Zendee's Point of View
Hindi ko pa rin makalimutan ang mga nangyari kahapon. Nasaktan ko nang sobra ang lalaking pinakamamahal ko. Alam kong mali na magkagusto ako kay Marvin dahil pakiramdam ko ay nagiging makasarili ako pero hindi ko talaga kayang pigilin ang nararamdaman ko. Sa di-kalayuan ay natanaw ko si Pogs na papalapit sa akin. Para bang may gusto siyang sabihin. "Naaalala mo pa ba?" bungad ni Pogs. Nginitian ko lang siya. "Nung nag-aral ako ng high school sa Maynila, hindi ko kayang makisama sa mga kaklase ko. Lagi akong nauupo sa unang row para makapag-focus sa pag-aaral. Kayo ni Vixen ang naging mga tagapagtanggol ko sa school na nilipatan ko. Kung hindi ko kayo naging kaibigan, ibang-iba siguro ako ngayon. Sa tingin ko, hindi natin kailangang tapusin ang pagkakaibigan natin nang ganun lang kadali!" seryosong pahayag ni Pogs. Hindi ko pa rin alam kung ano ang sasabihin ko. Muli akong ngumiti pero bakas pa rin sa mukha ko ang kalungkutan. Batid ko na papunta na rin sina Jolens at Tandang Melba. "Naniniwala ako na hindi ito ang gustong mangyari ni Vixen. Gusto niyang gawin natin ang mga misyon nang magkakasama. Gusto niyang maging magkakaibigan tayo hanggang sa huli!" mahinahong sambit ng paparating na si Jolens. Naantig ang damdamin ko sa mga sinabi ni Jolens. Kusang tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Lamapit na rin si Tandang Melba na dala-dala pa ang box ng mga misyon namin. "Jolens, naalala mo ba nung ginawang katatawanan ng mga tao ang performance mo? Mga bata pa tayo nung sumali ka sa Mayapyap Got Talent. Si Zendee at Vixen ang gumawa ng paraan para hindi ka mapahiya. Naging back-up singers mo pa ang magkapatid!" nakangiting wika ni Tandang Melba. "Dahil doon, naging magkakaibigan tayo!" masayang sambit ni Jolens. "Don't be crazy! Even if it's just us, let's finish what we started!" malakas na sabi ni Tandang Melba. "Keep slaying, Vixens!" magkasabay na sigaw nina Pogs at Jolens. "Let's get started! It's your turn, Master Zendee!" wika ni Tandang Melba habang iniaabot sa akin ang box. Bumunot naman ako. Napakunot ang noo ng tatlo nang hindi ko masabi kung ano ang nabunot ko. Parang tumigil kasi ang mundo ko sa nabasa kong misyon, "Mamatay nang nakangiti." Dahil sa bigat ng nararamdaman ay nilamukos ko ang hawak kong papel. Pinulot ng tatlo ang papel at binasa nila ang misyon na nakasulat doon. Natigilan silang tatlo at doon na bumuhos ang kanilang emosyon. Hindi ko napigilan ang mga luha ko. Nag-unahan nang tumulo ang mga ito. Naalala ko ang mga tagpo sa ospital bago ang kamatayan ni Ate Vixen. Nakangiti lang siya sa akin at tila ayaw niyang ipakita ang kalungkutan. Kahit nahihirapan na sa congenital heart disease ay puno pa rin ng ligaya ang mga mata niya. Napansin ko na bigla siyang naging seryoso nang isulat niya sa papel ang misyon na "Mamatay nang nakangiti." Parang isang pahiwatig iyon na nagpapaalam na siya. Naalala ko rin ang masasayang mga araw na kasama ko si Ate, pati na rin ang paglalambing at kakulitan niya na hindi nakakasawa. Isang malamig na hangin ang yumakap sa akin at bumalik ang isip ko sa kasalukuyang pangyayari. Nakaharap sa akin ang tatlong mga kaibigan ko na walang tigil sa pag-iyak. Tumalikod ako sa kanila at nagsalita, "Please, itigil na natin 'to!"
Flashback...
May isang batang lalaki sa likuran ko na biglang nagsalita, "Bata, nakabukas ang bag mo!" Tiningnan ko ang Hello Kitty kong bag at agad kong isinara ang zipper nito. Mabilis namang tumakbo palayo ang batang lalaki na nakabukas ang backpack. Nakita ko na may nahulog na notebook sa backpack niya kaya't dali-dali ko itong pinulot. Sinubukan ko siyang habulin para ibigay ang notebook pero bigla na lang umulan nang malakas. Naliligaw na nga ako nung time na 'yon tapos umulan pa nang pagkalakas-lakas. Buti na lang ay nakasilong agad ako sa isang kubo na malapit sa daan. Inilagay ko na lang muna sa loob ng bag ko ang napulot na notebook. "Nasaan na kaya si Ate? Hindi ko pa naman alam kung paano pumunta sa bahay nila Tito Danny!" wika ko sa sarili ko. Sa di-kalayuan ay natanaw ko si Ate Vixen at ang batang lalaki na may-ari ng notebook. Pinasukob ng kapatid ko sa payong niya ang batang lalaki na parang naglulupasay sa labis na kalungkutan. "Napakaiyakin naman ng batang 'yon! Si Ate naman, mas inuna pang lapitan yung batang iyakin kesa sa kapatid niya!" bulong ko. Hindi ko namalayan na nawala na sila sa paningin ko. Hinintay ko na lang na tumila ang ulan. Pagdating ko sa bahay nila Tito Danny ay sinundo na ako nina Mama at Papa. Isang linggo lang yata akong nakapagbakasyon sa Mayapyap Sur. Kahit papaano ay naranasan kong mag-perform sa stage kasama si Ate Vixen at ang bago kong kaibigan na si Jolens. Naging kaibigan ko rin sina Pogs at Melba dahil sa parada para sa pista ni San Vicente Ferrer. Gusto ko pa sanang makilala ang pamilya nina Jolens, Pogs at Melba, kaso nga lang ay napaka-kill joy ng parents ko. Napakaswerte ni Ate Vixen dahil hinayaan muna siyang mag-stay kila Tito Danny.
BINABASA MO ANG
The Four Bad Girls and Me
Roman d'amour"Hindi mo kailangang gawin 'yon. Oo, mataas ang pangarap ko para sa sarili ko. Ayoko kasing dumating ang araw na buong pamilya na kaming naghihirap. Kaya ang sabi ko, aabutin ko lahat ng pangarap ko hangga't kaya ko. Pero, Zendee, hindi mo naman kai...