bakit parang sinapian ka ng kabaitan ngayon? Ibaba mo na nga ako kaya ko naman maglakad” Pilit akong nagpupumiglas mula sa braso nya. Baka mamaya lagnatin pa tong isang to sa pagbuhat sakin.

Sa aking pagpupumiglas ay napansin ko  na para bang mas inilapit nya ako sa katawan nya. Oops, wait, baka nag-aassume lang ako.

“Can you please let me go mister?” Napipikon nako nang bumaling sa kanya dahil hindi ako makawala sa mga bisig nya.

“No. I won't. Never MisisHe said while directly looking into my eyes. An emotion that I cannot name crossed his eyes.

Really? You cannot name? Baka ayaw mo lang talagang pangalanan...The back of my mind said.

“Ryker, isa...” Binigyan ko pa ito ng masamang tingin.

“Dalawa...You're not the only who can count in Filipino, babe” Nakangising sabi nito na lalong nakadagdag sa inis ko. Ay teka, what did he called me? Babe?! Yuck!

“Don't call me babe, I'm not a pig” Pagalit kong sabi at inirapan ko pa sya.

“Don't roll your eyes at me, woman!” Parang naiinis na saad nya pero binalewala ko lang.

Nagpumiglas ako ng nagpumiglas dahil sa inis.

“If I were you, I'll stop what I am doing right now” He dangerously said.

His expression darken. Natatakot man ay sinalubong ko pa rin ang matatalim at nakakatakot nyang tingin.

“Sabi nga kasing ayoko na. Let me go! Bitaw na!” Pinaghahampas ko sya hanggang sa tumigil sya sa paglalakad.

He put me down. Akala ko ay nagtagumpay na ako pero hindi pala....

He snaked his arms around my waist then he pulled me closer to him. Amoy na amoy ko ang manly scent nya. He dip down his head and the next thing I felt, his lips is already crashing to mine.

Patuloy na naglaban ang mga labi namin hanggang sa pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng hininga.

Sya ang bahagyang lumayo. Pinagdikit nya ang mga noo namin habang ang isang kamay nya ay nakahawak sa may pisngi ko at ang isa pa ay nakapaikot sa bewang ko.

“I won't let you go. Not now, not later. Never.” Puno ng diin na sabi nya.




A/N: Hi! Kindly leave a star if you like this story!

Sharing is caring. Kindly share this to others.

Leave some words of encouragement 😉

Tbc...

For more stories, check out my profile.

DarkSelenophile

The Substitute BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon