"Boss Marvin, alam namin na hindi ka pa handang gumawa ng kahit anong misyon dahil sa dami ng mga pinagdaanan mo pero..." hindi na natapos ni Zendee ang sasabihin dahil pinigilan ko siyang magsalita. "Ano bang sinasabi mo? Boy scout 'to, laging handa!" pagyayabang ko. Hindi ko alam kung bakit nasabi ko iyon at hindi ko rin alam kung bakit desidido na akong tapusin ang natitirang tatlumpong misyon sa misteryosong kahon. Ang alam ko lang ay mahalaga sa four bad girls ang mga misyon doon. "Handa na rin ako!" malakas na sabi naman ni Ate Melba. "Kung handa na ang lahat, simulan na ang laban!" masayang sambit ni Jolens. Sabay-sabay na kaming bumunot sa kahon at sabay-sabay din naming ipinakita ang aming mga nabunot. "Bakit parang space travel ang gagawin nating lahat? Makalapit sa buwan, lumipad sa kalawakan, ikutin ang mundo, abutin ang mga tala at angkinin ang universe!" pagtataka ko. "Parang kahit anong gawin natin, imposibleng magawa ang mga misyon na 'yan! It costs an astronomical amount of money to go to outer space! Sa tingin n'yo ba magagawa natin?" wika ni Pogs na mukhang malalim ang iniisip. "Sa totoo lang, hindi natin kayang magpunta agad-agad sa outer space. Pero hindi lahat ng sagot ay makikita natin sa libro!" paliwanag ni Zendee. "Ibig sabihin, hindi talaga space travel ang tinutukoy sa mga nabunot natin?" tanong ni Pogs. "She probably didn't mean the literal space travel when she wrote the missions. Sobrang imaginative lang talaga siya!" tugon ni Ate Melba. Nagtinginan sina Pogs at Jolens at mukhang nag-alala sa mga sinabi ng ate ko. "Imposible talagang makapunta tayo kaagad sa outer space. Pero kung bubuksan natin ang ating isip, makakapaglakbay tayo sa outer space sa iba pang mga paraan!" pahayag ni Zendee. "But theoretically..." wika ni Pogs na parang may gusto pang sabihin pero sumingit na ako. "Tama ba ang narinig ko? May isang imaginative na tao na sumulat ng mga misyon na nasa box?! Akala ko talaga kayong four bad girls ang sumulat ng mga misyon!" usisa ko. "Malalaman mo ang lahat kapag natapos na natin ang mga misyon!" seryosong sambit ni Zendee. "Huh? Ano 'yon?!" nagtatakang tugon ko. "Ikaw talaga, Sphynx! Masyado kang bookish. 'Yan tuloy kulang ka sa imagination!" malakas na sabi ni Jolens na halatang iniiba ang usapan. "Sige, gawin na natin kahit imposible pero dapat kasama natin si Marvin sa lahat ng gagawin natin dahil siya ang adviser ng Vixens!" nakangiting wika ni Pogs. Tumango na lang ako. Lagi naman akong nakikisakay sa four bad girls. "We're awesome all day, we slay all day!" sabay-sabay na sabi ng apat with matching fierce pose. "Keep slaying!" nakangising sabi ko sa kanila bago sila nagtawanan.
"Ang misyon ko ay abutin ang mga tala!" wika ni Jolens na nagpasama sa akin sa basketball court ng Mayapyap Sur. "May liga yata ngayon! Bakit dito tayo nagpunta?" usisa ko sa kaniya. "May mga artista kasi na maglalaro ngayon dito! Hahawakan ko lang sila para may maabot akong stars!" masayang sabi niya habang inilalabas sa bag ang dalang pompoms. "Masyado yata tayong malapit sa ring!" bulong ko kay Jolens. "Ayos lang 'yan para mas madali akong makalapit sa mga artista pagkatapos ng laro!" bulong naman niya. Biglang nagtilian ang mga tao sa court, senyales na parating na ang mga artistang maglalaro ng basketball. "I love you, Daniel!" malakas na sigaw ng babaeng nasa likuran namin. "Galingan mo, James!" napapaos na sigaw ng bading na sinubukang lumapit sa idolo. Tumakbo si Jolens palapit sa mga dumating na artista. Mabilis siyang nakalusot sa nakaharang na bodyguards. "Enrique, kayang-kaya mo 'yan!" pa-cute na sambit ni Jolens bago siya tinamaan ng bola sa ulo. Dali-dali akong lumapit sa kaniya. "Ayos ka lang ba?" pag-aalala ko. "Ang daming stars!" wika niya bago tuluyang mawalan ng malay. Agad namang tumakbo palapit kay Jolens ang artistang si Enrique. Kinarga siya nito papunta sa clinic na malapit sa court. "Mission accomplished na si Jolens! Nakakita na nga siya ng stars bago mawalan ng malay, nakasama pa niya ang crush niyang artista!" wika ko sa isip ko.
Sa palengke naman ay biglang nagpakita sa akin ang kapatid kong si Tandang Melba. "I can't touch the outer space but I already own the universe!" bungad niya sa akin. Napapailing na lang ako sa mga sinasabi niya. "Angkinin mong mag-isa ang sinasabi mong universe!" biro ko sa kaniya. "Ipapakilala ko sa 'yo si Clyde, ang bago kong boyfriend!" malakas na sabi niya. "Ate, nasisiraan ka na ba? Pumatol ka sa kuya ng ex ko?!" gulat na tugon ko. Mas lalo akong nagulat nang biglang sumulpot sa harap ko si Clyde na talagang kinaiinisan ko. "Ang hot niya, 'di ba? At ang gwapo pa!" pakilala ni Ate Melba sa boyfriend niya. Nagkunwari na lang ako na abala sa pag-aayos ng mga paninda. "He is my everything! He is my universe!" dagdag pa ng ate ko bago yakapin ang lalaki. "They look good together!" wika ng babaeng napadaan sa pwesto namin. "Amazing couple!" sambit naman ng foreigner na kasama nito. Alam ko na tinitingnan ako ni Ate Melba at ng bago niyang boyfriend pero hindi ko sila pinapansin. "Bayaw, bakit umiiwas ka ng tingin?" tanong ni Clyde sa akin. "Umuwi ka na lang sa inyo!" bwelta ko sa kaniya. "Kung anuman ang nangyari noon, kalimutan na natin! Baka ikaw 'tong hindi pa nakaka-move on sa kapatid ko?!" maangas na wika ni Clyde. "You know what? Your opinion doesn't matter!" seryosong sabi ko sa kaniya. "Matter is anything that occupies space. You really need space!" pilosopong tugon ni Clyde bago nag-goodbye kiss kay Ate Melba. "Ano 'yon? Bakit ka pumatol sa lalakeng 'yon?" usisa ko sa ate ko. "Dont be crazy! Inuuto ko lang siya. At ang good news, ako na ang owner ng YOUniverse Videoke Bar. Nakapangalan na sa akin. Salamat kay Moron Clyde!" pahayag ni Ate Melba na mukhang kontrabida ang datingan. "Ang bad mo talaga! Bahala ka, karma is real!" nakasimangot na wika ko sa kaniya. "Mission completed!" maikling tugon ng ate ko.
BINABASA MO ANG
The Four Bad Girls and Me
Romance"Hindi mo kailangang gawin 'yon. Oo, mataas ang pangarap ko para sa sarili ko. Ayoko kasing dumating ang araw na buong pamilya na kaming naghihirap. Kaya ang sabi ko, aabutin ko lahat ng pangarap ko hangga't kaya ko. Pero, Zendee, hindi mo naman kai...