Chapter 5: Expect the Unexpected

93 10 3
                                    

"May problema ba kayo kaya kayo nag-travel?" salubong sa amin ni Kuya Marco. "Kuya?!" sabay na sabi namin ni Ate Melba. "Oo, ako nga 'to, ang gwapo at makisig ninyong kuya!" tugon ni Kuya Marco. "Bakit napaaga yata ang uwi mo?" usisa ni Zendee. "Hindi pala ako ang ama ng ipinagbubuntis ni Greta. So 'yon nga, iniwan ko siya nang malaman ko!" nakangiting wika ni Kuya Marco. "Don't be crazy, My Stupid Brother!" nakasimangot na sambit ni Ate Melba. "Ayaw mong maniwala, My Bad Sister?! Sa totoo lang, sinugod pa ako ng tunay na nakabuntis sa kanya doon mismo sa bahay nila sa Masbate!" paliwanag ni Kuya Marco. "Hayaan mo na lang siya, Tandang Melba. Ang mahalaga importante!" sabad ni Jolens. "Nag-uwi pa kayo ng bagets dito! Sino ba 'yang kasama ninyo?" pagtataka ni Kuya Marco habang tinitingnan si Dranreb. "Kuya, kapatid natin siya sa ama!" mabilis kong sabi. Halatang gulat na gulat si Kuya Marco. Matagal na namayani ang katahimikan. "Talaga?!" tanging nasabi niya. "Ako po si Dranreb at totoo po ang sinabi ni Oppa na magkapatid po tayo!" pakilala ni Dranreb. "Oppa na agad ang tawag mo kay Marvin?! Ang galing naman!" wika ni Kuya Marco na nahihiwagaan pa rin sa nangyayari. "To make the story short, natunton namin siya dahil sa dati kong gitara! Parang teleserye lang!" nakangiting sambit ko. "Iba talaga si Tatay Bernard! Walastik kung pumitik!" biro ni Kuya Marco bago yakapin si Dranreb. "Kuya na lang po ang itatawag ko sa 'yo kasi may Oppa na po ako!" masayang sambit ni Dranreb. Nang bumitaw si Kuya sa pagkakayakap kay Dranreb ay nagtanong siya sa akin at sa four bad girls, "Eh bakit naman kayo napadpad sa Tilapayong? May tinatakasan ba kayong problema?" Lumapit sa kaniya si Pogs at binatukan siya nito. "Sino ba sa atin ang mahilig tumakas sa problema? 'Di ba ikaw?!" pang-aasar ni Pogs kay Kuya Marco. "Kuya, you know what? Traveling is a therapy for the soul!" baling sa kapatid ko. "Mahalin mo muna ang sarili mo before you love yourself!" biglang sagot niya na para bang nagpapanggap na masaya. "May binili nga pala akong ube. Sa 'yo na lang 'to, Mr. M! Kain ka ng ube, malay mo bukas meron ka nang bebe!" wika ni Pogs sabay abot ng ube halaya kay Kuya Marco. "Ang sweet mo naman! Sana ikaw na lang naging kapatid ko!" malakas na sabi ni Kuya habang iniirapan si Ate Melba. Lumapit na rin sa amin sina Elvis at Elton para kuhanin ang kanilang mga pasalubong. Ipinakilala na rin namin sa kanila si Dranreb. "Elvis, magsaing ka na. Dito na kami maghahapunan!" utos ko kay Elvis. "Bat ako?!" reklamo ni Elvis. "Ikaw naman, Elton, iluto mo ang mga uwi naming gulay!" baling ko naman sa isa ko pang nakababatang kapatid. "Bat ako?" nakasimangot na tugon ni Elton. Wala namang nagawa ang dalawa kundi ang sumunod sa akin. Napansin din siguro nila na napagod kami sa byahe. "May mga tao talaga na bigla na lang nagiging paniki. Kapag inutusan mo, ang laging sagot sa 'yo 'Bat ako' pero susunod din naman!" biro ni Zendee na nakapagpangiti sa akin. "Mas mabubuo pa ang traveling experience n'yo kung babaunin n'yo pauwi lahat ng kakaibang experiences ninyo sa lugar at ise-share n'yo yung mga masasayang kwento ninyo sa mga kakilala n'yo. Sabi nga nila 'di ba, be a storyteller!" wika ni Kuya Marco habang abala sa pagkain ng ube halaya. "Dami mong alam! Kumain ka na lang kaya d'yan!" sambit ni Pogs na mukhang kinikilig sa kuya ko.

Kinabukasan, pinuntahan pa ako ng four bad girls sa palengke para lang pabunutin ng kakaibang misyon. Kasama ko si Dranreb na mukhang namamangha sa dalang kahon ng apat. "Hello, Cute Maknae!" bati ni Jolens kay Dranreb. "Hello po sa inyo!" tugon ng binatilyo. "Hanggang kailan ka mag-i-stay dito, Bunso?" tanong ni Zendee sa nakababata kong kapatid. "Sabi ni Unnie Melba, aalagaan niya muna ako sa loob ng isang linggo para makumpleto niya ang misyon niya. Nagpaalam naman ako kay Nanay na dito muna ako!" paliwanag ni Dranreb. "Aalagaan talaga? Bakit hinayaan mo siyang tumulong dito sa palengke, Ate?" pagtataka ko. Inirapan lang ako ni Ate Melba. "Kagustuhan ko po ito!" mabilis na tugon ni Dranreb. "By the way, here's your pizza, Maknae!" pagyayabang ni Ate habang iniaabot ang dalang pizza kay Dranreb. "Salamat po!" tugon ng binatilyo. "Sana lahat binibigyan ng pizza!" nakasimangot na wika ko. "Bibigyan naman kita ng H!" malakas na sabi sa akin ni Zendee. "H? Ano 'yon?" tanong ko. "Happiness!" nakangiting sambit niya. Halatang kilig na kilig sina Ate Melba at Dranreb. Si Pogs at Jolens naman ay may high five pang nalalaman. "Akala ko sa 'H' nagsisimula ang happiness, sa 'U' pala!" dagdag ni Zendee na lalong nagpakilig sa mga taong kasama namin. "O s'ya magbunutan na tayo bago pa mapunta kung saan ang usapan natin!" malakas kong sabi pero sa totoo lang ay kinikilig din ako pero ayaw ko lang ipahalata. "Tutal naging successful naman lahat ng misyon natin sa Tilapayong, ewan ko lang kay Tandang Melba, meron na lang tayong sixty missions dito sa box!" masayang sambit ni Pogs. Biglang bumunot si Jolens at nagwika, "Kalabanin ang kaaway!" Kitang-kita ang takot sa mga mata ni Jolens at halatang pinipilit niyang ngumiti. Sa kanilang apat kasi si Jolens ang hindi marunong makipag-basag-ulo. "Gayahin si Serena Tsukino! Sino ba si Serena Tsuk-tsuk?" pagtataka ni Zendee habang hawak-hawak ang binunot sa box. "Originally called Tsukino Usagi in the Japanese version of Sailor Moon, that character became Serena for an American audience!" paliwanag ni Ate Melba. "Si Sailor Moon lang pala! Masyado namang pa-girl. Nakakahiya tuloy!" naiiritang wika ni Zendee. "My goodness! I have to dress up like Erza Scarlet of Fairy Tail?!" gulat na wika ni Ate Melba matapos bumunot. "Tandang Melba, magsusuot ka lang naman ng sexy costume. Hindi ka naman makikipag-away!" pagtataray ni Jolens kay Ate. "Si Mikasa Ackerman naman ang gagayahin ko!" masayang sambit ni Pogs. "Sige, atakihin mo na ang titan ni Kuya Marco!" biro ni Jolens. "Hoy, may bata tayong kasama dito, Jolens!" suway ko. "Boss Marvin, ikaw naman ang bumunot!" utos sa akin ni Master Zendee. "Tulungan ang kaibigan sa oras ng pangangailangan! Ayos na rin 'to kesa mag-costume!" nakangiting sabi ko. "Sige, pupuntahan ko na ang kaaway ko!" paalam ni Jolens. Paalis na rin sana sina Ate Melba, Zendee at Pogs kaso ay bigla ko silang hinarang. "Hindi ba natin pwedeng pigilan si Jolens?" pag-aalala ko. "This isn't something we can avoid!" seryosong tugon ni Ate Melba. "Pero..." hindi ko na nagawa pang ituloy ang sasabihin ko. "Can she resolve that old grudge today?" baling ng ate ko sa dalawa niyang kaibigan. Tumango lang ang dalawa pero mukhang malalim din ang iniisip. "They used to be best friends. But they turned into enemies because of Rico!" seryosong sabi sa akin ng ate ko. "Hindi ko kayo naiintindihan! Sino ba yung kaaway ni Jolens at sino naman si Rico?" nalilitong tanong ko sa three bad girls. "Si Judy Ann ang dating matalik na kaibigan ni Jolens tapos naging magkaaway silang dalawa dahil sa crush nilang si Rico," paliwanag ni Pogs. "Luh, ang babaw naman! Dahil lang sa crush?!" pagtataka ko na medyo naiinis. "It's not that. There's a world of women you can't understand!" paninita sa akin ni Ate Melba. "Kung ganyan kayo kababaw at ka-war freak, bahala na kayo sa gang ninyo!" galit na turan ko. "Sorry, Boss Marvin! Hindi ko pwedeng sabihin ang lahat ngayon. Pero may rason kung bakit kailangan mong mag-stay sa gang namin!" pahayag ni Zendee bago sila tuluyang umalis.

Ilang oras ko ring inisip ang mga huling sinabi ni Zendee. "Ano kaya ang dahilan kung bakit gusto nilang mag-stay ako sa gang nila?" tanong ko sa sarili ko. Nakita kong papalapit na si Nanay sa amin ni Dranreb at may dala pa itong lunch box. "Ayos lang ba kayong magkapatid d'yan? Heto ang pananghalian ninyo!" mahinahong wika ni Nanay. "Ayos lang po kami dito, Nanay!" mabilis kong tugon. "Anak, 'wag mong hahayaang magutom si Dranreb at baka sabihin ng nanay niya ay pinababayaan natin ang anak niya!" utos sa akin ni Nanay. "Ayos lang po ako. 'Wag n'yo na po akong intindihin!" nakangiting sambit ng nakababata kong kapatid. "Dranreb, pwede mo naman akong tawaging Nanay kapag nandito ka sa Cabanatuan!" masayang sabi ni Nanay. "Sige po, Nanay Mila!" wika ni Dranreb na mababakas sa mukha ang labis na kaligayahan. Masaya kaming nagtanghalian ni Dranreb pero sumasagi pa rin sa isip ko ang posibilidad na baka mapahamak ang four bad girls dahil sa gagawin ni Jolens. "Pagkatapos ninyong kumain, pwede na kayong mauna sa bahay at ako muna ang magtatao dito sa pwesto natin!" sabi sa akin ni Nanay. "Ayos lang po ba sa inyo, Nanay?" tanong ko. "Oo naman, Anak. Nabanggit nga pala sa akin ng ate mo na sumunod ka raw sa videoke bar na malapit sa atin. May kakatagpuin daw doon si Jolens," pahayag ni Nanay na lalong nagpakaba sa akin.

Nang makauwi sa bahay ay binilinan ko na lang si Dranreb na tulungan si Kuya Marco sa pag-aalaga kina Kenichi at Kenjiro. Nagmadali na akong gumayak upang pumunta sa videoke bar na sinasabi ni Nanay. Pagpasok ko pa lang sa lugar na iyon ay nakita ko nang maraming tao ang nakabulagta. Ang iba naman ay nirereklamo ang sakit ng tiyan nila. "Ano na naman kaya ang ginawa ng apat na 'yon?!" naaasar ngunit nag-aalala kong bulong sa sarili ko. May isang dambuhalang lalaki na humawak sa balikat ko. Hindi na ako nag-isip at pinagsusuntok ko siya nang mala-FPJ. Mabilis akong umakyat sa hagdan dahil baka nasa second floor ang apat kasama si Judy Ann. Sinira ko ang door knob ng nag-iisang room sa second floor. Naniwala kasi ako sa instinct ko na nandoon ang apat na kanina ko pa hinahanap. Laking gulat ko nang makita kong kumakanta si Jolens ng "Listen" ni Beyonce at may ka-showdown pa siyang isang babae. "Why are you late, My Dear Brother?!" bati sa akin ni Ate Melba na nakasuot ng Erza Scarlet costume. "And'yan na pala si Boss Marvin!" malakas na sabi ni Pogs na mala-Mikasa ang datingan. "Shut up muna kayo at may naglalaban sa kantahan!" suway ni Zendee sa amin. Medyo tumibok ang puso ko nang makita ko ang anyo ni Zendee. Nakaka-inlove pala siya kapag naka-Sailor Moon costume. Na-imagine ko tuloy na magkasama kami sa ilalim ng kalawakan at nakatitig sa kawalan. "Ano? Labanan sa kantahan?!" pagtataka ko. "Tama ka, labanan ng boses!" nakangising sambit ni Zendee sa akin. "Luh! Ano bang ginawa mo, Marvin? Sino yung binugbog mong dambuhala?!" wika ko sa isip ko. Nang matapos nang mag-showdown sa kantahan sina Jolens at Judy Ann ay nagulat ako dahil bigla silang nagyakapan. "Overthinker ka talaga, Marvin!" bulong ko sa sarili ko. Bumaba kami sa first floor at nakita namin na may mga dumating na nars at doktor sa videoke bar. Na-food poison pala ang mga taong nakita ko kanina. At ang nakakahiya sa lahat, pinagbubugbog ko ang waiter sa videoke bar. "Sorry po, Manong Waiter!" paumanhin ko sa taong nabugbog ko. "Ayos lang ako. Alam ko namang na-misinterpret mo ang nangyari. Pero kapag ginawa mo ulit ito sa akin, hahalikan na kita!" wika ng dambuhalang waiter na pakurot-kurot pa sa balikat ko. Sabay-sabay na nagsitawa ang four bad girls at si Judy Ann. "Mukhang type ka pa yata ng bading na waiter!" biro ni Pogs sa akin. "First time mong nambugbog tapos bading pa nakatikim ng una mong suntok!" pang-aasar ni Jolens. "Ang mabuti pa, tumulong na lang tayo sa mga na-food poison dito!" utos ko sa limang babae. "Tamang-tama! Para magkasilbi naman ang costume ninyong tatlo, magpakabayani na kayo!" baling ni Jolens kina Zendee, Pogs at Ate Melba. "Minsan, nagkakamali ang instinct natin!" bulong sa akin ni Zendee. Sinimangutan ko lang siya. "Marvin, mas malakas ang instinct ko sa 'yo kasi pati ang mga itinatago mo ay nararamdaman at nahuhulaan ko!" dagdag pa ni Zendee. Umiwas na lang ako ng tingin sa kaniya. Bumulong ako sa sarili ko, "Ano kaya ang sikreto ng four bad girls? Do I have to expect the unexpected?"

The Four Bad Girls and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon