"Sir Marvin, naniniwala po ba kayo sa swerte?" tanong ng isa kong estudyante sa EsP class. "Naniniwala ako na ang swerte ay hindi basta-bastang nakikita. Kailangan mo itong hanapin o pagsumikapan!" nakangiting paliwanag ko. "Sir, kailangan po ba namin ng inspirasyon para matagpuan namin ang swerte?" tanong ng palabiro kong estudyante. "Syempre naman, Ejae! Ang mga tao sa paligid natin at ang mga karanasan natin ay pwede nating maging inspirasyon para maabot natin ang swerte sa buhay," mahinahon kong sabi. "Erika, inspired si Ejae oh!" sigaw ng pasaway kong estudyante. "Mukhang umiingay na porke't inaabangan na ang pag-dismiss ko ng klase. Hmmmnnn... Salamat sa inyong mga katanungan! Sa mga uwing-uwi na d'yan at panay ang tingin sa orasan, tapos na po ang discussion natin. Goodbye, 9-Corinthians!" malakas kong sambit sa kanila. "Goodbye, Sir Oppa!" paalam ng mga estudyante ko. Dahil sa mga tanong nila ay nag-flashback sa isip ko ang lahat ng mga pinagdaanan ko bago ako naging isang ganap na public school teacher dito sa Mayapyap National High School sa Cabanatuan City.
Flashback...
Ako si Marvin Roxas. Lima kaming magkakapatid pero wala na kaming tatay. Samantalang ang nanay ko naman ay nagtitinda ng gulay sa Sangitan Public Market kasama ang kuya at ate ko. Pangatlo ako sa limang magkakapatid at dahil madalas sa pamilya na priority talaga ang patapusin sa pag-aaral ang nakatatandang kapatid ay ilang beses na akong tumigil sa college noon para kay Kuya Marco. Tumutulong-tulong na lang ako kay Nanay sa pagtitinda ng gulay. Ang usapan namin ay kapag nakatapos na si Kuya Marco sa college ay ako naman ang pag-aaralin dahil walang hilig sa pag-aaral si Ate Melba na pangalawa kong kapatid. Kaya lang ay hindi rin natapos ni Kuya ang kursong Bachelor of Science in Computer Education dahil nabuntis niya ang girlfriend niya. Sa kasamaang-palad ay nawalang parang bula ang girlfriend niya matapos itong manganak at iniwanan sa kaniya ang kanilang kambal na anak. Nagdesisyon na lang si Kuya na tumulong kay Nanay sa pagtitinda ng gulay sa palengke. Ako ay 18 years old na nang pinayagan ako ni Nanay na makapag-aral ng college sa kursong Bachelor of Secondary Education. Nag-part-time model ako habang nag-aaral dahil alam ko naman na hindi sapat ang kinikita ni Nanay sa pagtitinda sa palengke. Hindi sa pagbubuhat ng bangko pero maraming nagsasabi na kahawig ko raw ang Korean actor na si Lee Jong Suk. Maputi ako, matangkad, hindi gaanong malaki ang katawan pero may abs at higit sa lahat ay gwapo raw sabi ng mga suki ni Nanay sa palengke. 'Yan siguro ang mga rason kung bakit ako naging isang freelance model. Ako lang talaga ang nagpumilit na mag-aral ng college dahil gusto ko talagang makatapos at makahanap ng mas magandang trabaho. Gusto kong kumita ng pera habang may mga natutulungan akong kabataan kaya pinangarap ko na maging isang guro. Sa college ko rin nakilala si Claudine Quezon, ang first girlfriend ko. Matalino si Claudine, masipag mag-aral, maganda at may ambisyon sa buhay. Nasa kaniya na ang mga katangian ng isang babae na nais kong makasama sa lahat ng plano ko sa buhay. At tumagal nga ng dalawang taon ang relasyon naming dalawa ni Claudine.
"Babe, pwede ba tayong mamasyal sa Baler? Marami kasing nagsasabi sa akin na maganda doon. Malapit lang naman sa Nueva Ecija ang Aurora, 'di ba?" paglalambing ni Claudine sa akin. "Kumain ka kaya muna nitong kwek-kwek habang pinag-iisipan ko?" pabirong sagot ko sa kaniya habang iniaabot ang biniling kwek-kwek sa mamang nasa kalsada. "Itong pizza na lang ang kainin natin. Binili ko talaga 'yan para sa 'yo!" sabi naman ni Claudine na mukhang nagtatampo na. "Dahil alam mo na wala akong pambili?!" seryosong tugon ko sa kaniya. "Babe, ngayon lang naman tayo ulit nakapag-date tapos kwek-kwek ulit ang ipapakain mo sa akin. Lagi ka na lang bang magtitipid?!" galit na wika ni Claudine. "Babe, akala ko naman naiintindihan mo ako. Marami kasing gastusin sa bahay at sa school. Saka, pasensya na rin kung busy ako sa pagiging freelance model!" mahinahon kong tugon. "O sige, nagbibiro lang naman ako eh. Salamat dito, Babe!" sambit ni Claudine kasabay ng pagkuha ng dalawang tuhog na kwek-kwek. Natahimik ako kasi alam ko naman na ginawa niya lang 'yon para hindi na kami tuluyang mag-away. "Ayos ka lang ba talaga?" tanong ko sa kaniya. "Ano ka ba?! 'Wag mo nang isipin ang sinabi ko kanina. Happy monthsary, Babe! I love you!" nakangiting tugon niya. "I love you, too!" sagot ko naman.
BINABASA MO ANG
The Four Bad Girls and Me
Romance"Hindi mo kailangang gawin 'yon. Oo, mataas ang pangarap ko para sa sarili ko. Ayoko kasing dumating ang araw na buong pamilya na kaming naghihirap. Kaya ang sabi ko, aabutin ko lahat ng pangarap ko hangga't kaya ko. Pero, Zendee, hindi mo naman kai...