Chapter 4: Fear of Rain

99 8 1
                                    

Nagising ako na nakahiga sa isang papag sa loob ng maliit at madilim na kubo. Tumatama sa mga mata ko ang liwanag ng apoy ng siga sa di-kalayuan. Napaupo agad ako at naalala ko ang mga nangyari bago ako nawalan ng malay. Bumalik ang pangamba sa dibdib ko nang biglang umulan pero nabawasan ang takot ko nang maalala ko ang mukha ni Zendee. "Tama, si Zendee 'yon! Siya rin yung batang babae na nagpasukob sa akin noon sa payong!" bulong ko sa aking sarili. Biglang tumigil ang ulan at nabingi ako sa malakas na tilaok ng tandang na animo'y nasa tabi ko lang. Agad akong lumabas sa maliit at bukas na kubo. Nilibot ko ang aking paningin. Nasa paanan na nga ako ng Bundok Tilapayong. "Bakit nag-iisa ako dito? Tinulungan kaya ako ni Zendee na makarating dito?" tanong ko sa sarili ko. Naglakad-lakad ako upang hanapin ang babaeng sa palagay ko ay nasa tabi-tabi lang. Nakita kong papalapit sa akin si Zendee na may kasamang binatilyo na nagpapatugtog ng gitara. Lumakas ang tibok ng puso ko nang si Zendee ay biglang kumanta:

For all those times you stood by me

For all the truth that you made me see

For all the joy you brought to my life

For all the wrong that you made right

For every dream you made come true

For all the love I found in you

I'll be forever thankful, baby

You're the one who held me up

Never let me fall

You're the one who saw me through through it all

You were my strength when I was weak

You were my voice when I couldn't speak

You were my eyes when I couldn't see

You saw the best there was in me

Lifted me up when I couldn't reach

You gave me faith 'cause you believed

I'm everything I am

Because you loved me...

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Naguguluhan ako. Napanganga na lang ako at napakunot ang noo. Nahirapan akong mag-isip ng sasabihin sa kaniya. "Zendee?" mahinahong banggit ko sa pangalan niya. Nakatingin sa amin ang binatilyong kasama niya at ang isang ale na papalapit sa amin. "Bakit parang nagulat ka d'yan? 'Di ba misyon ko na mangharana? Mission accomplished!" nakangiting sambit ni Zendee bago kunin ang gitara sa binatilyo. "Hindi naman ikaw ang naggitara!" biro ko sa kaniya. "Kaboses ko naman si Celine Dion! Okidoks na 'yon!" pagyayabang niya habang papalapit sa akin. "You know what? Ang gaan ng bangko mo, este ng gitara pala!" nakatawang tugon ko sa kaniya. "Alam mo ba na ayokong maging astronaut?" tanong ni Zendee sa akin. "Bakit?" mabilis kong sabi kahit alam ko namang baduy na pick-up line lang ang sasabihin niya. Huminga siya nang malalim at nagsalita, "Dahil ayoko ng space. Kaya aalisin ko na 'tong harang na gitara sa atin para wala nang space between us!" Hindi ko napigilan na matawa sa banat niya. Napaka-corny kasi pero natawa pa rin ako. "Please, 'wag mo na akong paggitarahin! Harang lang 'to sa atin!" pamimilit niya. "Sige, akin na lang yung gitara mo!" malakas kong sabi bago hablutin sa kaniya ang gitara. Bigla rin akong tumakbo sa loob ng kubo. "Sandali lang! Hindi sa 'kin 'yan! Kay Dranreb 'yan! 'Wag mong sisirain!" suway niya habang sinusundan ako papasok sa kubo. Nawala sa isip ko na may isang binatilyo at isang ale pala na kanina pa nakatingin sa amin. Naramdaman ko na awkard pala ang ginawa ko kaya inilapag ko ang gitara sa lamesa at nagtungo agad ako sa papag kung saan ako nakahiga kanina. Napalunok na lang ako nang laway nang masilip ko si Zendee sa maliit na sala ng kubo kasama ang binatilyo at ale. Maliwanag na sa labas at nagkunwari akong tulog.

Limang minuto na yata akong nakapikit at hindi gumagalaw. Ang hirap palang magpanggap na tulog. Sinubukan kong dumilat at nagulat ako nang makita ko ang cellphone ko sa gilid ng papag. Nagtaka ako kung bakit nasa tabi ko lang ito gayong hiniram ito ni Ate Melba nung nasa glass house kami ni Lola Lucia. Bigla kong naisip si Zendee. Siguro nga ay kinuha niya ito kay Ate bago niya ako pinuntahan. Pagbukas ko sa cellphone kong may joystick ay nagulat ako dahil picture ni Zendee ang nasa wallpaper. Tama nga ang iniisip ko. Siya ang nagdala ng cellphone ko dito. "At talagang inilagay mo pa ang mukha mo sa wallpaper ko!" bulong ko. Bigla na lang akong napatitig sa mukha niya sa picture. Muntik nang mahulog ang mabigat na cellphone sa mukha ko kakatingin sa picture niya. "Walanghiya ang iyong mga mata! Nakakaakit, para kang diwata! Luh, naging makata na yata ako?!" wika ko sa isip ko. Bumangon ako dahil nakaramdam na ako ng gutom. "Maghilamos ka na at mag-toothbrush tapos pumunta ka na dito at kakain na tayo, okay?" sambit ni Zendee na kanina pa pala nakasilip sa akin sa bintana. Bigla kong ibinulsa ang cellphone at baka mapansin niya pa na tinitingnan ko ang picture niya. "Yes, Master. Eto na oh, pupunta na po ako sa CR, maghihilamos at magtu-toothbrush. Luh, wala akong toothbrush!" sunud-sunod kong sabi. "Eto na ho, Boss Marvin! May reserbang toothbrush sila Aling Teresa!" wika ni Zendee sabay abot sa hawak na toothbrush. "Salamat! Dami ko nang utang sa 'yo!" malakas kong sabi. "Wala 'yon! Ano ka ba?! Kailangan mo 'yan at mabaho na hininga mo!" pang-aasar niya. Sinimangutan ko lang siya at nagtungo na ako sa kakaibang CR na gawa sa kawayan.

The Four Bad Girls and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon