Prologue

464 19 3
                                    

"Bakit mo naman ginawa 'yon?" bungad ko kay Jolens. "Ang arte kasi ng babaeng 'yon eh mas maganda pa nga ako sa kanya!" pagtataray niya. "Saka, ano ba yung sinabi mo na ako'ng mapapangasawa mo? 'Wag ka nang umasa at nakababatang kapatid, este kaaway lang ang turing ko sa 'yo!" nakangiting sabi ko sa kaniya. "Medyo na-hurt mo ang feelings ko, Oppa! Si Nanay ang may kasalanan kaya ako nagkagusto sa 'yo. Sinadya niya na Jolina ipangalan sa akin para maging balae niya si Aling Mila. Pero ayos lang sa akin kahit ilang ulit mo akong ma-sisterzoned, este frenemy-zoned!" paglalambing ni Jolens. "Bakit ka nga pala napadaan dito?" usisa ko sa kaniya. "Hmmmnnn... Yung lider kasi ng gang namin gusto ka raw makilala. Ipapakilala ko siya sa 'yo mamaya. Pwede ba?" nahihiyang sambit niya. "Naku po! Alam mo naman na wala akong time sa mga ganyan. 'Yan lang pala ang sinadya mo. Hindi mo ako mapipilit d'yan at hinding-hindi ako nakikipagkaibigan sa bad girl na gaya mo!" natatawang tugon ko sa kaniya. "Ay, grabe sya oh! Bad girl bad girl ka d'yan tapos kapag nakita mo si Master Zendee eh baka magpasalamat ka pa sa akin dahil bukod sa astig 'yon, maganda pa!" nakangising wika ni Jolens. "Ano nga ulit ang name ng gang ninyo?" tanong ko. "Vixens ang tawag sa grupo namin at ang motto namin ay 'We're awesome all day, we slay all day!' Napaka-cool 'di ba?" pagyayabang ni Jolens. "Slay all day pa kayong nalalaman. For sure, si Ate Melba nag-isip ng motto na 'yan. Sobrang baduy!" biro ko. "Nababaduyan ka sa amin eh childhood crush mo nga yung dating lider namin!" pang-aasar ni Jolens. "Si Polyanna Grace, este Pogs ba? Eh mas siga pa nga sa akin 'yon. Saka, hindi ko type ang pananamit niya na hindi ko mawari kung jejemon ba, gangster, K-pop o swag!" paliwanag ko. "Ang dami mo namang sinabi. Napaka-defensive mo talaga!" nakangising sabi ni Jolens sabay batok sa akin. Umalis na rin siya at nagtungo sa tindahan nila ng prutas. "Sino kaya yung Master Zendee na sinasabi niya?" tanong ko sa sarili ko.

Patikim pa lang 'yan...

Si Marvin Roxas ay isang lalaki na mataas ang pangarap sa buhay. Gusto niya lang naman ng tahimik na buhay dahil nakatuon lamang ang atensyon niya sa kaniyang mga ambisyon. Hindi niya inasahan na magiging adviser siya ng isang gang na kung tawagin ay VIXENS. Ang nasabing gang ay binubuo ng mga pasaway na miyembro na sina Zendee, Melba, Pogs at Jolens. Ang VIXENS, kasama na si Marvin, ay may tatapusing mga misyon na tutulong sa kanila upang makalaya sa kahon ng kalungkutan.

The Four Bad Girls and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon