Chapter 14: The Last Opportunity

97 7 13
                                    

"Ballpen, chalk, mga papeles... Wala na ba akong nakalimutan?" bulong ko sa sarili ko. "Anak, nakaayos na ba ang mga gamit mo?" usisa ng nanay ko. "Opo! Mukhang wala naman na po akong nakalimutan!" tugon ko. "Huminga ka muna nang malalim dahil baka makalimutan mong iwan dito sa bahay ang kaba mo!" nakangiting pahayag ni Nanay Mila. "Hayyy... Sorry po, Nanay! Hindi ko pa rin po kasi talaga matanggal yung kaba ko dito!" kabadong sambit ko. "Normal lang 'yan dahil unang araw mo ngayon sa public school. Alam ko namang ngayon lang 'yan!" masayang sabi ng aking ina. Medyo nabawasan ang kaba sa dibdib ko. "Anak, salamat!" naluluhang wika ni Nanay. "Nanay? Bakit po kayo umiiyak?! Ako nga po yung dapat maiyak dahil sa kaba eh!" malumanay kong sambit sa kaniya. "Pasensya ka na ha! Hindi ko na napigilan eh. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala hanggang ngayon na may isa akong anak na nakapagtapos ng kolehiyo!" umiiyak na pahayag ni Nanay. "Mapagtatapos ko rin po ng pag-aaral yung dalawa ko pang kapatid. Ang totoo po, ako nga po yung dapat na magpasalamat sa inyo dahil hindi po kayo sumuko na suportahan ako dito sa kagustuhan ko na makapagtapos. Pinaramdam n'yo po sa akin na palagi kayong nasa tabi ko!" emosyonal kong tugon kay Nanay. Patuloy pa rin sa pag-iyak ang aking ina. Ramdam ko na luha iyon ng kaligayahan. "Yun lang naman ang kaya kong gawin dahil ikaw na halos ang nagpaaral sa sarili mo! At tinulungan mo pa akong buhayin ang pamilyang 'to!" sambit niya. "Obligasyon ko po 'yan bilang pangalawang lalaking anak ninyo. At makakaasa po kayo na hinding-hindi ko bibitawan yung obligasyon ko sa inyo!" seryosong sabi ko. "Salamat, Marvin! Napakaswerte ko sa 'yo at naging anak kita!" pahayag ni Nanay na patuloy pa rin sa pagluha. "At maswerte po ako na kayo ang naging nanay ko! Payakap nga po ako para mawala yung kaba ko bago ako umalis ng bahay!" wika ko na naiiyak na rin. Niyakap ko nang mahigpit ang pinakamamahal kong babae na naging inspirasyon ko upang magtagumpay sa buhay.

"Medyo maaga pa naman. Bakit ba ako nagmamadali? Hahaha... Relax, Marvin! First day mo ngayon sa alma mater mo kaya kailangan relax ka lang!" wika ko sa sarili ko. Bigla akong nakarinig ng isang pamilyar na boses, "Hello, Marvin!" Napalingon ako sa babaeng nagsalita at parang tumigil ang mundo ko. "Zendee?! Kamusta ka na? Anong ginagawa mo dito?" sunud-sunod na pahayag ko na halatang nabibigla pa rin sa pangyayari. "Hehehe... Ayos naman ako! May pupuntahan lang ako sa office d'yan malapit sa school. Ikaw, saan ka pupunta?!" masayang sambit ni Zendee. "Ahh... Ehh... Sa eskwelahan! Teacher na ako sa MNHS!" nauutal kong sabi. "Ah ganun ba? Tara, sabay na tayo!" anyaya ng dalaga. "Ahh... Sige!" mabilis kong tugon. "Hmmm... Gaano ka na katagal na nagtatrabaho d'yan sa school?" tanong niya. "Ahh... Bago lang. Sa katunayan, unang araw ko nga ngayon bilang isang public school teacher!" sagot ko. "Talaga?! Akalain mo 'yon, noh? Ngayon pa tayo nagkita sa magiging unang araw mo!" masayang sabi ni Zendee. "Oo nga eh. Medyo kinakabahan na nga ako!" wika ko na medyo itinatago ang kaba. "Okey lang 'yan! Alam ko namang yakang-yaka mo 'yan eh!" sambit niya na halatang pinapalakas ang loob ko. "Salamat!" maikling tugon ko. "Hmmm... Marvin, baka hanggang..." hindi na niya natapos ang gusto niyang sabihin. "Ah Zendee, dito na lang. Eto na yung school eh!" bigla kong sabi. "Sige, sige... Aja! Kaya mo 'yan!" malakas niyang sabi. Napangiti ako sa sinabi niya. "Thank you! Nice to see you again! Ingat ka! Bye!" paalam ko sa kaniya bago ako pumasok sa gate ng school.

"Hayyy... Sa dinami-rami naman ng araw na makikita ko si Zendee, bakit ngayon pa sa unang araw ko sa public school? Lalo tuloy akong kinabahan! Magtatagal kaya siya dito sa Cabanatuan? Subukan ko ngang tawagan si Tito Danny. May oras pa naman ako eh!" sambit ko sa aking sarili bago idayal ang number ni Tito Danny. Sumagot din naman agad ang tito ni Zendee, "Marvin, kamusta?!" Agad rin akong tumugon, "Ayos lang po, Tito! Kayo po?" Hindi ko talaga alam kung ano ang itatanong ko sa kaniya. "Ah maayos din naman! Yung bago naming cashier eh masipag din kagaya mo kaya hindi kami nahihirapan ngayon dito sa grocery. Nga pala, bakit ka napatawag?" pahayag ni Tito Danny. "Ah may nakalimutan po kasi ako na photocopy ng TOR ko sa may ibabaw ng xerox machine n'yo po. Pero dadaanan ko na lang po bukas ng umaga. Baka lang po akalain ninyo na hindi na kailangan at matapon!" paliwanag ko. "Ahh... Sige! Ibibilin ko na lang sa asawa ko mamaya na itabi muna at iabot sa 'yo kapag pumunta ka na dito!" wika ni Tito Danny. "Salamat po! Ahhh... Nga po pala, bumalik na po ba si Zendee dito sa Cabanatuan? Para po kasing nakita ko siyang dumaan dito kanina eh! Hindi lang po ako sigurado kasi baka kahawig niya lang po?!" usisa ko. "Oo, nung isang araw lang! Eh baka siya nga yung nakita mo kasi ang alam ko may pinupuntahan lang siya sa office na malapit d'yan sa pinagtatrabahuhan mong school!" tugon ng tito ni Zendee. "Ganun po ba? Baka nga siya po 'yon! Sige po, Tito! Thank you po! Bye!" wika ko bago ibaba ang cellphone.

The Four Bad Girls and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon