Chapter 10: The Bucket List and Me

70 7 5
                                    

"Bakit nakasimangot ka d'yan?" tanong sa akin ni Jolens habang nagtitinda kami sa palengke. "Kanina kasi sa bahay, may ipinakilalang lalake si Zendee!" biglaang sagot ko. "Eh ano naman sa 'yo? Hindi naman kayo ni Zendee! Isa pa, kababata niya si Dennis Laurel. 'Wag ka ngang OA d'yan!" nakangising wika ni Jolens. "Natawa naman ako sa pangalan niya, pang-celebrity!" nakangiting sambit ko. "Basta, ang mahalaga importante!" pilosopong tugon ni Jolens. "Kanina, nagdadalawang-isip ako kung magbabantay ako dito sa pwesto dahil ayoko sanang iwanan sa bahay sina Ate Melba at Clyde. Pero nang matunugan kong andito sina Zendee at Dennis ay nagpresinta na akong samahan dito si Nanay!" pahayag ko. "Tinamaan ka na siguro kay Zendee, noh?!" masayang wika ni Jolens. "Siguro nga!" malungkot na pag-amin ko sa dalaga. Biglang tumawa si Jolens kaya't napatingin ako sa kaniya nang masama. "Anong nakakatawa?" tanong ko sa kaniya. "Sa lahat kasi ng inlove, ikaw lang yata ang malungkot eh!" biro ni Jolens. "Syempre, sino ba naman ang hindi malulungkot sa sitwasyon ko ngayon? Eh biglang may umeksena!" nakasimangot kong wika. Natawa na naman si Jolens. "Kasi naman noon, pa-ayaw-ayaw ka pa kay Zendee. Yun pala mai-inlove ka rin sa kanya!" pang-aasar niya. "Eh malay ko ba naman kasi na mai-inlove ako sa kanya!" pagkairita ko. "Sus! So, ano ang problema mo ngayon? Inlove ka sa kanya pero may kasama na siyang iba? Yun ba yung problema mo?" usisa ni Jolens. "Nung nasa Tilapayong kasi tayo, may nasabi akong masasakit kay Zendee. Sinabi ko na natatakot ako na mapupunta sa wala ang relasyon namin kapag naging kami!" paliwanag ko. "Ano?!" hindi makapaniwalang reaksyon ni Jolens. Nanlaki pa ang mga mata niya dahil sa kuwento ko. "OMG!" iiling-iling na sambit niya. Saglit na namayani ang katahimikan. "Bakit hindi mo sa kanya aminin na gusto mo na rin siya?" muling tanong ni Jolens. "Yun na nga ang problema ko!" mabilis kong sagot. "Anong problema dun? Wala naman, 'di ba? Mahal ka niya tapos ikaw mahal mo na rin siya!" seryosong pahayag ni Jolens. "Natatakot akong aminin sa kanya kasi baka hindi na niya ako mahal, I mean, baka sa mga taong lumipas ay mapunta na sa iba ang feelings niya!" malungkot kong tugon. "Saka, umeksena pa ang childhood friend niya!" dagdag ko pa. "Nagseselos ka?" usisa ni Jolens. "Oo, saka feeling ko may something sa kanilang dalawa eh!" sambit ko. "Hay naku! Sakalin kaya kita d'yan!" gigil na gigil na sabi niya. "Jolens, anong gagawin ko?" tanong ko sa kaniya. "Ewan ko! Aminin mo na lang kay Zendee!" malakas na sabi niya. "Natatakot nga ako!" sambit ko habang sinesenyasan si Jolens na hinaan ang boses. "Akala ko lampa ka lang, duwag ka rin pala! Kung hindi ka kikilos, sino pa?! Mahilig ka palang maglaro ng taguan!" pagkairita ni Jolens. "Taguan?" pagtataka ko. "Taguan ng feelings!" mabilis niyang tugon. "Hindi ko talaga alam ang gagawin ko!" malungkot kong sabi. "Oppa, ito na lang ang isipin mo. Kung hindi ka niya mahal, hindi siya aamin sa 'yo!" pahayag ni Jolens. "Eh baka naman kaya niya sinabing gusto niya ako ay dahil naawa siya sa akin, at naisip niya na tulungan akong maka-move on kay Claudine. Baka wala rin siyang mapagtripan na gawin!" pahayag ko. "You know what? Ewan ko sa 'yo! Ang dami mong what ifs, pinapahirapan mo lang ang sarili mo!" nakataas ang kilay na sabi ni Jolens kaya napabuntong-hininga na lang ako.

Nang pumalit sa akin si Kuya Marco sa pagbabantay ng pwesto namin sa palengke ay agad na akong umuwi. Nagdesisyon kasi ang Vixens na gawin sa bahay namin ang mga nabunot naming misyon. Nagbabakasakali rin ako na nandoon na sa amin sina Zendee at Dennis. "Hindi ako papayag na makapag-solo silang dalawa ngayon. Mahirap na, dapat bantayan ko si Zendee!" sabi ko sa isip. Pagdating na pagdating ko sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto ni Ate Melba para tingnan kung nandoon na ang four bad girls at si Dennis. Kakatok sana ako nang mapansin kong medyo nakabukas ang pinto ng kwarto ni Ate kaya naman sumilip ako. Bigla akong namutla at napako ako sa kinatatayuan ko dahil sa nasaksihan ko. Magkayakap sina Zendee at Dennis. Nanikip bigla ang dibdib ko. Gusto kong umiyak pero pinigilan ko na lang. Dahan-dahan akong lumayo at dumiretso sa kwarto ko. Pagdating ko sa kwarto ko ay hindi ko napigilan ang mga luha ko. Nag-unahan nang tumulo ang mga ito. "Sabi ko na eh. Hindi na ako mahal ni Zendee o baka hindi naman talaga niya ako mahal at joke lang yung sinabi niya. Buti na lang talaga hindi ko pa naamin sa kanya ang nararamdaman ko kundi napahiya pa ako! Hindi ko alam kung bakit ang malas-malas ko sa lovelife! Magkayakap lang naman sila. Wala naman silang ibang ginagawa. Bakit ganito ako maka-react? Ang tanong lang ngayon is bakit sila magkayakap? Ewan! Mas lalong sumasakit ang ulo ko kakaisip at pati na rin ang puso ko. Kausapin ko na kaya si Zendee para magkalinawan na kami at para naman hindi kung anu-ano na lang ang naiisip ko. Mas pinapahirapan ko lang ang sarili ko. Luh! Basta, kailangan na talaga naming mag-usap. Wala na akong pakialam kung mapahiya man ako!" sunud-sunod na bulong ko sa sarili ko.

The Four Bad Girls and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon