Chapter 13: Just Like the Empty Box

67 6 5
                                    

"Thank you sa pagsabay sa akin sa pag-uwi!" wika ko kay Zendee. "Wala 'yon. Medyo late na rin kasi eh alam ko namang lampa at duwag ka. Saka alam mo namang kapag ganitong oras, wala na akong ginagawa sa bahay. Kamusta pala yung first week mo sa school? Parang sobrang busy mo. Ngayon lang kasi tayo ulit nagkita eh!" sunud-sunod na pahayag ni Zendee. "Sobrang busy! Puro major subjects na kasi kami ngayon eh. Mabuti nga, halos lahat ng units na natapos ko ay na-credit kahit mahigit isang taon akong huminto sa pag-aaral!" mahinahon kong sabi. "O 'di ba? Sinabi ko naman sa 'yo na hindi masasayang ang ilang taon na pinag-effortan mo sa college. Mahuhuli ka nga lang nang konti sa mga ka-batch mo pero at least ngayon, mas malaki na ang assurance natin na matatapos mo na ang huling taon sa kurso mo!" masayang sabi naman ni Zendee. "Oo nga eh. Kaya malaki talaga yung pasasalamat ko sa 'yo!" sambit ko. "Para saan? Eh lahat naman ng 'to pinaghihirapan mo rin!" mabilis na tugon ng dalaga. "Syempre, kung hindi dahil sa 'yo hindi malalaman nina Tito Danny na matagal ko nang gustong makapagtapos ng pag-aaral. Hindi rin ako magkakaroon ng ganitong klaseng oportunidad!" paliwanag ko. "Oportunidad na hindi mo sinasayang! 'Di ba ito yung sinabi mo sa akin dati na kapag dumating yung ganitong klase ng pagkakataon, iga-grab mo na kaagad at hinding-hindi mo na sasayangin!" wika ni Zendee. "Sabagay, tama ka! Pero thank you pa rin! Makakabawi rin ako sa 'yo!" nakangiting sambit ko. Natanaw namin ni Zendee ang papalapit na si Claudine. "Kaya pala natiis mo akong hindi kausapin sa loob ng isa't kalahating taon kasi may ipinalit ka na sa akin!" galit na turan ng ex-girlfriend ko. "Claudine, anong ginagawa mo dito?!" pagkairita ko. "Ate Girl, ayaw namin ng gulo! Mabuti pa, umalis ka na lang!" malakas na sabi ni Zendee. "Hahaha... Namin?! So ibig sabihin nga, may relasyon na talaga kayong dalawa?!" nang-aasar na wika ni Claudine. "Ang dumi naman ng isip mo! Wala kaming relasyon ni Zendee!" mabilis kong tugon. "Hahaha... Wala pa! Kasi alam ko namang papunta na kayo don, 'di ba?!" nakangising sabi ni Claudine. "Ang kitid talaga ng utak mo kahit kailan eh! Zendee, halika na nga! Hayaan mo na 'yan!" pagkairita ko. "Teka lang! Hindi pa tayo tapos mag-usap eh. Hindi mo man lang ba ako kakamustahin? Kung sabagay, mukha namang wala ka na talagang pakialam sa akin dahil may bago ka nang ipinalit sa pwesto ko!" wika ni Claudine. "Ano ba kasing sinasabi mo? Tumahimik ka nga!" galit na sambit ko. "O ano? Mas malakas ba siyang manlibre? Sa mas mamahaling restaurant ka ba niya dinadala? Mas magaganda ba yung mga gamit na nireregalo niya sa 'yo? In short, nabibigay ba niya yung mga hindi ko nabibigay noon? Ano?!" sunud-sunod na pahayag ni Claudine. "Ate Girl, medyo nakakabastos ka na kasi eh! Kung ayaw mo ng gulo, umalis ka na!" mahinahong sambit ni Zendee sa ex-girlfriend ko. "Alam mo, ikaw! Uto-uto ka rin eh noh?! Mukha ka namang may kaya sa buhay. Wala ka nga lang utak!" pang-aasar ni Claudine. "Anong sinabi mo?!" galit na tugon ni Zendee. "Halika na, Zendee! 'Wag na tayong mag-aksaya ng pagod at oras sa babaeng 'yan! Claudine, umalis ka na nga d'yan!" sambit ko bago hawakan ang kamay ni Zendee. "Eh sa hindi pa nga ako tapos magsalita eh! At eto talaga ang pinalit mo sa akin ah?! Ikaw, sigurado ka bang seseryosohin ka ni Marvin? Eh ginagamit ka lang naman nito eh!" maangas na pahayag ni Claudine habang nakatingin kay Zendee. "Claudine, ano bang sinasabi mo?!" pagkairita ko. "Totoo naman, 'di ba? Kaya mo lang ine-entertain ang babaeng 'to kasi may pera siya! Hey Girl, eto ang totoo! Kahit kailan hinding-hindi ka seseryosohin ng ex-boyfriend ko!" nang-iinsultong pahayag ni Claudine. "Hindi ka ba talaga titigil?!" suway ko sa kaniya. Ipinagpatuloy pa rin ni Claudine ang pakikipag-usap kay Zendee, "Eh alam ko namang hindi mo napapansin 'to dahil nabubulag ka sa nararamdaman mo para kay Marvin. Pero bakit hindi mo muna tingnan ang sarili mo? Wala ka ngang regular na trabaho! Ang alam ko nga hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral mo. Samantalang 'tong si Marvin, nagsusumikap na makapag-aral ulit. Sa tingin mo ba sasayangin niya ang oras niya sa isang kagaya mo na patapon ang buhay?! Hinding-hindi ka niya magugustuhan dahil pera lang ang habol niya sa 'yo!" Hindi na nakapagtimpi si Zendee kaya't dali-dali niyang sinabunutan ang babae. Sinubukan ko siyang pigilan pero nandilim na talaga ang paningin niya. "Bagay talaga kayo, isang loser at isang user!" sigaw ni Claudine kahit nasasaktan na sa pagkakasabunot ni Zendee. "Shut up ka na lang! Kakalbuhin talaga kita kapag hindi ka pa tumigil sa pagsasalita!" pananakot ni Zendee kay Claudine bago niya ito sampalin sa magkabilang pisngi. "Tara na, Zendee! Umuwi na tayo!" anyaya ko sa dalaga. Umalis na kami at bakas sa mukha ni Claudine ang pagkadismaya.

"Pasensya ka na kay Claudine! Hindi ko nga alam kung bakit mahigit isang taon na kaming tapos pero hindi pa rin siya maka-move on!" mahinahong sambit ko kay Zendee. "Sorry rin kasi hindi ko na napigilan ang sarili ko!" seryosong wika ng dalaga. "Ayos lang 'yon nang madala-dala naman siya!" wika ko naman. Parang walang reaksyon ang mukha ni Zendee. "O sige, papasok na ako sa bahay! Salamat ulit sa pagsama sa akin sa pag-uwi!" paalam ko sa kaniya. "Ah Marvin, may gusto pa sana akong itanong!" malakas na sabi Zendee. "Ano 'yon?" mabilis kong tugon. "Yung tungkol sa sinabi ni Claudine kanina?" wika niya. "Alin doon?" tanong ko. "Yung tungkol sa... Yung tungkol sa kung ano ba talaga yung tingin mo sa akin!" nahihiyang sambit niya. "Teka, 'wag mong sabihin na naniniwala ka sa mga sinabi niya?!" medyo naiinis na turan ko. "Hindi naman sa ganun. Kaya lang syempre... Alam mo naman kung ano ang nararamdaman ko sa 'yo, 'di ba?" sambit niya. "Alam mo rin naman kung ano ang sagot ko d'yan, 'di ba? Wala pa akong oras para isipin at unahin yung mga relasyon-relasyon na 'yan! Sinabi ko na sa 'yo 'yon dati pa, 'di ba?" bwelta ko. "Oo nga. Hindi ko lang maiwasan kasi na totoo naman lahat ng sinabi niya tungkol sa akin, na nasa akin lahat ng ayaw mo sa isang babae. Pero bakit hinahayaan mo pa rin ako na magkasama tayo?" malumanay na sabi ni Zendee. "Ano ba talaga ang gusto mong sabihin? Bakit hindi mo na lang ako diretsuhin?!" galit na tugon ko. "Ayoko lang sanang mapunta sa wala yung ininvest kong effort at time para sa 'yo!" malungkot niyang sabi. "So, nanunumbat ka na kaagad ngayon?!" pagkainis ko. "Hindi naman sa ganun!" tugon niya. "Alam mo epekto 'yan ng mga sinabi ni Claudine kanina eh. Naniniwala ka na impokrito akong lalake, ambisyoso at manggagamit, 'di ba?!" galit na pahayag ko. "Hindi, wala akong sinabing ganyan!" dipensa niya. "Wala kang sinabi pero 'yon ang nararamdaman ko ngayon!" mabilis kong tugon. "Marvin, 'wag ka naman sanang magalit! Gusto ko lang naman kasing malaman yung totoo. Kasi ikaw, alam mo naman na ang lahat ng nararamdaman ko para sa 'yo eh. Pero ako, hindi ko alam kung gusto mo ako o..." hindi na natapos ni Zendee ang gustong sabihin. "O ginagamit lang kita? Alam mo magsama kayong dalawa ni Claudine! Pareho kayong judgmental. Hindi porke ganito ako, matututo na akong manggamit ng ibang tao! 'Wag na 'wag ka na ulit magpapakita sa akin ah!" pahayag ko na may magkahalong galit at lungkot. Mabilis na lang akong pumasok sa loob ng bahay namin para hindi makita ni Zendee na labis akong nasaktan sa mga napag-usapan namin.

Sa totoo lang ay nasaktan ako sa naging pagtatalo namin ni Zendee. Pakiramdam ko kasi ay ang baba na ng tingin niya sa akin, user, impokrito at gold digger. Naniwala agad siya sa sinabi ng ex-girlfriend kong si Claudine kahit wala naman siyang basehan. Ni hindi niya naisip na sa tuwing kakain kami sa labas ay hindi ako pumapayag na wala akong i-share na pambayad sa kinakain namin at ako rin ang nagbabayad ng sarili kong pamasahe. At ang swerte ko ngayon ay pinaghihirapan ko talaga. Mula nang gabing iyon ay hindi ko na ulit nakita pa si Zendee. Ang sabi ni Tito Danny ay umuwi muna siya sa Maynila para asikasuhin ang maliit nilang negosyo doon dahil may sakit ang papa niya. Wala na rin akong naging iba pang balita tungkol sa kaniya dahil ayoko na rin naman siyang i-text o tawagan pa para kamustahin man lang. Sinasabi ng isip ko na dapat kong kausapin si Zendee pero sadyang duwag ang puso ko. Nagkamali ako. Hindi ko kaagad nasabi sa kaniya ang nararamdaman ko. Masakit palang mawalan ng minamahal. Hinayaan kong masayang ang oras na sana ay ipinaramdam ko sa kaniya na mahal ko siya, lalo na't alam kong mahal niya rin ako. Dumating na ang panahon na sure ako pero sumuko na siya. Para akong isang box na walang laman. Kulang ang buhay ko kung wala siya.

Hanggang sa maka-graduate na nga ako ng college ay hindi pa rin nagpakita man lang si Zendee. Walang tawag o text ng pagbati. Nakakalungkot pero naisip ko na ayos na rin 'yon para makapag-focus na rin kami sa kanya-kanya naming buhay. Matapos ang isang taon kong pagtuturo sa isang private school sa Talavera ay mabilis naman akong natanggap sa Mayapyap National High School. At hindi ko ine-expect na sobrang magiging memorable ang unang araw ko sa public shool na malapit sa tinitirhan namin.

The Four Bad Girls and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon