Inihanda na naman ng four bad girls ang misteryosong kahon para bumunot ng mga misyon nila. Dalawampung misyon na ang natapos nila. Hindi ko inasahan na kasali na rin ako sa kailangang makagawa ng mga misyon doon. Ewan ko ba pero nakisakay na naman ako sa trip nila. "Ang misyon ko ay maghanap ng glass house!" nakakunot-noong wika ni Zendee matapos bumunot. Sunud-sunod na ring bumunot ang tatlo. "Matulog sa papag, 'yan ang misyon ko! Ang dali naman nito! Buti na lang hindi ako kasing-arte ni Pogs!" malakas na sabi ni Jolens. "Samahang kumain ang hindi kakilala!" sambit ni Ate Melba. "Yakapin nang mahigpit ang magulang?!" pagtataka ni Pogs. "Ikaw naman!" sabay-sabay na utos nila sa akin. Bumunot naman ako. "Magbakasyon sa liblib na lugar?!" nakasimangot kong wika habang nakatingin sa four bad girls. Nung una ay ayoko pang ipakita ang nabunot ko sa kahon. Nakakainis kasi. "Nice one, Brother! Syempre, sama-sama tayo d'yan kasi kahit papaano related ang mga nabunot natin!" nakangiting sambit ni Ate Melba. "Masaya ka pa talaga, Ate? As if naman papayagan ako ni Nanay!" naiirita kong sabi. "May papalit muna sa 'yo!" mabilis niyang sagot. "Sino naman?" tanong ko. "Si Jayson! Sabi niya babawi siya sa akin. Naisip ko na pagbantayin siya sa pwesto natin sa palengke tutal one week siyang magli-leave sa work!" masayang sagot ni Ate. "Papayag ba 'yon?" pagtataka ko. "Dont be crazy! Everthing is under control!" maangas na tugon niya habang hinihimas ang kamao. "Tamang-tama! Nag-aaya si Mama at Papa sa lugar na hindi ko pa napupuntahan, sa kagubatan ng Tilapayong! Ang sabi pa nila may glass house doon! Sakto para sa misyon ni Zendee!" wika ni Pogs na napapapalakpak pa sa tuwa. "Okey na pala lahat! Taralets na!" sambit naman ni Jolens. "Mas masarap matulog kesa gumala!" seryosong sabi ko. "Ang pagta-travel ay masayang gawin kung kasama ang mga kaibigan. Mga plano na kapag natuloy ay sobrang nakakatuwa. Maraming nabubuong alaala at pagsasamahan tuwing nagta-travel!" pahayag ni Zendee. "Mas masarap kasing humiga at magpahinga after a stressful week. Mas komportable at iwas gastos ang magkulong sa bahay kesa umalis. At nakakatamad naman kasi talagang umalis gawa ng pabago-bagong panahon!" paliwanag ko. "Marvin, kahit kelan talaga napaka-nega mo noh!" naiinis na wika ng kapatid ko. "Una sa lahat, magastos at kakain ng oras. I need to spend a lot of money and I have to allot my time just to go farther from this place. Mapapalayo na nga ako, mapapagastos pa! Tapos syempre, I have my own priorities. Pangalawa, nakakapagod gumala. Imagine the long travel hours just to be in your destination. Tapos kapag nandoon ka na, 'di naman agad natatapos 'yon doon, kelangan mo pang mag-explore, maglakad-lakad, sumakay at gawin ang mga activities sa lugar. Paguran 'yan, promise! Mas masayang ibaon ang sarili sa kama kesa magpunta sa malalayong lugar!" mahaba kong paliwanag. "Dahil sa dami ng sinabi mo, naiayos ko na yung maleta nating dalawa! Pang-isang linggo pa kamo!" nakatawang wika ni Ate. "Ano yung brand ng brief ni Papa Marvin?" nakangising usisa ni Jolens. "Hayyy..." napabuntong-hininga na lang ako. "You know what? Misconceptions lang lahat ng sinabi mo. Ganyan ako dati. Ganyan ako nung hindi pa ako na-inlove sa pagta-travel. Nung nasimulan ko, nakaka-adik pala, parang ikaw!" wika ni Zendee na hindi maitago ang ngiti. "Sus, pinopormahan mo na naman ang future hubby ko!" nakasimangot na sabi ni Jolens. "Nekekekeleg nemen!" nakangiting sambit ni Pogs. "At talagang may 'You know what?' ka na rin?!" biro ni Ate Melba. "Promise Marvin, ang saya gumala!" dagdag pa ni Zendee. "To be honest, magastos ang pagpunta kung saan-saan. Pero kung titingin ka sa positive side, maraming benefits ang makukuha mo sa ganitong trip!" paliwanag ni Pogs. Nung una, ayaw ko pang sumama dahil baka mabagot lang ako doon. Pinilit akong pasamahin ng four bad girls hanggang sa napapayag nila ako.
Kinagabihan ay bumunot ulit kami sa kahon para kapag nasa Tilapayong na raw kami ay hindi masayang ang araw na dapat makumpleto ang mga misyon. Tig-tatlo ang idinagdag na misyon sa bawat isa sa amin. "Kung minamalas ka nga naman! Kailangan ko ba talagang gawin ang mga 'to?" pagrereklamo ko. "Ano ba kasi mga 'yan?" tanong ni Ate Melba. "Learn new things, experience new stuff and conquer your fears! Gusto n'yo talaga akong pahirapan noh?" nakasimangot kong sabi. "Don't be crazy!" tugon ni Ate. "Shut up ka na lang!" wika naman ni Zendee. Syempre, wala na naman akong nagawa kundi pumayag sa kanila. "Ang nabunot ko naman ay magpa-picture sa mga hindi kakilala, iwasan ang social media at subukan ang simpleng pamumuhay!" nakangiti ngunit kabadong sambit ni Pogs. "Sphynx, malayo yata sa personality mo yung mga nabunot mo!" biro ni Jolens. "Eh ano ba kasi yung sa 'yo?!" gigil na tugon ni Pogs kay Jolens. "Gumawa ng apoy gamit ang kalikasan, manghuli ng limang alitaptap at iwasan ang karne sa loob ng isang linggo! Ayos na sana kung wala yung iwasan ang karne!" wika ni Jolens na hindi mapalagay. "Subukan mo nang maging vegetarian! Hahaha... Wagas kung pagtawanan mo 'ko kanina eh mahirap din pala gagawin mo!" pang-aasar ni Pogs. "Master Zendee, ano naman yung mga nabunot mo?" usisa ni Jolens. "Payungan ang nababasa ng ulan, mangharana at humiling sa bulalakaw!" seryosong tugon ni Zendee. "Grabe! Ano 'yan panliligaw? K-drama lang ang peg? Masyado namang romantic ang mga gagawin mo!" nakangiting sambit ni Ate Melba. "Bahala na!" maikling sagot ni Zendee. Namayani ang katahimikan sa sala namin. Binasag ni Ate Melba ang katahimikan nang sabihin niya ang mga misyon na dapat niyang gawin. "Magsalita ng English sa loob ng isang linggo, sumayaw sa harap ng maraming tao at alagaan ang nakababatang kapatid!" wika ni Ate Melba habang nakairap sa akin. "Ano? Alagaan ang nakababatang kapatid? So, aalagaan mo si Marvin dahil siya lang ang nakababatang kapatid na kasama mo?!" masayang sambit ni Zendee. "Ibigay ang hiling ng kapatid na gwapings!" biro ko kay Ate. "Don't be crazy!" maikling tugon ni Ate Melba.
BINABASA MO ANG
The Four Bad Girls and Me
Romance"Hindi mo kailangang gawin 'yon. Oo, mataas ang pangarap ko para sa sarili ko. Ayoko kasing dumating ang araw na buong pamilya na kaming naghihirap. Kaya ang sabi ko, aabutin ko lahat ng pangarap ko hangga't kaya ko. Pero, Zendee, hindi mo naman kai...