"Tandang Melba, Boss Marvin, bumunot na kayo ng mga misyon sa mahiwagang box!" sigaw ni Jolens na hawak ang misteryosong kahon habang papasok sa bahay namin. Kasama niya sina Zendee at Pogs na may mga dalang maleta. "Oh, saan naman ang punta n'yo, aber?" usisa ni Ate Melba sa tatlo. "Gagawin lang namin ang extraordinary missions namin!" mabilis na tugon ni Pogs. "Ano naman yung mga misyon n'yo?" tanong ko. "Sikretong malupet!" sabay-sabay na sagot ng tatlo bago nagtawanan. "Pwede na palang ilihim ang misyon! Madadaya kayo!" paninita ko sa kanila. "Hindi lihim ang isang misyon kung alam din ng ibang miyembro!" nakangiting wika ni Zendee. "Eh kung ganun pala, ayawan na! Kayong tatlo na lang ang tumapos ng iba pang misyon!" malakas na sabi ko. "Hindi pwede dahil may rason kung bakit kasali ka dito!" mahinahong sabi naman ni Pogs. Nanahimik lang ako dahil alam ko naman na sa bandang huli ay makikisakay lang ako sa apat na babaeng gumulo sa tahimik kong mundo.
"Limang araw kaming mawawala kaya't limang misyon na ang binunot namin!" wika ni Zendee. "Para maging patas, bumunot na rin kayo ng lima ni Boss Marvin at bahala na kayo sa pagkakasunud-sunod ng misyon!" baling ni Pogs kay Ate Melba. Bumunot na nga ang ate ko. "Maging matapang. Maging malakas. Maging matatag. Magalit kung kinakailangan. Protektahan ang pamilya. Hahaha... Mukhang madadali na naman ang nadali ko!" maangas na sabi ni Ate Melba matapos makabunot. "It's your turn!" nakangiting sambit sa akin ni Jolens. "Magmahal nang tunay. Magpatawad nang bukal sa puso. Maging madasalin. Maging mabuting tao. Kalimutan ang sugat ng nakaraan. Grabe, mukhang para sa inyo ang first four missions na nabunot ko! Tapos, yung panghuli, usapang past na naman! Bakit ba lagi akong natatapat sa mahihirap na misyon?!" wika ko na medyo disappointed sa mga nabunot. "Ayaw mo siguro ng History kaya ka nahihirapan! Masarap kayang balikan ang nakaraan!" nakangiting wika ni Pogs. "Sinasadya n'yo ba 'to?!" paninita ko sa kanila. "Hindi!" tugon ng four bad girls. "Eh bakit lahat ng nabubunot ko ay may kinalaman sa mapait kong nakaraan!" naiinis kong sabi. "Kung alam mo lang..." hindi na natapos ni Zendee ang gusto niyang sabihin. "Sige, tapusin na natin ang mga misyon na nasa box!" nakangiting sambit ko kahit mukha namang napipilitan. "Pangako, malalaman mo ang lahat kapag natapos na natin ang mga misyon na nasa kahon!" seryosong sabi ni Zendee. "Basta, sinasakyan ko lang kayo sa lahat ng trip ninyo!" tugon ko kay Zendee pero sa totoo lang ay masaya ako sa mga ginagawa naming misyon. "Sige, mauna na kami!" sabay na sabi nina Pogs at Jolens. "Mag-iingat kayo!" sabay naman na sabi namin ni Ate Melba. "Boss Marvin, alagaan mo ang sarili mo! Mami-miss kita nang sobra!" wika ni Zendee sabay kindat sa akin. "Luh, may pakindat-kindat ka pa! Pumunta na nga kayo sa pupuntahan ninyo!" kunwaring naiiritang tugon ko kay Zendee. Hindi ko na naialis ang atensyon ko sa paalis na si Zendee. Hindi ko alam kung bakit gusto ko siyang pigilan. "Bahala na siya! Matanda na siya!" mahinang sabi ko na medyo narinig pala ni Ate Melba. "May sinasabi ka ba, Marvin?" tanong ng ate ko. "Wala naman, Ate. May nakita lang ako na langgam na inaasukal!" mabilis kong sagot. "Litang ka na nga! May langgam bang inaasukal? Don't be crazy!" nakangising sabi ni Ate Melba. Napakamot na lang ako ng ulo.
Sa kwarto ko naman ay nilapitan ako ng kapatid kong si Dranreb. "Oppa, susunduin na raw po ako ni Nanay Teresa mamaya!" malungkot na sabi ng binatilyo. "Bakit ka nalulungkot? Hindi naman kami mawawala sa buhay mo!" nakangiting paalala ko sa kaniya. "Pero nakakalungkot pa ring umalis kasi napamahal na ako sa inyo!" mahinahong sambit ni Dranreb. "Susulat naman kami sa 'yo o kaya naman ay dadalaw kapag may pagkakataon!" wika ko habang tinatapik ang balikat niya. "Maski na!" nakasimangot na sabi niya. "You know what? Kahit gaano kahirap ang sitwasyon, kailangan mong ituloy ang buhay mo!" payo ko sa kaniya. "Laban lang!" maikli ngunit positibong sagot ni Dranreb. "O s'ya, magpahinga ka na muna at baka mapagod ka sa byahe mamaya!" utos ko sa kaniya. "Sige po!" mabilis niyang tugon.
"Ilabas ninyo ang anak ko!" sigaw ng lalaking nasa labas ng bahay namin. Dali-dali akong lumabas upang maunawaan ang nangyayari. Nabigla ako sa nakita ko. Hindi ko inakala na bigla na lang mapapadpad sa amin ang taong matagal nang hindi nagpakita sa akin. "Tatay?!" tanging nasabi ko kasabay ng pagtulo ng luha sa mga mata ko. "Tatay! Kami 'to, ang mga anak mo!" sigaw naman ni Ate Melba. "Hindi kayo ang pakay ko! Nasaan ang isa ko pang anak?!" galit na turan ni Tatay Bernard. "Ngayon lang po kayo nagpakita tapos gaganyanin n'yo lang ang mga kapatid ko! Ang mabuti pa po ay umalis na lang kayo!" wika ng papalapit na si Kuya Marco na halatang itinatago ang emosyon. Halos magambala na ang mga kapitbahay namin dahil sa mga sigaw ni Tatay. "Thirteen years ko nang hinahanap ang anak kong si Dranreb. At may nakapagsabi sa akin na nandito lang siya sa inyo!" malakas na sabi ni Tatay Bernard.
BINABASA MO ANG
The Four Bad Girls and Me
Romance"Hindi mo kailangang gawin 'yon. Oo, mataas ang pangarap ko para sa sarili ko. Ayoko kasing dumating ang araw na buong pamilya na kaming naghihirap. Kaya ang sabi ko, aabutin ko lahat ng pangarap ko hangga't kaya ko. Pero, Zendee, hindi mo naman kai...