Sa totoo lang ay nagtaka ako kung bakit hindi ko kaagad napansin noon si Zendee. Siya kasi ang tipo ng babae na madalas lingunin ng mga lalaki sa lugar namin. Matangkad siya, chinita, maputi at medyo sexy. Maganda siya kahit hindi ko mawari kung jejemon ba, gangster, K-pop o swag ang style niya sa pananamit. At nang ipag-drive kami ni Nanay ng Tito Danny niya papunta sa palengke ay nalaman ko na galing nga sa Maynila si Zendee at lumuwas dito sa Nueva Ecija para tumulong sa mga negosyo ng tiyuhin niya. Ayaw na raw kasing mag-aral ni Zendee. Tinamad na raw siyang tapusin ang kurso niya at pinili na lang niya na magtrabaho at buhayin ang sarili. Ang sabi niya ay makakatulong naman daw siya sa pamilya niya kahit hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Sa point na 'yon ay na-turn off kaagad ako kay Zendee. May kaya kasi sila sa buhay dahil parehong may negosyo ang mga magulang niya pero hindi naman siya nag-aral. Naisip ko pa noon na walang mararating na magandang kinabukasan ang taong tinatanggihan ang oportunidad na makapagtapos ng pag-aaral. Kahit na sabihin nating attracted ako sa kaniya, pinipigilan ko pa rin ang sarili ko na magkagusto kay Zendee lalo na't magkaibang-magkaiba kami ng pananaw sa buhay. Ayoko kasi sa babaeng hindi pinapahalagahan ang edukasyon kaya kahit medyo bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nakikita ko siya ay pinapakalma ko na lamang ang sarili ko. Kumbaga, sinusubukan ko munang iwasan ang distraction.
Mas naging madalas ang pagkikita namin ni Zendee. Siya kasi ang nagde-deliver ng mineral water sa amin. Tinutulungan niya rin minsan ang tiyuhin niya sa paglalagay ng mga gulay sa sasakyan. Nakakagulat siya dahil lahat na lang yata ng kayang gawin ng lalaki ay nagagawa niya rin nang walang kahirap-hirap. Aminado ako na naramdaman ko na medyo nagpapa-cute siya sa akin noon. Pero dahil gusto ko ngang mag-focus sa pagtatrabaho at naka-set talaga ang isipan ko na hindi talaga siya ang tipo kong babae ay madalas na lang akong nagsusuplado sa kaniya para itigil niya na ang kung anumang gusto niyang gawin para maging close kaming dalawa. Minsan, mahirap para sa akin na iwasan ang isang tao lalo na kung pursigido talaga siya na mas makilala ako.
"Good morning po, Nanay!" bati ko sa aking ina nang minsang tanghaliin ako ng gising. "Marvin, mabuti naman at bumangon ka na!" tugon ng aking ina. "May lakad po kayo?" usisa ko sa kaniya. "Oo, ipapa-checkup ko lang sa health center sina Kenichi at Kenjiro. Magpapasama na lang ako kay Elton. Basta kapag maaga kaming natapos ay didiretso na rin ako kaagad sa palengke!" paliwanag niya. "Ayos lang po, Nanay. Kaya ko naman pong mag-isa doon!" nakangiting tugon ko. "Halika na dito at inumin mo na itong tinimpla kong kape bago pa maging sinlamig ng ilong ng pusa!" alok ni Nanay. "Sige po!" maikling sagot ko bago umupo. "Heto yung pandesal oh! Tulog pa ang ate mo pero binilin ko na kay Elvis na kapag nagising si Melba ay sabihan ito na maglinis ng bahay at maghanda na rin ng tanghalian nila mamaya," wika ng aking ina. "Nanay, may kumakatok. Ako na po ang magbubukas!" sabi ko kay Nanay matapos marinig na may kumakatok sa pintuan namin. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin ang mukha ni Zendee. "Good morning po!" bati ng dalaga. "Oh, anong ginagawa mo dito?" mabilis kong tanong. "Hmmmnnn... Ako kasi ang inutusan ni Tito na maghahatid sa inyo sa palengke!" nakangiting sagot ni Zendee. "Bakit ikaw? Nasaan si Mang Danny? Kababae mong tao ginagawa mo mga gawain ng lalake!" usisa ko sa kaniya. "Eh may lalakarin daw si Tito eh. Magre-renew yata ng lisensya!" sagot niya. "Ganon ba? Bumalik ka na lang! Alas-otso kasi kami aalis, alas-syete pa lang oh! Masyado pang maaga!" sambit ko sa kaniya. "Hehehe... Sorry, medyo na-excite lang yata ako! Ahh sige babalik na lang po ako!" paalam ng dalaga. "Si Zendee ba 'yan? Halika, magkape ka muna rito!" sigaw ni Nanay. "Ahh sige po. Tamang-tama..." wika ni Zendee na hindi natapos magsalita. "Hindi na raw po, Nanay! Aalis na raw po siya eh. Babalik na lang daw po siya mamaya kapag ready na ako! 'Di ba paalis ka na?" sunud-sunod na sabi ko. Napangiti lang si Zendee sa akin. "Nakakaistorbo ka na kasi sa pag-aalmusal ko!" bulong ko sa kaniya. "Eh sabi ko nga paalis na po ako! Sige, takits na lang mamaya!" natutuwang wika niya bago tuluyang umalis. "Nanliligaw na ba sa yo si Zendee?" nakangiting tanong ni Nanay. "Syempre, hindi po! Saka, babae na ba nanliligaw ngayon?! Bakit n'yo naman po naisip 'yon, Nanay?" naaasar na tugon ko sa kaniya. "Naku, dahil ganyan-ganyan din yung ate mo nung nililigawan si Jayson, yung bestfriend ng kuya mo!" wika ni Nanay na hindi pa rin maalis ang ngiti sa mukha. "Naku po, Nanay. Ewan ko nga ba sa grupo ng bad girls na 'yan!" sambit ko naman. "Alam mo, mukha namang mabait na bata iyang si Zendee. Napakagalang pa!" sabi ni Nanay. "Naku, pakitang-tao lang po 'yon!" mabilis kong tugon. "Kung sakali bang manligaw eh sa tingin mo may pag-asa siya sa 'yo?" usisa ni nanay. Hindi ko na napigilin na matawa nang malakas. Nakakatawa naman kasi talaga na babae ang nanliligaw at nanunuyo sa lalaki. "Hahaha... Nanay naman! Ano na naman po bang klaseng tanong 'yan?" wika ko kay Nanay. "Simpleng tanong lang naman, Anak. Sagutin mo lang kung meron o wala. Saka, wala namang masama dahil matagal na kayong walang relasyon ni Claudine!" pangungulit ni Nanay. "Wala! Wala po siyang pag-asa sa akin dahil una po sa lahat, ayoko ng babaeng mabisyo. Napansin n'yo naman po siguro, 'di ba? Palagi siyang nagve-vape sa tuwing tumutulong sa atin sa pagbubuhat ng mga gulay. Pangalawa, ayoko po sa lahat yung babaeng walang direksyon at pangarap sa buhay!" paliwanag ko. "Paano mo naman nasabi 'yan?" tanong ni Nanay. "Syempre po, kasi hindi niya tinapos ang pag-aaral niya kahit may pera naman sila. May opportunity para sa kanya na sinasayang naman niya!" dagdag ko. "Anak, hindi lahat ng hindi nakapagtapos sa pag-aaral ay walang direksyon o pangarap sa buhay. Nagkataon lang na pinili nila na mas maagang maging responsable at buhayin ang sarili," seryosong paliwanag ni Nanay.
BINABASA MO ANG
The Four Bad Girls and Me
عاطفية"Hindi mo kailangang gawin 'yon. Oo, mataas ang pangarap ko para sa sarili ko. Ayoko kasing dumating ang araw na buong pamilya na kaming naghihirap. Kaya ang sabi ko, aabutin ko lahat ng pangarap ko hangga't kaya ko. Pero, Zendee, hindi mo naman kai...